"It's hard to persuade someone that still stuck in the past. You need more efforts and patience." - Rhen A.
-THIRD PERSON P.O.V-
Lihim na napapakuyom ang kamao ni Paxton sa kinauupuan nya dahil sa alam nyang ginagawa ng kaibigan nyang si Taz at si Demon, pansin na pansin nya na inaasar nito si Irish sa kanya na kanina pa nya ikinaiinis. Gusto nyang murahin ang dalawang kaibigan pero pinipilit nyang magtimpi dahil ayaw nyang sumabog sa asar dahil sa ginagawa ni Taz at Demon dahil sa huli ay sya lang ang pagkakatuwaan ng mga kaibigan nya.
Palihim na tinapunan ng tingin ni Paxton si Irish na di kalayuan sa kinauupuan nya na masayang nakikipag kwentuhan kay Gail at sa iba pang asawa ng kaibigan nya. Ayaw nyang maging bastos sa dalaga pero sa tuwing naiisip nya na gamit nito ang pangalan ng babaeng mahal nya ay hindi nya maiwasang mainis. Ang pangalan Tanya ay nararapat lang sa babaeng mahal nya. Naiinis din sya sa isiping gustong makipag-kaibigan ng dalaga sa kanya at may parte sa kanya na ayaw tanggapin ang inaalok nito.Isang babae lang ang hinahayaan nyang maging malapit sa kanya at si Erza 'yun na ipinangako nya sa puntod nito na walang kahit sinong babae ang papalit dito sa puso nya.
*FLASHBACK*
(ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO PAXTON?! HINDI PORKET PRODIGY KA SA CRANFIELD AY AABUSUHIN MO NA SILA! AT ANONG KALOKOHAN ANG NAISIP MO AT PUMAPASOK KA SA UNIBERSIDAD DE MANILA NG WALANG PASABI SA AKIN HA?)
Bahagyang nailayo ni Paxton ang cellphone nya sa tenga nya dahil sa malakas na boses na sinalubong ng kanyang ama bago nilingon si Maki na may paawa effect sa mukha na sinamaan nya lang ng tingin. Mag iisang lingo palang syang napasok sa UDM ay nalaman na ng kanyang ama ang ginawa nya dahil sa kadaldalan ni Maki na minsan ay isa sa kinaiinisan nyang ugali nito. Pa gang ama nya ang kausap nito natututo itong magsalita ng totoo in short, sumbungero. Bahagyang bumuntong hininga si Paxton bago muling inalapit sa tenga ang kanyang cp para kausapin ang ama.
"Wala ka sa tabi ni Mama kaya nakakasigaw ka ng ganyang kalakas no? Kalma Daddy, baka tumaas ang blood pressure mo ikaw pa ang pagagalitan ni Mama."
(Huwag mo kong daanin sa ganyang usapan mo Paxton hindi 'yan uubra sa akin ngayon. Kahit kalian talaga hindi pwedeng hindi mo ko bibigyan ng purwisyo. Pinayagan na nga kita na magbakasyon dyan sa pilipinas tapos inaabuso mo naman.)
"Hindi ko naman inaabuso ang bakasyon ko dito Daddy, dinadagdagan ko lang tsaka ayaw mo nun lalong tatalino ang gwapo mong anak dahil napasok ako dito." Ngiting pahayag ni Paxton na muling sinamaan ng tingin ni Paxton si Maki and he mouthed 'patay ka sa akin mamaya' na ikinalaki ng mata ni Maki at ikinatago nito sa likuran ni Ruhk naikinailing lang nito.
(Huwag mo kong gaguhin Paxton, alam kong minana mo 'yan sa akin kaya wag mong ina-apply sa tatay mo ang ugaling ganyan. Itigil mo na ang pagpasok sa UDM at bumalik ka na dito sa Amerika at magreport ka sa Professor mo sa Cranfield. Marami ka ding gagawin sa negosyo natin dito kaya tama na ang pag gagala mo dyan.)
