Episode 13

4019 Words
"A stranger can be your enemy sometimes but few of them can be your shoulder to cry on and lean on." - Rhen A. Chapter 13 -IRISH P.O.V- Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at puro puti lang ang aking nakikita, teka! Patay na ba ako? Ilang beses kong kinurap ang mga mata ko ng may pumasok na isang babae na nakaputi na hindi nalalayo sa edad ko. Anghel ba ito?So patay na ako?Hindi man lang ako nakapag paalam kina kuya at Mel, hindi ko man lang nasabi ulit kay Paxton yung nararamdaman ko. "Mabuti naman at gising ka na Miss, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ng babae na ikinakunot ng noo ko. Dahan-dahan kong inikot ang aking paningin ng madaanan ng mga mata ko ang ilang machine kaya ng itinaas ko ang kamay ko doon ko nakita na may nakakabit sa kamay ko. "O-ospital…?" "You're right nasa Ospital ka, mabuti nalang at nagising ka na." ngiting sambit ng babaeng nakaputi na sa tingin ko ay isang nurse na pilit kong ikinatayo na agad naman nya akong tinulungan. Wala pa ako sa langit kundi nasa Ospital, ang huling natatandaan ko ay kasama ko si Demon sa sementeryo at ipinakita sa akin ang labi ng ina at kapatid ni Taz na kapangalan ko na nalaman ko din na ang babaeng minamahal ni Paxton. Mukhang nakaapekto sa puso ko ang nalaman ko, kung paano pinatay ng walang awa ang ina at kapatid ni Taz at mukhang nakapagpa trigger ng sakit ko ay ang malaman na katulad ko ng pangalan ang babaeng mahal na mahal ni Paxton na hindi nya kayang bitawan. Naiintindihan ko na kung bakit ganun ang pakikitungo ni Paxton sa akin, akala nya inaagawan ko ng pangalan ang babaeng mahal nya. Masakit para sa akin ang nalaman ko, kaya pala sinasabi sa akin ni Demon na mahihirapa akong mapalapit kay Paxton dahil 'yun pala ang dahilan. Pero teka? Sino ang nagdala sa akin dito sa Ospita? Si Demon ba? Baka nalaman na nya ang kalagayan ko? "Alam mo maswerte ka, kinaiingitan ka ngayon ng mga nurse na nagtatrabaho dito." sambit nung nurse na ikinakunot ng noo ko. Ako masuwerte? "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko na ngiting ikinalapit nya sa akin at tiningnan ang dextrose na nakakabit sa akin "Ikaw lang kasi ang isa sa mga pasyente dito na talagang sinadya pa ni Doc Cluster, nagulat lahat ng staff sa pagdating ni Doc Cluster dito kanina." "Eh bakit naman ako kaiingitan ng mga nurse dito?" "Si Doc Cluster kasi ang sikat na Doctor dito na talagang mahusay na Doktor, may himalang nagagawa ang kamay nya dahil nadudugtungan ang buhay ng mga inooperahan nya,sobrang gwapo din.Hindi sya resident Doctor dito pero sa Ospital na ito sya pumupunta pag may ioopera sya. Matagal tagal narin nung makita namin si Doc at dahil sayo nakita namin uli sya." pahayag nung nurse na ikintango ko nalang. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang mainggit sa akin ng dahil lang doon.Sobrang gwapo daw ag Doktor na tumingin sa akin kaya ganun.Minsan talaga hinahangaan nila ang mga gwapo ang itsura. "Kilala mo ba si Doc Cluster kasi talagang sinadya ka dito." tanong pa sa akin nung nurse na ikinailing ko. "Ngayon ko lang narinig ang pangalan nya." Magsasalita pa sana ulit sya ng bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang matangkad at gwapong lalaki na naka all black pero