Chapter 3

2429 Words
Limang oras lang yata ang tagal ng tulog ko ng gisingin ako ni Mama para mag simba. Hindi na niya ako pinaligo dahil wala daw ako gaanong tulog, pinaglaban ko pa ang limang oras na nai-tulog ko para makaligo dahil ayaw ko talagang lumabas ng hindi nakakaligo pero talo pa rin ako kaya hinugasan at sinabunan ko nalang ang mga parteng dapat hugasan. Gustuhin ko mang mamayang hapon nalang magsimba ay mapapagalitan lang ako ni Mama. Tapos sasabihan na naman akong I can waste my time with some unnecessary things pero ang kaunting sakripisyo ng pag gising ng maaga ay hindi ko magawa? Ugh! I know her lines already! Memoryado ko na lahat iyon! Nang nasa simbahan na kami ay hinanap agad ng mga mata ko ang pinsan ko. And there I saw her sitting in the left side corner of the church nakayuko, natutulog. Nilapitan ko ito roon, ngumiti ako kay Nay Rosa nang lumingon ito sa gawi ko at nagmano. Kinulbit ko si Austrid. Nagising ito halatang inaantok pa at nakabusangot ang mukha. Nagmano na rin ako kay Tita Alex and Tito Jimmy. I laughed nang makita ang kabuoan ng pagmumukha niya. She looked like a living zombie. Mahina akong napahalakhak. Our parents were already talking about something kaya pagt-tripan ko muna 'to. "What's with the nguso Strid?" Paninimula ko. Her glare shifted on me and when she realized that it was me ay ngumisi siya. "Si Kerwin daw naghatid sayo?" Tanong nito na tinanguan ko. Nag-usap pa kami sa iilang mga pangyayari kagabi dahil maaga pa naman at hindi pa nag sisimula yung misa. Nasa simbahan kami pero nung marinig niya yung mga kalokohang pinaggagawa niya kagabi ay napa "f**k s**t" ito. Mabilis ko namang tinakpan ang bibig niya. Ang sama tuloy ng tingin sa amin ni lola na nakaupo sa harapan! Napa-iling nalang ako at natawa nang bahagya dahil mukhang problemado nga siya sa mga pinaggagawa niya kagabi. "Eh ikaw? May gusto ka kay Kerwin?" Tanong niya. Napalingon ako sa kanya. "Hindi ah." sagot ko agad. Kakikilala ko nga lang sa tao eh, gusto agad? Nagsimula na ang misa and Father started to share some words of God, habang si Austrid naman ay pasimpleng natutulog sa tabi ko. Sinisikop ko siya kapag kailangan naming tumayo, minsan pa siyang na r-rattle dahil doon. Kinagat ko ang labi para hindi matawa ng malakas. Mukha siyang tanga! Nilingon ko siya muli. Pilit niyang nilalabanan ang inaantok pa niyang mga mata. Meron naman kaming simba every evening para sa mga members na may trabaho every Sunday morning. Pwede naman siyang magsimba mamaya but knowing Tita Alex, nah, no comment nalang talaga. "May gala kami mamaya sama ka?" bulong niya habang papalabas na kami ng simbahan kasunod ng mga parents namin. Kung kanina inaantok pa siya ngayon ay alive na alive na. Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Gala na naman? Mas mabuti pang itulog mo nalang yan kesa igala mo, Austrid." Sino ba kasing tangang gagala na kakagala lang kagabi, ah yea si Austrid lang yata yun, ang pinsan kong makati ang paa. Seryosong tumingin ako sa harap. An expression na hindi niya ako mapapapayag this time. Pinagbigyan ko lang siya kahapon dahil birthday niya. "I have a book to read later" I said. I have a new book kaya gusto ko sanang ngayon palang ay matapos ko na yung kasalukuyan kong binabasa. She looked at me with her bored face. "Yea whatever, pero kahit na... sasabay si Kerwin?" sabi niya na ngayon ay may nakakalokong ngiti sa mga labi. "So? Hindi pa rin.” "Sure na? Wala ka namang gagastusin. Ako ang bahala sa iyo, para makita mo rin si Kerwin.” "Tss. Hindi nga." Naiinis ko ng sabi. Ano naman kung sasabay siya? Itong pinsan ko kung ano-ano nalang ang iniisip. Ayaw ko nga muna sanang makita yung tao kasi hindi ko pa nalalabhan yung jacket niya nakakahiya naman. "Okay sabi mo eh" sabi niya at umuna ng maglakad, ako naman ay sumunod nalang sa kanya. Nang makauwi na kami ay nagmadali akong tumakbo patungo sa kwarto ko para magbihis at para masimulan ko na rin ang pagbabasa ko. I read the last 10 pages of the book I'm currently reading at taena naiiyak ako. Sobrang ganda nung story, it’s about choosing your passion than the others want you to have for you. Namumugto yung mga mata ko nang kumain kami ng lunch. Napapailing nalang si Mama at Papa sa akin at hindi na nagtanong kung bakit ganito ang itsura ko. They already know the answer so they didn't bother to ask. Hinugasan ko muna ang mga pinagkainan namin bago bumalik sa kwarto ko. Naupo ako sa gilid ng kama ko at humarap sa bintana. Iniisip ang kakatapos ko lang na binasang nobela. Sa sobrang