Bahagyang natahimik si Paxton sa mga sinabi ng kanyang ama, nung una ang balak nya lang talaga ay mananatili lamang dito hanggang matapos ang bakasyon nya pero dahil nalaman nya ang tungkol Underground Society at nakapasok pa sya dito at nagkaroon ng kaibigan na si Darren, hindi naging boring ang bakasyon nya lalo na at nakilala nya ang naging karibal nya na gustong-gusto nyang matalo. Ang plano ni Paxton ay kunin lang kay Taz ang rank nito bago sya bumalik sa Amerika para tapusin ang school nya bago muling bumalik sa pilipinas. Pero lalong nagbago ang mga plano nya ng makilala si Erza at kahit hindi pa nya ito gaano kakilala maliban sa alam nyang kapatid ito ng karibal nya, ang maisip na iwan ito ay parang bumibigat sa dibdib nya.
(Wag mo ng tapusin ang bakasyon mo dyan at bumalik ka na ditp, naiintindihan mo ba ako Paxton.)
"Ayoko, I'll stay here Daddy." Pahayag na desisyon nya na parehas ikinagulat nina Ruhk at Maki
( WHAT?! IKAW TALAGA NA BATA KA--)
"Makaka graduate naman ako sa Cranfield kahit narito ako sa pilipinas, I can give them my knowledge in many ways, hindi na kailangan ng presensya ko. Ikaw nalang ang kumuha ng diploma ko dyan sa graduation Daddy." Ngiting sambit ni Paxton na ikinatahimik ng kanyang ama sa kabilang linya
"Don't worry Daddy I can manage myself here, alam kong mamimiss mo ko pero mayaman ka naman diba? Barya lang sayo kung minsan sa isang buwan ay dalawin mo nalang ang gwapo mong anak dito or I'll give my time to visit there, hindi nga lang agad-agad." Pahayag pa ni Paxton na rinig nyang ikinaungos ng kanyang ama.
(Napaka pasaway mo talaga Paxton kahit kailan, you made decisions ng hindi pinag iisipan. Teka, Pwede bang ako ang kumuha ng diploma mo sa Cranfield? Siguraduhin mo na mataas ang grades mo dung damuho ka.)
"You will satisfied in my grades Daddy, ano pa at naman ko ang talino kay Mama,"
(Gago! Sa akin ka nag mana.)
Bahagyang natawa si Paxton sa kanyang ama, kahit perfectionist ang kanyang ama ay never itong nagmalaki sa kanilang mag ina o nagkulang sa lahat ng bagay, abala ito sa negosyo nila pero hindi kailanman ito nawalan ng oras sa ina nya na ipinagmamalaki nya sa kanyang ama. At kahit hindi father and son ang nagiging usapan nila parehas nilang alam na sa gaanong usapan naipaparamdam nila na mahal nila ang isa't-isa.
(Anak, bigyan mo nga muna ako ng isang dahilan kung bakit nagdesisyon kang manatili dyan?)
Sa tanong ng kanyang ama biglang pumasok sa isipan nya hindi ang kagustuhan na makuha kay Taz ang rank nito kundi si Erza at ang rason na ayaw nyang malayo sa dalaga. Aaminin ni Paxton na kahit saglit nya lang nakilala at nakikilala ang dalaga alam nya sa sarili nya na kaya hindi ito mawala sa isipan nya at palagi itong laman ng isipan nya ay dahl sa isang dahilan na hindi nya akalaing mangyayari sa kanya.
"Guess what Daddy, your son is f*cking fell in love in a woman I met here, isn't that so weird?" pahayag nya sa ama na kahit hindi nya nakikita ay alam nyang nagulat ito sa sinabi nya dahil kahit sina Ruhk at Maki ay hindi makapaniwala sa narinig nila mula kay Paxton.
"I hate the fact that I'll go back there and give those jerks a chance to swoon the heart of what I want to be mine. Selfish attitude isn't it."
(Get her in any way you can, walang Ignacio ang nagpapalamang sa kahit na sino. Send to me her picture para makita naman namin ng iyong ina ang itsura ng future daughter in law namin. Stay there whenever you want, Cranfield will fully understand it.)
"How supportive Father you are but sorry daddy wala munang picture hanggang hindi pa sya napapasa akin. Say Hi to Mama for me, Ciao! "
Agad na pinutol na ni Paxton ang tawag ng kanyang ama at itinabi sa bulsa nya ang phone nya bago hinarap si Maki na wala na sa likuran ni Ruhk na nakatulalang nakatingin sa kanya.
"Yang dila mo Maki pwede bang turuan mo na huwag dumaldal, Malapit na kitang bigyan ng award na sumbungero of the year eh. Tadyakan kaya kita ng may mapala ka sa pagsusumbong sa tatay ko." Sitang reklamo nya kay Maki na lumapit sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat nya na ikinakunot ng noo nya
"Oi oi Loachecko kamay mo."
"Hindi ka nagbibiro Kuya? Totoo ba ang sinabi mo kay Don Juaquin? I-inlove ka?" di makapaniwalang tanong ni Maki kay Paxton na inalis ang kamay nyang nakahawak sa balikat nya at naglakad malapit sa may upuan at pabagsak na umupo doon.
"The woman you are referring to your Father, is she the younger sister of Taz Ezra Westaria?" tanong ni Ruhk na ikinalingon ni Paxton sa kanya
"May iba pa ba?" sagot ni Paxton na muling ikinalapit ni Maki sa kanya
"Paano Kuya?Kailan pa? alam namin na interesado ka sa kanya pero yung ma inlove? Kahit ilang babae ang magpapansin sayo Kuya wa epek sayo kaya paanong nainlove ka sa kapatid ng karibal mo?" mga tanong ni Maki na ikinatapik ni Paxton dito
"Paano? Hindi ko alam ang dahilan. Kailan pa? sa tingin ko nung unang araw na makita ko sya. At kahit di sya nagpapansin sa akin, nakuha nya ang atensyon ko.anong magagawa ko kung nahulog ako sa kanya. Hindi naman masama diba?" ngiting sambit ni Paxton na ikinatulala ni Maki sa kanya
"Kahit kapatid sya ng karibal mo Ignacio? Babaliwalain mo 'yun dahil sa in love ka sa kapatid nya?" pahayag ni Ruhk na ikinawala ng ngiti ni Paxton at ikinahaplos sa nya a bsto nya.
"Speaking of that man,dapat na ba akong magpaalam na liligawan ko ang kapatid nya o kailangan ko munang umamin kay bubwit na in love ako sa kanya? Hahaha dapat siguro makipag kaibigan muna ako kay Westaria, masakit sa pride pero para kay bubwit. Saan ko ba makikita ang future brother in law ko? Baka nasa Underground Society sya.Hindi naman masama kung titingnan ko." Pahayag ni Paxton na mabilis na tumayo sa kinauupuan nya dere-deretsong umalis sa bahay nya at walang paalam na iniwan sina Maki
"Alam ba ni Kuya Paxton ang mga sinabi nya?" di makapaniwalang sambit ni Maki sa sarili nya
"I think he knows what he said, he really fell in love with that woman. Ready yourself Laochecko, there will be time na pababantayan sayo ni Ignacio ang babaeng kinahuhumalingan nya ngayon." Pahayag ni Ruhk na ikinalingon ni Maki sa kanya
"Bakit ako? Sa pagkakaalam ko hindi sa field ang trabaho ko, sa information ako, data base Verchez kaya bakit ako?" angal nito na iknangisi ni Ruhk
"Kanino ba sinabi ni Don Juaquin na bantayan si Ignacio?"
"Sa akin."
"Then you do the guarding to Ignacio's love interest." Pahayag ni Ruhk nainiwan si Maki na parang nalugi sa sinabi ng kaibigan.
*END OF FLASHBACK*
"Kung nakakatunaw ang mga titig sigurado akong kanina pa tunaw si Tanya."
Mabilis na napalingon si Paxton kay Demon na katabi nya sa upuan na nakangisi sa kanya. Gusto nyang batuka si Demon dahil ito ang nagdala sa dalaga sa bahay ni Taz at alam nyang may plano ito sa isipan nito kaya dinala nya ang dalaga. Dumadagdag pa na nakikisabay it okay Taz na asarin sya.
"Huwag mo kong kausapin na demonyo ka! Alam kong may iniisip ka laban sa aking gago ka kaya dinala mo dito ang babaeng 'yan dito sa bahay ni Westaria." Mahina at may inis na sambit na sita ni Paxton kay Demon na binigyan lang sya ng isang nang aasar na ngisi.
"Huwag kang nambibintang dyan Paxton, kaibigan ko lang talaga si Tanya kaya isinama ko sya dito sa bahay ni Boss Taz, wala namang masama dun diba?"
"Kung pinababaril kaya kita kay Trace, kung isinama mo dito ang babaeng 'yan para bwisitin ako,peste ka panalo ka na kaya huling beses mo ng ipapakita sa akin ang babaeng 'yan. Get's mo anak ni Lucifer?" Bulong pa ni Paxton kay Demon na ngising ikinapangalumbaba nito sa lamesa.
"Yang babae na sinasabi mo ay may pangalan dude, Tanya is her name tsaka hindi ko sya sinama dito para bwisitin ka. Kaya chill ka lang dyan." Sambit na pahayag ni Demon na inis na ikinaungos ni Paxton sa kaibigan.
'Stop calling her by that name, isang Tanya lang ang nagmamay ari ng pangalan na 'yan." Mahinang sita ni Paxton kay Demon na ikinailing ng kaibigan.
"May magagawa ka ba kung parehas sila ng pangalan? Kahit mainis ka dyan dahil may kapangalan ang Tanya mo wala kang magagawa dahil 'yun ang binigay ng mga magulang nya sa kanya. Isa pa, gusto lang makipag kaibigan sayo ni Tanya huwag kang choosy." Kumento ni Demon sa kanya na akmang babatukan ang kaibigan ng may humawak sa braso nya na agad nyang ikinalingon
"So Ignacio volunteered himself to sing with Tanya at my Light's christening, not so you Ignacio." Pahayag ni Taz na nakatayo sa gilid ni Paxton habang hawak nito ang wrist ng kaibigan na agad na tumayo at inalis ang pagkakahawak ni Taz sa kanya.
"Gaguhan ba 'to Westaria? Kailan ako nag volunteer na kumanta sa binyag ni Light? Bakit ako ang ipapartner mo sa babaeng 'yan? Si Ynarez ang tangnang singer dito hindi ako." Inis na reklamo ni Paxton na pokerface lang na tinitigan ni Taz
"Restrain your mouth in cussing Ignacio, Knight may hear you, Gago." Sita ni Taz na ikinaungos lang ni Paxton na nakatanggap naman ng hampas sa braso si Taz mula sa asawa
"You raised your hand Ignacio." Biglang sambit ni Devil na ikinalingon ni Paxton dito.
"Ano?"
"Huwag kang bingi Paxton, tumaas ka ng kamay kaya wala kang magagawa. Goodluck bro." ngising pahayag ni Demon na ikinalaki ng mata ni Paxton
"Hindi ako nagtaas ng kamay, you got it all wrong Westaria. Babatukan ko lang dapat si Demon pero hindi ako pumapayag na kumanta kasama sya." Angal ni Paxton na tinuro pa si Irish na ikinahawi ng dalaga sa pagkakaturo ni Paxton sa kanya at nginitian ang binata.
"Asan ba kasi ang atensyon mo at parang lutang ka? Na kwento ni Tanya sa amin na kumakanta sya sa JEYA kaya humiling si Gail na kumanta ito sa binyag ni Light. Nagtanong si Gail kung sinong pwedeng makikanta kay Tanya na itataas na sana ng kamay ni Blue ng mauhanahan mo, Yan tuloy." Pahayag ni Travis na ikinatunganga ni Paxton sa nalaman.
Hindi maisip ni Paxton kung bakit hindi nya narinig na iyon ang pinag uusapan ng mga kaibigan nya at sinamaan nya agad ng tingin si Demon dahil kasalanan nito ang nangyari dahil binubwisit sya nito.
"Damn it!"
"Come to think of it, I never heard you sing a song with her before. Why is that Ignacio?" ngising sambit ni Taz na ikinasama ng tingin ni Paxton sa kaibigan.
"Si Ynarez ang pakantahin nyo wag ako, hindi ako marunong kumanta baka masira lang ang binyag ni Light."
"There's no turning back Ignacio, you already volunteered yourself so be man to do it." Sambit ni Taz na ikinasang ayon naman ni Sora
"Tsaka masamang magsinungaling Paxton, magaling ka kayang kumanta. I remembered you sing a song before nung nagpropose si Fordie sa akin."
"I can't remembered that Sora." Pokerface na kumento ni Paxton na pabagsak nyang ikinabalik sa kinauupuan nya kaya sinimulan na syang asarin ng mga kaibigan na pinasimulan ni Travis
"Don't wory Paxton, i-rerecord ko ang duet nyo ni Tanya para may souvenir ka."
"Papalakpakan kita ng malakas Ignacio, count on to that." Asar ni Balance na sinundan ni Ford at Shawn
"Count me in with my wife."
"Von will be happy that he will see his uncle-ninong to sing for the very first time.
"Do you want me to make a banner for you Ignacio, I'll wholeheartedly make one even if so gross, just for you man." Pang aasar naman ni Lunova na tinapunan ng masamang tingin ni Paxton
"My Dad would fly back here in the Philippines just to witness you singing Ignacio." Pahayag naman ni LAY na
"Parang gusto ko ng dumating ang araw ng binyag ni baby Light ah." Pahayag ni Demon
"Anong kakantahin nyo Paxton? Pwedeng mag request, the song Ikaw Pala?" ngsisng sambit ni ToV na bahagyang ikinatawa ni Tad
"I love the lyrics of that song ToV, anon gang first line nun Ynarez?"
"Hindi ko naisip na darating ka, ang isang tulad mo sa 'king pag iisa..." sagot ni Blue na ayaw man nyang makisali sa pang aasar ng mga kaibigan nya kay Paxton ay wala na syang nagawa.
Tanging sina YoRi, Ribal at Devil lang ang hindi nakisali sa pang aasar ng mga kaibigan nila kay Paxton na ikinaiiling nalang ng mga kababaihan.
"Damn all of you! " wala ng nagawang kumento ni Paxton na lingid sa kaalaman nya ay kanina pa sya tinititigan ni Irish.
Gustong tanungin ni Irish si Paxton kung bakit big deal sa kanya ang pagsama nito sa pagkanta sa binyag ng anak ni Gail at Taz, alam nyang inis ito sa kanya kahit hindi nito sabihin pero hindi nya maisip kung bakit naasar ito sa kanya na wala namang dahilan. Maliban nalang kung anong meron sa pangalan nya at pagnaririnig nya ito ay nakikita nya sa mata ni Paxton ang inis at pangungulila.
"This is unfair?! Bakit nagmi-meeting kayo ng wala ako?! Hindi nyo man lang ako hinantay!"
Lahat ay napalingon sa isang lalaki na may pinapakitang lungkot sa mukha na may katabing magandang babae na naiiling nalang sa ginagawa ng gwapong lalaki na lihim na ikinasinghap ni Irish dahil sa pagkakilanlan nya sa dalawang bagong dating. Nakilala nya ang dalawa dahil mga sikat itong model sa buong asya lalo na ang gwapong lalaki na nag-ngangalang Sergio Fritz. Sa T.V at posters nya lang nakikita ang binata pero hindi nya akalain na makikita nya ito sa personal
"Talimpadas nakakahiya ka! Kagagawan mo din naman kung bakit late tayo. Hindi ka marunong magtago ng identity mo kaya nadumog tayo sa Airport." Pahayag ni Therice na iniwan si Sergio at mabilis na umupo sa tabi ni Sora.
"Hindi ko naman kasalanan amazona ko kung kahit naka shade ako ng malaki eh makikilala nila ako." Ngi-ngiting sambit ni Sergio na lumapit narin sa mga kaibigan at mabilis na inakbayan si Paxton,
"Kamusta? Namiss nyo ba ako? Don't worry guys I'm back." Pagmamalaki ni Sergio na ikinaungos at ikinatanggal ni Paxton sa kamay ni Sergio na nakaakbay sa kanya.
"Walang nakamiss sayo gago!"
"Bakit ang init ng ulo mo Paxto—oh! May unfamiliar face akong nakikita ngayon ah. Sino ka?" ngiting tanong ni Sergio ng bumaling sa kanya ang tingin ng binata.
"Please lang Fritz huwag mo nang tanungin ang pangalan nya, ang sak—"
"Tanya ang pangalan ko, kamusta ka." Putol na pagpapakilala ni Irish sa sinasabi ni Paxton na kinakitaan ng inis sa mukha ni Paxton.
"May pagkakaiba nga sila but sometimes may ugali na nagkakahawig sila. Interesting." Pahayag ni ToV na lihim na ikinakuyom ng kamay ni Paxton
"Tanya ang pangalan mo? Parehas kayo ng pangalan ni Er—"
"ENOUGH!"
Lahat ay napadako ang tingin kay Paxton na walang emosyong mababasa sa mga mata nito at na ikinalapit ni Shawn sa kaibigan.
"Keep your cool Ignacio hindi mo kailang—"
"Stop comparing her to this woman!" walang emosyon na pahayag ni Paxton na ikinakunot ng noo ni Irish.
Gustong malaman ni Irish kung sinong 'her' ang tinutukoy ni Paxton na ayaw ikumpara sa kanya. Gusto nyo mang magtanong pero naunahan sya ni Taz na magsalita.
"No one's comparing her to Tanya, so stop that stupid reaction Ignacio." Sita nito na akmang ikakaalis ni Paxton para iwan ang mga kaibigan ng matigilan sya ng may humawak sa braso nya na agad nyang ikinalingon dito at ikinatitig lang ng mga kaibigan ni Paxton sa kanilang dalawa
"Bitaw babae..."
Noong una hindi malaman ni Irish kung bakit unang kita palang sa kanya ng binata ay sinusungitan na sya, pero ngayon unti-unti nyang naunawan na may dahilan ito dahil sa pangalan na meron sya. Nauunawan narin nya ang lagging sinasabi ni Demon na may kaparehas syang pangalan at alam nyang may kapangalan sya na may malaking part sa buhay ni Paxton na gusto nyang malaman.
"Hindi naman ibig sabihin na parehas kami ng pangalan ay magkatulad na kami, Alam mo una palang kitang makita, hindi ka na nawala sa isipan ko nagkaroon ako ng eagerness na makilala ka ng husto, noong una hindi ko alam kung bakit pero unti-unti ko nang nalalaman ang dahilan."
"Tanya..." mahinang tawag ni Demon kay Irish na sya namang ikinaalis ni Paxton sa pagkakahawak ni Irish sa kanya at walang emosyon na nginisian sya
"Ang lakas naman ng loob mong sabihin sa akin 'yan, sa pinupunto ng sinasabi mo, huwag mong sabihin na may gusto ka sa akin?"
"Don't conclude Paxton na kaya gusto kang makilala ni Tanya ay ibig sabihin ay gusto ka nya pwede namang gusto ka nyang kaibiganin ah." Pag tanggi ni Demon sa akusa ni Paxton kay Irish na ikinaungos lang nito.
"Huh! Don't take her side Mondragon II, don't tell me ika—"
"OO GUSTO KITA PAXTON! BAKA NGA HINDI LANG GUSTO EH, PARANG MAHAL NA KITA."
Lahat ay natigilan sa idineklara ni Irsih, ang iba ay nanlaki ang mata sa ipinahayag nito lalo na sina Gail maliban kay Demon na buntong hiningang napailing sa maagang pa gamin ni Irish sa kaibigan, hindi rin naiwasan na magulat ni Paxton sa pag-amin ni Irish sa kanya na hindi nya agad ikinaimik. Hindi rin naiwasan ni Irish na pamulahan ng mukha dahil sa biglaang paghahayag nya ng kanyang nararamdaman kay Paxton na ikinahinga nya ng malalim bago pinakatitigan si Paxton.
"H-hindi ko alam kung kalian tumibok ang puso ko sayo pero narealize ko nalang na ma-mahal kita."
"Kalokohan! Baliw ka lang talaga siguro nuh? Pasensya na pero puputulin ko na ang pantasya mo sa akin dahil hindi ikaw ang klase ng babaeng magugustuhan ko. Aish.." pahayag ni Paxton na walang paalam na iniwan ang mga kaibigan at naiwan si Irish na tulala at hindi naiwasang makaramdam ng lungkot sa sinabi ni Paxton sa kanya.
"His words is too harsh did he?" kumento ni Travis na ikinalapit ni Gail sa tahimik na si Irish.
"Huwag mo sanang damdamin ang sinabi ni Paxton." Pag aalo ni Gail kay Irish na humarap sa kanya at pilit na ngumiti dito
"Wa-wala 'yun Gail."
"Pero bilib ako sayo Tanya for confessing your feelings kay Paxton kahit na ganun ang response nya sayo. Bakit kasi hindi nya mai-apply sa buhay nya ang salitang move on." Buntong hiningang sambit ni Sora na ikinalingon ni Irish sa kanya
"Hindi maka move on?Saan?"
"Nako Tanya huwag mo nalang pansinin ang sinabi ng asawa ni Ford." Pahayag ni Demon na ikinaakbay ni Ford sa asawa na patay malisyang yumakap lang dito.
"I think it's better for her Demon that she knows the reason why Paxton acted to her harshly like that. It's better for her that she's aware of that right?" seryosong pahayag ni Devil na ikinatahimik ni Demon.
"Anong ibig mong sabihin kambal ni Demon? Anong dapat kong malaman tungkol kay Paxton?" naguguluhang sambit ni Irish
"Am I allowed to tell her that Boss Taz?" alinlangang tanong ni Demon kay Taz na ikinabuntong hininga ni Taz
"Mas mabuti siguro Demon na ikaw nalang ang magsabi sa kanya, I don't want my husband to reminisced the past." Sambit ni Gail na ngiting ikinaakbay ni Taz sa kanya
"Thank you wife."
"Sasama ako, sasamahan ko sina Demon." Pahayag ni Blue na ikinatango nalang ni Taz.
"Kung ganun.." agad hinawakan ni Demon si Irish sa wrist nito na ikinalingon ni Irish sa kanya.
"..sumama ka sa amin, you want to know Paxton Right? Then, sasabihin ko sayo ang alam ko tungkol sa kaibigan ko." Pahayag pa ni Demon na agad nyang ikinahila nito sa dalaga na agad namang sinundan ni Blue at naiwan ang mga kaibigan nila na kanya-kanya nang bumalik sa mga upuan nila.
"Sa tingin mo ba Taz maapektuhan si Tanya sa malalaman nya sa isang part ng buhay ni Paxton?" biglang tanong ni Gail sa asawa na ikinalingon nito dito.
"She said that she loved Paxton so maybe it will affect her lalo na at parehas sila ng pangalan ng kapatid ko."
"Demon thinks that Tanya will help Paxton to forget the past, Demon planned this." Pahayag ni Devil na ikinatahimik ng lahat na sya namang ikinasalita ni Yshara ang fiancée ni Ribal
"Mahirap tulungan ang taong kumakapit pa sa nakaraan, pero kung mahal mo talaga ang taong 'yun hindi ka dapat sumuko hanggang sa maialis mo sya sa masakit na nakaraan at tulungan na harapin ang panibagong bukas. Wala namang imposible sa taong nagmamahal diba?" pahayag nito na matamis na ikinangiti ni Ribal sa ipinahayag ng babaeng mahal nya.
Yumakap si Gail ng mahigpit sa asawa at may ngiting tumingin sa kalangitan na ginaya ng asawa.
"I hope that Tanya will help Paxton to let go of the past because Erza wants that too.."
"I hope that too wife, I hope that too."