bagay sa kanya dahil ang gwapo nya kaya lang walang emosyon ang mukha na lumapit sa sya akin. Bakit ba marami akong nakikita na gwapong lalaki na walang emosyon na makikita sa mukha. "Will you get out in this room." malamig na utos nito sa nurse na yumuko at agad umalis at iniwan kami ng gwapong lalaki Pero kahit gwapo ito mukhang masungit naman. "I never thought that you will call me just to check up a woman you just first met.I never understand you. sometimes." malamig na sambit nito na nakatitig sa akin na ikinailag ako. Sino ba kausap nito? "I'm Doctor Cluster Alegre, don't you know that you have a dangerous condition?After i finished my examination and test to you, i found out that you have Coronary Heart Deseas, a deadly one. It's good he brought you here early in this hospital. Is this your first attack?" walang emosyon na pahayag nito na agad kong ikinailing. May kakaiba sa Doktor na ito na maihahalintulad ko kina Demon. Kung hindi ako nagkakamali, pangatlong atake ko na ito, napapabayaan ko na ba ang sarili ko? "Just to inform you, you need to be extra more careful next time, if it happens again you might...." "....die" tuloy na putol ko sa sasabihin nya ikinasalubong ng kilay nito. "Don't intterupt me next time while i'm talking." malamig na sita nya sa akin na ikinakagat labi ko. Sungit naman ng doktor na ito. "Your heart can't accept any big emotions, if you don't want to die take care of yourself."  pahayag pa nya na ikinatango ko nalng ulit. Paano kaya naging sikat ang gwapong doktor na ito eh ang sungit naman.Napalingon nalang ako sa orasan na nakakabit sa ding-ding at at biglang pumasok sa isipan ko si Kuya Orlin,mag aalas tres na ng hapon baka nakauwi na 'yun at madatnan akong wala sa bahay ng hindi nagpapaalam sa kanya.Hindi pwedeng malaman ni Kuya na inatake na naman ako ng sakit ko,sobra yun mag aalala. "I guess your lucky because even you have a CHD your heart bear the pain because if not you ca--" Napakunot ang noo ko ng tumigil sa pagsasalita ang Doktor Cluster na ito a bumuntong hininga bago hinawakan ang kanang tenga nya namay bluetooth earpeice. "Fine, i have no choice but to obey right?" pahayag nito bago inalis ang bluetooth earpeice nya at itinago sa pants nya bago ako muling tingnan. Ako pa ba ang kausap nya? "I repeat Ms.Patient as i was saying, kung hindi kinaya ng puso mo ang pag atake nito pwedeng matagalan ang pag gising mo or it can lead you in  a coma.As a doctor, i suggest that monitor yourself to avoid that to happen." pahayag na sambit nito ni ikinatitig ko lang sa kanya. Kanina english sya ng english tapos biglag nagtagalog at masasabi kong bagay sa kanyang magsalita nalang ng tagalog. Napailing nalang ako sa naisip ko, hind ang pagtatagalog nya ang dapat kong isipin ngayon.Kailangan ko ng umuwi pero bago 'yu kahit ang awkward kausapin ang gwapong doktor na 'to ay gagawin ko parin dahil may gusto akong malaman. "Gusto ko lang malaman, nasaan ang nagdala sa akin dito?" I'm sure sa mga oras na ito kung si Demon ang nagdala sa akin dito ay malamang na nalaman nya na ang kalagayan ko. "I dunno, he just called me and i even don't saw him here." sagot sa akin nito na ikinasalubong ng kilay ko. Kung ganun hindi si Demon ang nagdala sa akin dito kundi iba?Kasi kung si