ganda niyong story ay damang-dama ko pa rin yung sad ending n’on. The guy who keeps on pushing them to choose what they want to be and what they like for there selves, died. Wala na iyong kaibigan nilang tumutulong sa kanilang kamitin ang mga nais nila. Isipin niyo iyon. A stranger keeps on motivating you to believe in your self. Na magtiwala ka lang sa sarili mo dahil kahit anong mangyari basta binigay mo ang best mo and you did everything to reach your dreams ay makakamit mo talaga iyon. Lalo na kung yung kinakamit mo ay iyon na talaga yung matagal mo nang pinapangarap. Hindi iyong pinipilit ng kung sino man para saiyo. I am an education student pero ang gusto ko talaga sanang course ay Mass Communication. I want to be a TV reporter someday but I'm afraid of public speaking though yung kurso ko ngayon is also dealing with public speaking nakakaya ko naman at kakayanin ko! Ngayon I'm happy with the friendship na nabuo ko with my classmates. I am majoring in Technology and Livelihood Education. I don't have much of friends pero meron naman akong mga kakilala na hindi man ako sobrang close with, ay nagkakaintindihan naman kami kasi pareho kami ng mga hilig and that is with books and reading. Naputol lang ang pag mumuni-muni ko nang marinig kong tumunog yung phone ko. I opened it and a message from my cousin ang nanguna sa chat box ko. She sended me a photo of her with her friends na kagabi ko lang naman nakasama. She captioned it with the words "we're having fun here, sunod ka!" tss. I didn't bother to reply sa kaniya, instead ay binisita ko muna ang Gc ng set namin. Ang nag iisang message na nagbibigay buhay sa phone ko. Wala namang announcement, maliban nalang sa palaging pagu-update ng isang kaklase namin sa buhay niya, sa kung nasaan siya minsan gumagala at kung ano ang kinakain niya, like we care. Another photo was sended by my cousin kaya inopen ko na naman ang chatbox namin. It’s a picture of her na naka lipbite while a man in a summer short on her back was topless at naka dekwatro ang pagkakaupo at naka-krus ang dalawang kamay sa harapan ng dibdib, naka salamin din ito at halatang natutulog. "Mag laway ka." Mensahe sa akin ng pinsan ko kasunod ng picture na pinadala niya. Kerwin is really handsome, there's no doubt on that. "Okay!" I replied. "Maybe next time" sunod kong reply para hindi na niya ako kulitin. Ayoko munang umalis ng bahay, namamaga pa yung mga mata ko at I'm still grieving because I loss one of my favorite character! Call me crazy pero malaki talaga ang epekto ng pagbabasa sa sistema ko. Nang gabing yun ay sinimulan ko na rin ang pagbabasa sa bagong librong binili ko, which only consists a hundred of page. Kaya ko tong basahin ng isang gabi lang pero may pasok bukas kaya ilang pages muna yung tinapos ko bago matulog. "Daaaaniiiii!" Shouted by our class president. I rolled my eyes as I continued to sweep the dirts on our classroom. Umalis na naman ang mga kaklase ko ng hindi naglilinis noong lunes ng hapon. Sumunod naman na pumasok si Zien "Swerte talaga natin dahil naging kaklase natin tong si Dani" "Oh nga eh, ang sipag mag-linis" sang ayun naman ng class president namin. I rolled my eyes for the nth time. Tamad lang talaga kayong maglinis. Matapos ang linis session ko na wala ni isang tumulong ay umupo na agad ako sa upuan ko at kinolikot ang cellphone ko. Ngayon kasi raw dadating ang binili kong libro and I choosed the school's location para dito na ipa-deliver. Paniguradong pagagalitan talaga ako ni Mama kapag nalaman niyang bumili na naman ako ng libro. Masyado na kasi rawng masikip ang bahay namin dahil sa mga libro ko. Ipapamigay niya nalang daw ang mga iyon o di kaya eh ibebenta pero hindi ako pumayag no! Those books are so precious to me kaya kahit anong mangyari hindi ko sila ipapamigay o ibebenta. Dumating nalang yung first subject teacher namin pero hindi pa rin ulit tumawag ang delivery boy kaya nilagay ko muna ito sa pocket ko to listen on the discussion naka vibrate naman ito kaya, okay lang. The delivery boy called na dadating daw siya sa lokasyon ko after 2 hours and will just call me back if his infront of the gate of our school. Nang dumating ay sakto namang sa mga oras na yun ay wala akong sched, tumambay na muna ako sa library and continued to read the book that I am currently reading. I actually have 3 vacant hours at swerte namang wala kaming assignments with the next subjects. Napatingin ako sa librong binabasa ko and realized na malapit ko na naman pala itong matapos. I should have slow it down on reading especially dahil wala na akong ibang mababasa pang libro kasunod nito pero oo nga pala, may paparating pa naman akong libro so might as well read this one ng mabilis. "Hi." Bati ng lalaking umupo sa tapat ko. I looked up and saw Raffael’s face, Austrid's friend. Some are looking in our way now. Seeing an archi student and educ student is rare to see huh? Hindi ko alam kung anong trip ng mga estudyante sa skwelahang ito but they have their own meanings behind the program you are in. Na kapag archi student ka mayaman ka raw, pag educ student matalino, pag Tourism student maganda't gwapo tapos kapag IIT student basagulero? I am an educ student pero hindi ako matalino! "Hello" binalik ko ang tingin sa libro. "What are you reading?" "Novel." Tipid na sagot ko. "Is that part of your school work?" Tiningnan ko siya saglit pero binalik din agad ang tingin sa libro. "No." Hindi na siya muling nag tanong pa. I read the sentence again but I am already distracted on his presence infront of me. Binasa kong muli pero hindi talaga pumapasok sa ulo ko ang binabasa ko. I sighed. "Are you done?" He asked nang makitang tinatabi ko na ang libro. "Kinda." Bakit ba siya nandito? Wala naman siyang dalang gamit ni isa kaya sa tingin ko ay iba ang pakay niya rito. Kumunot ang noo ko nang may nakitang mga junior students na nagtutulakan sa tabi. "Ano ba ikaw na." Tulak ng babaeng may maikling buhok. "No, ikaw na. Ikaw naman may crush dy’an." I sighed. I looked at Raffael na walang pake at pinapakialaman ang libro ko. Kinuha ko ang libro ko from his hands at tinuro ang mga bata gamit ang nguso. Nangunot ang noo niya. "What?" Tinuro ko ulit ang dalawang junior na parang nangingisay sa kilig nang marinig si Raffael na nagsalita. Lah? Talandi ng mga bagets nato oh! "What? Do you want me to kiss you?" Nalilito ang mga mata pero may ngisi sa mga labing sabi nito sa akin. "What the! Of course not!" Napalakas kong sabi sa nandidiring tono. "SHHHH!" sita sa amin ng librarian. Napatingin tuloy sa gawi namin ang halos lahat ng mga estudyante. Sinamaan ko siya ng tingin. "I don't want a kiss you asshole. I'm pointing to that kids behind you!" Bulong ko. Tumingin siya sa dalawang babae. "Oh, I thought you wanted a kiss from me." Ngumisi siya. Hindi na niya binalingan ng tingin ang dalawang babae na kinikilig na ng sobra, what's wrong with this two? Hindi naman 'to si Daniel Padilla para kiligin sila ng sobra sa kanya, ah? Fine, he's handsome! But just plain handsome while Kerwin? He is different! He's handsome too but with oozing s*x appeal. I like his style na bad boy pero mabait, while this guy infront of me looks so innocent pero kabaliktaran ang ugali.  Hindi katulad ni Kerwin ay wala siyang ni isang peircings sa taenga, makinis ang mukha naka clean-cut and buhok malinis manamit halatang mayaman pero playboy! Teka? Bakit ko nga pinagkukumpara ang dalawa? Tss! Inirapan ko siya. "In your wet dreams." He chuckled. Hindi ko na hinitay pang makapagsalita siya't iniwan na roon. I knew it, the first time I saw him ay may kakaiba talaga sa aura niyang hindi ko gusto. Hindi ko alam pero naiirita ako sa kanya! Dahil mataas pa naman ang vacant time ko tumambay muna ako sa isang bench malapit sa soccer field. Wala gaanong tao kasi walang nagp-practice tsaka mainit din. Na-tiyempohan ko lang na walang tao rito sa bench sa ilalim ng punong acacia. Isang chapter nalang at matatapos ko ng basahin ang libro ko but then the delivery boy called me na nasa labas na raw siya kaya nagmadali akong tumakbo patungong gate. Nadaanan ko pa nga si Dave sa tapat ng Registrar office tumatambay naglalaro na naman yata ng ML kaya hindi ako napansin. "Yieee!" Kinikilig kong niyakap ang bagong libro ko. Hindi ko alam but books can easily make me kilig. Iba talaga ang tama ng mga libro sa akin. Even the books auroma? Ugh, they were like heaven to me! Mas nakaka-adik pa sila than man's perfume. Itinago ko muna ang libro sa loob ng bag ko to make it secured. Umaambon pa naman at baka bigla nalang bumuhos ang ulan. Pumasok akong muli sa campus dahil may isang subject pa akong papasukan, last ko na yun sa schedule ko ngayon, yung major subject amin. Nasa hall way na ako papuntang room 101 when my messenger made some noise. "Class I will be not around today, please to those who are not done yet with the seatwork you can continue doing it now at the lab but if you're done you can go home already. Thank you." Great! That means I can go home early now and read my book!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD