"The most painful scene is when you know the painful past of the person you love." –Rhen A.
IRISH P.O.V
"Demon saan ba tayo pupunta?"
"Gusto mo makilala ng mabuti si Paxton diba? Pag nalaman mo na ang kalahati ng buhay nya tsaka ka na magdesisyon ulit kung itutuloy mo ang nararamdaman mo sa kanya."
Hindi ko maintindihan kung anong gustong ipahiwatig ni Demon sa akin sa mga sinabi nya. Malalaman ko ang kalahati ng buhay ni Paxton? Bigla akong na-excite at the same time kinabahan sa pwede kong malaman. Sa huling sinabi ni Demon pakiramdam ko inihahanda nya ako sa pwede kong malaman tungkol kay Paxton. Si Blue nga pala, dapat kasama namin sya eh kaya lang biglang tumawag ang Manager niya dahil may biglaang meeting ang band nila na hindi nya pwedeng hindi siputin kaya wala syang nagawa kundi umalis at iwan kami ni Paxton.
Isa pa, hindi mawala sa isipan ko ang unang beses na sinabi ko kay Paxton ang totoo kong nararamdaman sa kanya na agad naman akong nakatanggap ng rejection mula sa kanya. Actually, expected ko na 'yun pero hindi ko parin maiwasan na malungkot at bahagyang masaktan dahil unang subok ko palang ay zero agad ako sa kanya, pero okay lang hindi naman ako basta-basta sumusuko dahil lang sa ni-reject nya ako, hindi yata mabilis sumuko ang isang Petrovic.
"Ni-reject ni Paxton ang confession mo kanina, brokenhearted ka na ba ngayon?Pwede kang umiyak sa akin lil'sis."
Napalingon ako sa sinabi ni Demon na ikinangiti ko nalang sa kanya.
"Ayos lang naman ako, isa pa first try ko palang naman 'yun marami pa akong time na pa-ibigan sya, and don't worry hindi ako iiyak sayo Kuya." ngiting sambit ko na bahagya nyang ikinatawa
"I'll be honest to you Tanya, it's very hard to persuade that man, you'll know the reason when we reach to our destination." sambit ni Demon na ikinalingon ko nalang sa bintana
"Ano mang malaman ko mamaya ang kailangan ko lang ay ihanda ang sarili ko, anuman ang rason kung bakit mahihirapan akong mapalapit sa kanya ay tatanggapin ko. Ito ang unang beses na nagmahal ako Demon kaya hindi ko ito sasayangin hanggat may oras pa ako." pahayag ko kay Demon na ramdamn kong ikinalingon nya sa akin
"What do you mean by that?" takang tanong nya sa akin na ikinatawa ko
"Wala, nage-emote lang ako." sambit ko na ikinagulo ni Demon sa buhok ko
Hanggat kaya ko pang ilaban ang buhay ko, ilalaban ko ito para maging masaya ako sa huling hininga ko at masabi ko man lang sa saril ko na nagmahal ako kahit may posibilidad na hindi 'yun matugunan.
Hindi sa nagiging negative thinker ako na hindi na hahaba ang buhay ko pero walang kasiguraduhan ang buhay ng isang tao, kaya bago man lang ako mamatay maiparamdam ko man lang kay Paxton ang nararamdaman ko sa kanya.
"May pagkaka-iba pala kayo ng kambal mo kahit magkamukhang-magkamukha kayo nuh." pag-iiba ko ng usapan na may ngiti sa labi kong ikinalingon ko sa kanya
"May pagkaka-iba? How do you say that?"
"Hmm, ikaw kasi ay nakikita kong masayahin lalo na pag kasama mo ang mga kaibigan mo, pansin ko din palabiro at mapang asar ka samantalang ang kambal mo ay tahimik, seryoso lalo na ang mga mata nya. Napansin ko din na dumadaan ang lungkot at sakit sa mga mata nya pag napapalingon sya kay Taz at Gail." sagot ko nalang na ikinatango ni Demo at kita ko nalang na iginilid ni Demon sa kalsada ang kotse nya at itinigil bago ako nilingon ng ayos.
"You observed that?" tanong nya na ikinatango ko at ikinabuntong hininga nya
"Don't tell to Devil na chinismis ko sya sayo but my twin was broken man because of Gail."
Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Demon tungkol sa kambal nya, kung ganun may nararamdaman si Devil para kay Gail na asawa ni Taz?
"What happened?"
Alam kong feeling close ako sa tanong ko pero hindi ko maiwasan na magtanong
"My twin fell inlove with a girl whose taken by our respected friend which is si Boss Taz, may charm kasi si Gail na hindi mo maiiwasang mahulog talaga na hindi naiwasan ng kambal ko. Hanggang ngayon hindi parin nya mabitawan ang nararamdaman nyang 'yun and i salute my twin because he chose to surrender his feelings than to fight against our leader. Nararamdaman ko na nahihirapan sya pero nilalabanan nya 'yun, i know that because i'm his twin. I feel what he feels." pahayag ni Demon na kita ko ang paghanga nya sa kambal nya
Tama si Demon, mahirap para kay Devil na maka move on agad lalo na kung nakikita nyaang masaya ang mahal nya sa piling ng iba."
"Sabi mo you feel what your twin feels so, it's means Demon na may naramdaman ka din para kay Gail?" tanong ko na bahagya nyang ikinatawa
"Kind off pero pinigilan ko dahil ayokong masuntok ni Boss Taz, i learned how to control my feelings. Ayokong dumating ang time na mag agawan kami ng kambal ko sakaling may mahalin syang iba at maka move on na kay Gail. Korni man pero mahal ko ang kambal ko, nang mawala ang Mama namin kami nalang tatlo ni Lucifer i mean ng Tatay namin ang magkakasama, gusto kong maging masaya sya and luckily i will never have the same feelings like my twin. We can fall inlove in different girl pero malabo pa talaga ako." pahayag ni Demon na muli nyang pinaandar ang kotse nya.
Napangiti nalang ako sa pinapakita ni Demon na pagmamahal sa kambal nya, iba talaga ang bond ng mga kambal.
"Alam ba ni Gail na may nararamdaman si Devil para sa kanya?"
"Nope!Devil doesn't want Gail to know that. Hindi kasi vocal ang kambal ko, ayaw nya ding mag-iba ang tingin ni Gail sa kanya. For him, it's ok na si Boss Taz na lang ang may alam."
Na kaya ni Devil na itago ang feelings nya para kay Gail, ang hirap kaya nun.Ang kumplikado talaga ng pag-ibig, yung taong magugustuhan mo hindi pala nakalaan para sa'yo. Yung taong magpapatibok ng puso mo sa iba pala titibok ang puso.Nakita ko kanina ang malalim na pagmamahal sa isa't-isa nina Taz at Gail, sa titigan palang nila visible na sobra nilang mahal ang bawat isa at alam kong masakit 'yun para kay Devil, kinakaya nya lang.
"Pero sa tingin ko magagawang makapag move on ni Devil kung sasabihin nya kay Gail kung sasabihin nya kay Gail ang tunay nyang nararamdaman. Nakikita ko 'yun sa mga movies, hindi masamang subukan." suhestiyon ko na ikinatango ni Demon.
"Hayaan mo isa-suggest ko yan kay kambal."
"Kwentuhan mo naman ako tungkol sa mga kaibigan mo, nakikita ko kasi na mukhang malalim at matatag ang samahan nyo. Mukhang malayon pa naman tayo sa pagda-dalhan mo sa akin kaya magkwentuhan muna tayo, isa pa gusto ko din silang makilala." pag-ibabang pahayag ko na kita kong ikinatuwa ni Demon.
I see in his eyes na talagang espesyal sa kanya ang mga kaibigan nya, how cute.
"Sure, karangalan para sa akin na ikuwento ang mga kaibigan ko sayo." excited na sambit ni Demon na ikinangiti ko.
Wala naman sigurong masama kung kilalanin ko din ang mga taong malapit kay Paxton, Napansin ko kasi na parang hindi lang pagkaka-ibigan meon sila mas malalim pa doon."
"Baka hindi ka maniwala sa mga malalaman mo tungkol sa mg kaibigan ko, they are not the kind of business man na kilala mo." ngising sambit ni Demon na ikinangit ko
"Try me."
"We're Gangsters."
"Anong nakakagulat s--WHAT?!!"
Malakas na napatawa si Demon habang nagmamaneho, siguro natawa sya sa reaksyon ko dahil sinabi nya.
"Seriously?hindi joke 'yan ?" gulat at hindi makapaniwalang tanong ko kay Demon.
BUti nalang nakisama ang puso ko ngayon, i'm really shocked on what Demon told me na gangster sila, i mean hindi halata sa kanila dahil sa mga itsura nila at isa pa sa trabaho meron sila. They are sucessful people then gangster sila?
"Hindi joke ang sinabi ko sa'yo Tanya, me and all of of my friends are gangster, we do some illegal fights and sometimes killing in Underground Society." pahayag ni Demon na ikinailang kurap kurap ko dahil hindi ko maabsorb ang mga sinabi nya.
I can't believe na si Demon, si Paxton at ang mga gwapo nyang kaibigan ay gumagawa ng ganung bagay. Inaantay kong mag-sabi si Demon na nagbibiro sya pero wala akong naririnig sa kanya.
"Natatakot ka na ba sa amin?Hindi kami ordinaryong magka-kaibigan, isang grupo kami na nakikipaglaban at minsan kinakailangan na kumitil ng buhay lalo na atbhindi nito deserve na mabuhay." dugtong na pahayag ni Demon na ikinatuwid ko sa kinauupuan ko
Sigurado ako na pag nalaman ni Mel ang mga nalaman ko ngayon i'm sure magugulat din sya tulad ko. At si Paxton, pumapatay din ba sya?
Bahagya akong napailing sa tanong ng isip ko, si Demon na mismo ang nag-0sabi ma ginagawa nila 'yun.
"Natatakot ka na ba sa amin?Hindi mo ba inaasahan ang mga narinig mo?"
"Hindi, nabigla lang ako pero hindi ako natatakot sa inyo. So gangster lahat kayo?Hindi ba alam ng mga pulis ang tungkol dyan sa Underground Society na sinasabi mo?" mga tanong ko na kita kong ikinangisi lang ni Demon
"Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Demon tungkol sa lugar na 'yun, may ganoong lugar na dito sa pilipinas.
"Underground Society was ruling by six founders and one of then was most powerful because of his wealth that he have. Though hindi ko pa sila nakikita in person dahil bawal silang makilala, privacy i guess. Si Boss Taz palang ata ang nakakita sa kanila personally."
Hindi ko mapigilang hindi matulala sa mga sinasabi ni Demon, iba talaga pag may yaman ka kahit illegal ang gawain basta may kapangyarihan kang hawakan ang batas.
"Don't worry kung business meron kami sa Underground Society hanggang dun lang 'yun, hindi namin pinakialaman ang kung anong meron dito sa labas. The six founders concern was only inside the U.S" pahayag pa ni Demon sa akin
"Teka lang Demon, hindi ba delikado para sa'yo na sabihin sa akin ang tungkol sa lugar na 'yun at sa mga namumuno doon?I mean confidential 'yan diba?"
Baka mamaya dahil nagkwento sya sa akin tungkol sa Underground Society na 'yan at sa mga six founders na 'yun eh parusahan sya. Gusto ko lang naman makilala ang mga friends nya lalo na si Paxton hindi ko naman akalain na ganun ang malalaman ko sa kanila.
"Confidential? HIndi naman isang orginasasyon ang Underground Society kaya wala kang dapat ipag-alala,hindi ako mapaparusahan dahil sinabi ko sayo ang tungkol doon." sambit ni Demon na ikinahinga ko ng maluwag.
"Mabuti naman kung ganun. Alam ba nina Gail ang tungkol dyan, 'yung about sa Underground Society na'yan?" biglang tanong ko
"Yes they know, pag-dating sa kanila nagiging honest ang mga kaibigan kong under ng mga asawa nila. Wala silang inililihim sa pagkatao nila, mga tinamaan ng pana ni kupido eh."
Nakita ko naman 'yun eh at mukhang tanggap nina Gail kung anong meron sa mga asawa nila, hindi ki naiwasang mapangiti dahil kahit papaano sa mga naikwento ni Demon may nalalaman na ako kahit papaano tungkol kay Paxton. Na excite tuloy akong malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa kanya.
"Wanna hear a trivia about Paxton? He's not just a simple businessman . he is an illegal exporter of illegal guns over the Asia." pahayag ni Demon na ikinanganga ko literally
"Illegal ang negosyo ni Paxton kaya ayos lang naman kung pipigilan mo na ang nararam---"
"A-ang cool!So, ibig sabihin iba't0ibang klaseng baril ang ine-export ni Paxton? Ang astig naman." may ngiting pahayag ko
Nagulat ako sa klase ng negosyo ni Paxton pero sa totoo lang gusto kong makakita ng baril ng personal. Para kasing ang astig nilang hawakan, ang alam ko pa madaming klase ang mga baril.Excited akong lumingon kay Demon na biglang natahimik sa pagmamaneho nya. Naisip ko lang bigla, kung gangster si Demon ibig sabihin meron syang baril, syempre proteksyon nya 'yun. Ano kayang klase ng baril meron si Demon?
"Pwede ko bang makita ang baril mo Demon?" excited nas request ko na bahagyang ikinalingon ni Demon sa akin na may gulat sa kanyang mukha na hindi ko nalang pinuna. Mas excited akong makita kung may dalang baril si Demon.
Muling ibinalik ni Demon ang tingin nya sa kalsada at ilang minutong natahimik si Demon at nagulat na lang ako ng bigla syang tumawa ng malakas na ikinasalubong ng mga kilay ko.Kanina pa 'yan si Demon na bigla-bigla nalang tumatawa.
"Nakakatuwa ka talaga Tanya, ang akala ko matatakot ka sa nalaman mo na gangster kami, na kaya naming pumatay. Akala ko magdadalawang isip ka na kay Paxton dahil sa ilegal na negosyo nya but it turns out na guto mo pang makita ang mga ine-export nya. Kakaiba ka talaga, sa pangalan lang talaga kayo nagkapareha.
Lagi ko nalang naririnig sa kanya na sa pangalan lang kami nagkapareha, sino ba ang tinutukoy nya?Nawala tuloy ang interes ko na makita kung may dalang baril si Demon dahil sa huling sinabi nya. Natatandaan ko din ang sinabi ni Taz kanina kay Paxton nang malaman nya ang pangalan ko, isa pa ayaw ni Paxton na marinig na tinatawag ako ng mga kaibigan nya sa pangalan ko. Nagagalit sya at nawawala ang emosyon sa kanyang mga mata.
May bigla nalang na tanong ang pumasok sa isipan ko, hindi ako sure pero isa lang ang pumapasok sa isipan ko
"Sino si Tanya? Sya ang tinutukoy mo diba na kapangalan ko?"Tumigil sa pagmamaneho si Demon at lumingonsa akin.
"Ipapakilala kita sa kanya, halika na." aya nya bago lumabas ng kotse
Nakarating na ba kami sa pupuntahan namin? 'Yung kapangalan ko ba ang pinuntahan namin?
Lumabas na din ako sa kotse at bahagyang natigilan sa kinatatayuan ko at the same time nagulat sa lugar kung nasaan kami ngayon ni Demon.
"Se-sementeryo?"
"Yung mga ikinuwento ko sayo kalahati palang 'yun ng buhay ni Paxton. Pag pasok natin sa loob mas makikilala mo pa sya." seryosong sambit ni Demon na nauna ng pumasok sa loob kaya agad akong sumunod sa kanya.
Sabi ni Demon kanina bago kami bumaba ng kotse nya, ipapakilala nya ako sa kapangalan ko, ibig bang sabihin patay na ang Tanya na kapangalan ko?Nakasunod lang ako sa likuran ni Demon habang nililingon ang paligid ng sementeryo. Ang gaganda at ang lalaki ng mga museleyo dito kaya malamang lahat ng nakalibing dito ay puro maya-yaman.
Natigil ako sa pagla-lakad ng tumigil si Demon sa isang museleyo na simple lang ang disenyo pero ang ganda ng istraktura. Pumasok doon si Demon kaya pumasok na rin ako at nakita ko ang isang glass cabinet na may dalawang compartment na may nakalagay na tig-isang puting magandang jar na may pangalan at may mga picture. Una kong nakita ang isang litrato ng isang babae na sa tingin ko ay nasa mid 40's ang edad pero kahit ganun kita parin ang ganda sa kanya, dumako ang mga mata ko sa pangalan nya.
"Selena Westaria?"
Teka, parehas sila ng epelyido ni Taz na asawa ni Gail.
"Sya ang ina ni Boss Taz, nasa College kami noon ng mawala si Tita. She's very kind and loving mother and wife." pahayag ni Demon na ikinadako naman ng mata ko sa katabi nitong compartment.
Isang magandang babae na may malawak na ngiti ang nakikita ko sa isang litrato habang may hawak na isang bouquet ng red roses, napaka ganda nya at sa tingin ko ay hindi kami nagkakalyo ng edad. Nakatitig lang ako sa maamo nyang mukha ng mabasa ko ang pangalan nya.
"Ta-tanya Erza Westaria. . ." sambit ko sa pangalan nito na unti-unti kong ikinalingon kay Demon
Sya ang tinutukoy ni Demon na kaparehas ko ng pangalan.
"Sya naman ang bunsong kapatid ni Boss Taz, third year college sya ng kunan ang litrato na 'yan." pahayag ni Demon na nakatingin sa litrato nung Tanya.
"Ang ina at kapatid ni Boss Taz ay sabay na pinatay ng Lolo Sid ni Boss Taz habang wala kami. Si Tita ay walang awang pinatay sa harapan ni Tanya at wala namang awang ginahasa si Tanya ng mga tauhan ng Lolo Sid nya bago pinatay."
Gulat na napatakip ang dalawang kamay ko sa aking bibig dahil sa nalaman ko, hindi makapaniwalang ibinalik ko ang tingin sa litrato ni Tanya. Paanong nagawa ng lolo nito ang ganung bagay sa kanila, sa apo nya?
"Walang awa nilang pinatay ang ina at kapatid ni Boss Taz, naging miserable ang kaibigan namin dahil sa nangyari.Sino ba naman ang mag aakala na sa lahat ng pwedeng manakit sa pamilya nya ay 'yung tinuring nyang idolo."
Hindi ko maiwasang maawa sa sinapit ng ina at kapatid ni Taz, pakiramdam ko sa lahat ng kinuwento sa akin ni Demon dito ako naapektuhan. Hindi ko alam pero biglang nakaramdam ako ng bahagyang pag sakit ng puso ko na lihim kong ikinakapa at lihim kong ininda.Pinilit kong baliwalain ang reaksyon ng puso ko ng pumasok sa isiapn ko si Paxton.
"Si-sino si Tanya sa bu-buhay ni Paxton?"Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Demon bago sya muling magsalita.
"Si Tanya, sya ang nag iisang babae na minahal ng lubos ni Paxton." pahayag ni Demon na ikinasikip lalo ng puso ko at ramdam kong ikinabilis ng t***k nito.
"Mahal na mahal nya si Tanya kaya isa sya sa naging miserable at lubos na nasaktan ng mawala si Tanya, taon na ang lumipas pero hindi nya parin mabitawan si Tanya,ayaw nya itong pakawalan. Ito ang dahilan kung bakit ayaw nyang itawag sayo ang pangalanng Tanya dahil para sa kanya isa lang ang may nagmamay-ari ng pangalang ito."
Hindi ko alam kung bakit naapektuhan ako ng ganito pero nasasaktan ako at parang hindi ito kinakaya ng puso ko. Kaya ba nakikita ko ang sakit at lungkot sa mga mata ni Paxton ay dahil sa kapangalan ko ang babaeng sobra nyang minahal na nawala sa kanya na minamahal parin nya hanggang ngayon. Kaya ba ayaw nya sa akin dahil para sa kanya inaagaw ko ang pangalan ng mahal nya?
Pakiramdam ko anumang oras ay pwede akong bumagsak sa kinatatayuan ko, isa pa ang puso ko, unti-unti syang naninikip at nararamdaman ko na ang pananakit nito.Ngayon naiintindihan ko na ang lahat.
Dahan-dahan akong tumalkod sa puntod ni Tanya at dahan-dahang humahakbang palayo dito na ikinatawag ni Demon sa akin pero hindi ko piansin dahil tuloy-tuloy lang ako sa paglabas sa museleyo.Humigpit ang kapit ko sa tapat ng dibdib ko at hindi ko mapigilan ang pag luha ko.Alam kong sa mga oras na ito ay inaatake na ako ng sakit ko pero mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Hey Tanya, ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ni Demon sa akin na nasa likuran ko. Hindi pwedeng malaman ni Demon ang kalagayan ko.Pinipilit kong huminga ng ayos at ibinaba ang kamay kong nasa tapat ng dibdib ko.
"Tanya..."
"S-sa ti-tingin ko Demon kailangan ko ng umuwi, pas-pasensya na. Naalala ko ba-baka hinahanap na ako ng Ku-kuya ko." pilit na sambit ko bago muling humakbang palakad pero ramdam ko ang paghawak ni Demon sa braso ko
"Ihahatid na kita kung ganun, ako ang nagdala sayo dito at hindi ako papayag na umuwi kang mag isa."
Napakagat labi ako para tiisin ang sakit na nararamdaman ko bago nilingon si Demon na kita kong bahagyang nagulat da akin dahil sa mga luha kong ayaw tumigil sa paglabas sa mga mata ko.
"P-please, gu-gusto kong umuwing mag isa.." sambit ko bago inalis ang pagkakahawak ni Demon sa braso ko at tinalikuran ko muli sya at nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya.
"A-ang sa-sakit. . " mahinang daing ko pero pinilit kong makalayo kahit nararamdaman ko na ang panga-ngapal ng ulo ko at panga-ngapos ng hininga ko.
Ramdam ko pa na may nasagi ako pero hindi ko nalang pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Natigil nalang ako sa paghakbang ng manlabo ang paningin ko at kita ko ang unti-unting pagdilim nito.Tuluyan na akong napapikit at ramdam ko na babagsak na ako pero parang may sumalo sa akin bago pa ako bumagsak sa lupa.
"Gotcha!"
Gusto kong imulat ang mga mata ko pero unti-unti na akong nilamon ng dilim.