Demon 'yun hindi nya ako iiwan dito at tatanungin ako sa sakit ko.Nakahinga ako ng maluwag dahil doon,mas ok na iba ang nagdala sa akin dito dahil ayokong malaman ni Demon ang sakit ko. Pero sino ang nagdala sa akin dito? "Si-sino ang nagdala sa akin dito?" muling tanong ko na sa tingin ko ay hindi nya nagustuhan. "Even that i knew him hindi ko sasabihin sayo and if you'll ask me if he knows your condition, yes he knows." sagot nito na bahagyang ikinangiti ko nalang sa kanya. Ok lang naman siguro kahit alam ng nagdala sa akin dito ang kondisyon ko,hindi naman namin kilaka ang isa't-isa. "Pwede na ba akong umuwi?" paalam ko sa kanya Baka hinahanap na talaga ako ni Kuya, wala sa akin ang cp ko baka naiwan ko sa kotse ni Demon.Hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko kay Kuya kung bakit umalis ako ng bahay ng hindi nagsasabi sa kanya. "Yes you can go home already so i can leave here too in this hospital.Huwag mo ng alalahanin ang bayarin mo dito he already paid your bill." pahayag nito na ikinatango ko Ang bait naman ng taong 'yun,sana man lang nakapagpasalamat ako sa kanya kaya lang kahit tanungin ko ang masungit na gwapong doktor na ito eh im sure hindi nya ako sasagutin.Mukhang kilala nya ang tumulong sa akin pero ayaw nya lang sabihin. Walang imik na inalis ni Doc Cluster ang nakakabit sa kamay ko bago wala ding imik na lumabas ng kwarto na kinalalagyan ko.Inayos ko nalang ang sarili ko para sa pag uwi ko.I'm sure nag aalala si Demon sa akin, baka hinahanap din ako ng isang 'yun. Pagkalabas ko ng kwarto ay sya namang pagtingin sa akin ng mga nurse na babae na parang tiningtan ako mula ulo hanggang paa kaya mabili akong umalis at lumabas ng Ospital.Hindi ko nalang inisip ang tingin ng mga nurse sa akin dahil siguro sa doktor na 'yun, ang dapat isipin ko ay paai ako makakauwi sa amin.Hindi pamilyar sa akin ang lugar na kinalalagyan ko.Paano ako makaka-uwi nito?Hindi ko alam kung sapat ang dala kong pera para makauwi sa bahay, buti na nga lang at mabait ang nagdala sa akin sa Ospital na mukhang mamahalin  kundi mas problema 'yun. Mag taxi nalang kaya ako tapos pagdating sa amin tsaka ko nalang sya bayaran. Tama, ganun nalang ang gagawin ko para makauwi ako, mag iisip narin ako ng dahilan habang nasa byahe ako. Huminga ako ng malalim bago naghanap ng taxi na sasakyan ko para makauwi pero nakaka isang oras na ako ay wala man lang tumitigil na taxi kahit anong para ang gawin ko. Mukha ba akong walang pambayad kaya ayaw nila akong tigilan?Naman oh! hindi ako pwedeng abutin ng dilim dito dahil malalagot talaga ako kay Kuya Orlin ko. "Anong gagawin ko?" problemadong sambit ko sa sarili ko. Bakit kasi ayaw akong tigilan ng mga taxi na ito, hindi na nga maganda ang nangyari sa akin sa araw na ito dahil sa nalaman ko tungkol sa babaeng minamahal ni Paxton, nasugod pa ako sa ospital tapos ngayon wala akong masakyan pauwi. Lord?! Alam ko naman pong malapit nyo na akong kunin pero huwag nyo naman po ako pahirapan ng ganito. Ayoko namang gamitin ang ganda ko para humarang sa kalsada at magpatigil ng taxi dahil baka banggain lang nila ako mapadali pa ang buhay ko. Nagugulo ko na ang buhok ko dahil sa kakaisip kung paano makakauwi ng mabilis sa bahay ng matigilan ako ng may isang black ferrari na huminto sa tapat ko. Sa T.V lang ako nakakakita ng ganitong sasakyan, gusto kong makakita ng ganyan sa personal dahil maganda ang pagkaka design ng mga ganitong sasakyan dahil siguro sa presyo nito. Sa pagkaka alam ko nabanggit ni Kuya Tomi na nagkakahalaga ng milyon ang ganyang sasakyan pero teka?! Bakit naman 'yan titigil sa harapan ko eh hindi naman ito parking lot? Tsaka hindi ko naman pwedeng pagkamalan na ito 'yung nangunguha ng mga kabataan para kunin ang mga lamang loob nila dahil unang una, van na puti 'yun at hindi black ferrari. Napalingon nalang ako ng bumukas ang pintuan ng magandang kotse na nasa harapan ko at lumabas doon ang isang lalaki na naglakad papunta sa harapan ko na ikinatunganga ko dito. Nasa harapan ko lang naman ang isang matangkad na lalaki na sa tingin ko kasing tangkad ni Paxton na mapagkakamalan mong artista dahil sa ganda ng porma nito at sa gwapong mukha nito na parang nung nagsabog ng kagwapuhan si Lord sa mundo ay isa sya sa mga sumalo. Pero bakit nasa harapan ko ang gwapong lalaking ito? Nakakailang ang pagtitig ng lalaking ito sa akin, nakatayo sya sa harapan ko pero nakatingin lang sa akin. Seryoso ang mukha nito pero lumipas ang ilang minuto ng bigyan nya ako ng ngiting ikahihimatay kung sino man ang makakakita sa ngiti nito. Sa lagay ko kasi ay hindi ito effective sa akin dahil siguro ang mata ko at puso ko ngayon ay nakatuon na kay Paxton. Isa pa, para sa akin wirdo ang gwapong lalaking ito dahil bigla nalang syang nasa harapan ko eh hindi ko naman sya kilala. "Ayos na ba ang kalagayan mo Miss?" "Eh?" Napatunganga lang ako sa tinanong nya sa akin, hindi ko alam kung dapat kong sagutin 'yung taning nya dahil halata naman na ako ang kausap nya pero bakit nya tinatanong? Sino ba ito? "Ki-kilala ba kita Mister?" naguguluhang tanong ko sa kanya na mas ikinalawak ng ngiti nito sa akin. "Sorry, my bad. Mukhang mali na tinanong agad kita sa kalagayan mo without introducing." ngiting sambit nito na ikinakunot ng noo ko. Hindi naman sya mukhang bad guy kasi ang gwapo ng lalaking ito at mukhang mayaman pa. Pero 'yung tanungin nya ako about sa kalagayan ko ay talagang nakakapagtaka Ang weird ng lalaking ito. "I'm Noah Kitt Vellejo, ako ang nagdala sayo diyan sa Ospital, i just want to assure your condition if you are really ok now. You're welcome by the way." pagpapakilala nito na inilahad pa ang kanang kamay sa akin na ikinagulat ko naman. Ang gwapong lalaking ito ang nagdala sa akin sa Ospital, ang nagbayad sa bills ko at ang nagligtas sa buhay ko? Seryoso? "I-ikaw ang na-nagdala sa akin di-dito?" hindi makapaniwalang tanong ko na ngiting ikinatango nya sa akin. "It's free to accept my handshake Miss, hindi aki nagpapabayad" sambit nito na ikinabaling ko ng tingin sa kanang kamay nyang nakalahad sa akin na agad ko namang tinanggap "Sa-salamat sa pagdala sa akin sa Ospital, huwag kang mag alala babayaran ko yung mga nagastos mo." "Don't bother, barya lang naman ang binayad ko. Just tell me your name and your paid." Naka ilang kurap ako sa sinabi ng binata na ito, hindi ako magbabayad sa kanya kung sasabihin ko ang pangalan ko? Seryoso ba sya? I'm sure naman hindi barya ang binayad nya sa Ospital na 'yun dahil halata naman na pang mayaman ang pinagdalhan nyang Ospital sa akin. "Nag jo-joke ka ba Mister?" "Nope. I'm serious." Tinitigan ko lang ang gwapong mukha ng lalaking ito at sa nakikita ko mukhang hindi nga sya nagbibiro. Sya ang nagligtas sa akin at mukha naman syang mabait. Isa pa, hindi naman siguro masamang makipagkilaka sa lalaking nagligtas sa akin. "Tan-i mean Irish Petrovic, salamat ulit sa pagtulong mo sa akin." pagpapakilala ko na ngiting ikinatango nya. Simula ng malaman ko ang tungkol kay Tanya na kapatid ni Taz at ang babaeng hanggang ngayon ay minamahal ni Paxton ay nahihirapan na akong magpakilala gamit ang pangalan na ikinaparehas namin. "Nice too meet you Irish, tawagin mo nalang akong Noah. Napansin ko na nahihirapan kang makasakay ng taxi, if you want i can give you a ride. Don't worry harmless ako." alok nya sa akin na hindi ko alam kung tatanggapin ko. Kaya lang naisip ko, sayang din naman ang inaalok nya. Makakauwi na ako ng maaga tsaka mukha naman syang di gagawa ng kalokohan. Hindi naman siguro masamang magtiwala gayong kailangan ko talagang makauwi sa bahay. "Nahihirapan talaga akong sumakay actually, kakapalan ko nanang mukha ko kaya sige tatanggapin ko ang alok. Wag kang mag alala babayaran kita." pahayag ko na ikinangiti nya lang sa akin. Bakit ba sya laging nakangiti? Mas nakakagwapo naman sa kanya 'yun kaya lang naiilang ako sa ngiti nya. Binuksan nya ang pintuan katabi ng driver seat at dahil malaki ang pangangailangan kong makauwi ay waka na akong choice kundi ang sumakay sa maganda nyang Ferrari. Ito ang kauna-unahang sasakay ako sa ganitong kagandang kotse at hindi ko mapigilang humanga sa ganda ng loob nito. Napalingon nalang ako sa kanya ng nasa loob na din sya ng kotse at nagseat belt kaya mabilis kong ginaya ang ginawa nya. Kinabit ko na din ang seatbelt ko ng maramdaman ko ang pagkabuhay ng makina. "So Irish saan kita ihahatid?" ngiting tanong nya sa akin na agad ko namang sinabi kung saan nya ako ibababa na ikinatango nya at pinaandar na ang astig nyang sasakyan. Tahimik lang ako sa byahe ng maalala ko ang nasabi sa akin nung gwapong Doctor na tumingin sa akin. Sabi nya alam ng taong nagdala sa akin sa Ospital ang kalagayan ko so ibig sabihin alam ng Noah na ito ang lagay ko. "Ahmm, y-yung nalaman mo nga pala tungkol sa kondisyon ko, sana kalimutan mo nalang." nahihiyang sambit ko sa kanya Ayoko lang talagang malaman ng kahit na sino ang lagay ko, kahit na hindi ki sya masyadong kilala ay ayoko namang kaawaan nya ako "Ano bang kalagayan mo ang tinutukoy mo?I have no idea about that." pahayag nya ngiting ikinalingon nya sa akin at nagawa pa aking kindatan bago muling ibaling sa daan ang atensyon nya na hindi ko napigilang ikangiti. Mabilis palang kausap ang isang 'to. "Thank you." Ngiting tinanguan nalang ako ni Noah, tahimik nalang syang nagmaneho kaya ibinaling ko nalang sa bintana ang atensyon ko. At dahil sa tahimik ang paligid, hindi ko naiwasan na isipin ulit ang mga nalaman ko. Si Paxton, kaya pala nakikita ko sa mga mata nya ang lungkot at pangungulila dahil nawala sa kanya ang babaeng mahal nya. Hindi magandang pangyayari ang naging dahilan para mawala sa kanya si Tanya. Naawa ako sa sinapit nya pero nasasaktan naman ako dahil ang lalaking gustong-gusto ko ay hindi mabitawan ang babaeng matagal ng wala. Mahirap kalabanin ang ganung pagmamahal pero ayoko namang isuko agad ang nararamdaman ko para sa kanya. Mukhang mahirap agawin ang puso ni Paxton kay Tanya pero kailangan kong subukan. Alam kong hindi madali ang gagawin ko pwede akong masaktan ulit or worse maging dahilan para lumala ang kalagayan ko pero kailangan kong subukan hanggang may oras pa ako. "Your in pain right now, am i right?" Mabilis akong lumingon kay Noah na sa kalsada nakatuon ang atensyon pero mukhang ako ang kinakausap nya. "Paano mo naman nasabi 'yun?" "My father thought me to read the expression of the eyes of a person, your in pain physically and emotionally." pahayag nito na ikinatahimik ko "Sorry kung feeling close ako sa tanong ko, i just saw that so yeah, i apologized." "Ok lang, totoo naman ang sinabi mo." ngiting sambit ko Hindi naman masamang magsabi sa kanya ng nararamdaman ko, were strangers to each other at isa pa, pakiramdam ko kailangan kong mailabas ang sakit ng meron ako dahil baka makasama na naman sa akin. Hindi naman masamang maglabas ako ng nararamdaman ko sa isang taong kakikilala ko palang  Mukha naman syang mapagkakatiwalaan eh. "Im in pain physically dahil sa kondisyon ko, i have Coronary Heart Deseas na pwede kong ikamatay ano mang oras, i had a heart transplant before pero ayaw naman syang tanggapin ng katawan ko. You know, i'm still young to die pero tanggap ko na naman. Life is too short, blessings kung pahahabain pa ng Lord ang buhay ko. Yes, i'm in pain emotionally dahil kung kailan tanggap ko na maikli nalang ang buhay ko tsaka naman ako nahulog sa isang lalaking hindi makalimutan ang minamahal nya. This is my first time i fell inlove but it hurts a lot." pahayag ko na ikinalingon ko sa isang panyong nakalahad sa harapan ko. "I don't like to see a woman crying, so stop telling your story." Umiiyak ako? Kinapa ko ang aking pisngi na nabasa ng mga luha ko na hindi ko naramdaman. Kinuha ko ang panyong binibigay ni Noah sa akin at mabilis tinuyo ang mga luha ko. Hindi ko pala napigilang umiyak, talaga namang pinapalala ko ang kondisyon ko, Kalalabas ko lang sa Ospital eh. "What do you think why spongebob can breath under the sea?" Napalingon ako kay Noah dahil mukhang may tinatanong sya akin, kaya lang ano bang dapat kong isagot sa tanong nya? "Because he live there?" sagot ko na ngiting ikinailing nya. "Wrong, spongebob can breath  under the sea because he's a sponge." sambit nya na bahagya nya pang ikinatawa samantalang ako hindi ko nagets ang sinabi nya. Naguguluhang nakatingin lang ako sa kanya ng bigla syang tumikhim at hinaplos ang kanan nyang kamay sa kanyang batok. "I cracked a joke Irish, i expect that you'll laugh." pahayag nya na bahagya kong ikinangiti. Hindi ko alam kung tatawa ako sa joke nya o sa sense of humor nya, hindi ko inaasahan na mabuting tao ang nagligtas sa akin. Sa tingin ko pinapagaan nya lang ang pakiramdam ko. "Ang corny kasi." "I know, i'm suck in that subject." Kakakilala ko lang sa kanya pero magaan na ang loob ko sa kanya, nakakatuwa syang kausap. Bahagyang nawala ang sakit na nararamdaman ko dahil,sa corny nyang joke. Abg gwapo nya pero nakakabawas gwapo ang corny joke na binitawan nya. "Salamat." sambit ko na ikinangiti nya nalang. "No worries." Sa buong byahe namin hindi na napigilan ni Noah na magbigay pa ng mga corny jokes nya na talagang pinu push nya. Nakakuha ako ng bagong kaibigan at kahit papaano nawawala sa isipan ko ang mga nalaman ko. Thanks to Noah at sa mga corny jokes nya. Ilang oras pa na byahe ng makarating na kami sa tapat ng bahay namin, agad akong bumaba ganun din si Noah. Sana naman wala pa si Kuya sa bahay. "Salamat ulit sa paghatid sa akin, don't worry sakaling magkita ulit tayo, babayaran ko ang utang ko sayo." ngiting pahayag ko na ikinangiti nya lang din sa akin. "I believe in destiny Irish, maliit ang mundo so there will be a possibilities na magkikita ulit tayo." Hindi naman siguro masamang alukin ko syang magkape sa bahay, para kahit papaano makabawi ako sa mga naitulong nya sa akin. Magsasalita na sana ako para alukin syang pumasok sa bahay ng tumunog ang phone nya na agad naman nyang sinagot "Hel---" bahagyang inilayo ni Noah ang phone nyabsa tenga nya at napapikit ang isang mata nya, mukhang nabulyawan sya ng tumawag sa kanya. "You don't have to shout baka masira mo eardrum ko." pahayag ni Noah ng ibalik nya sa tenga nya ang phone nya. "Fine, fine, hindi naman ako nagliliwaliw." sambit ni Noah bago ibinaba ang phone nya at itinago sa oants nya bago ako nilingon at nginitian. "Strict ang parents ko, pinapauwi na ako. See yah around Irish." paalam nito na sumakay na ulit sa kotse nya at bumusina muna bago umalis. Kumaway nalang ako kahit hindi nya nakikita, ilang minuto pa ako nagtagal sa tapat ng gate namin ng maisipan ko ng pumasok. Mukhang wala pa si Kuya Orlin kaya safe ako, nakahinga akong maluwag na pumasok sa bahay namin ng matigilan ako ng bumukas ang pinto at nakasimangot na si Mel ang tumambad sa harapan ko. "At saan ka galing Ms. Tanya Irish Petrovic huh?Kanina pa ako dito sa bahay nyo at kanina ko pa tinatawagan ang phone mo pero hindi mo sinasagot. Saan ka nanggaling ha?" salubong na sermon ni Mel sa akin na ikinatitig ko sa kanya "Oh?Tititigan mo lang ako Tanya? Hindi mo sasagutin mga tanong ko sayo?" Kanina halos hindi ko maisip ang mga nalaman ko kay Demon pero ngayong tinawag ako ni Mel sa pangalan na 'yun, naalala ko lahat. Bumalik 'yung sakit na nararamdaman ko kanina, naisip ko na naman si Paxton na hindi magawang bumitaw sa babaeng mahal nya na kahit taon na ang lumipas ay mahal parin nya. Naramdaman ko na naman ang sakit na ikinatakbo ko palapit kay Mel at umiyak nalang ako sa kanya na alam ko namang ikinagulat at ikinataka nya. "O-oi bakit bigla kang umiyak dyan?Ano bang nangyari sayo?" naguguluhang tanong ni Mel na hindi ko magawang sagutin. Akala ko mabilis kong makakaya ang sakit pero ang hirap pala, akala ko mawawala sya agad pero hindi pala. Umiiyak lang ako kay Mel habang nakayakap sa kanya, alam kong nag aalala sya dahil bawal sa akin ang ganitong emosyon pero hindi ko mapigilan. Gusto kong pigilan pero dahil sa sakit na nararamdaman ko hindi ko makontrol. Ang mga nalaman ko, hindi ko alam kung paano ko i-hahandle, hindi ko alam kung paano ko tititigan si Paxton sa mga mata nya, hindi ko alam kung paano ko sya pakikiharapan. Nakatadhana ba talaga akong mahirapan ng ganito? Nakatadhana ba na masaktan ako dahil lang sa isang pangalan na nakakabit sa akin? Anong gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD