Destiny can play with you on a hide and seek before you find what your eyes wanted to see. -Rhen A.
CHAPTER 3
-IRISH P.O.V-
Dahan-Dahan akong nagmulat ng aking mga mata, pakiramdam ko galing ako sa mahimbing na pagkakatulog at ngayon lang nagising. Nararamdaman ko din ang katawan ko na parang nahihirapang kumilos, ganito ang pakiramdam ko noong. . . .
Teka?!?!
Mabilis akong napabalikwas ng bangon ng maalala ko lahat ng nangyari sa amin ni Mel, sa pagkakatanda ko hinahanap namin ang lalaking gusto kong makita kaya lang may mga hoodlum na mga lalaking humabol sa amin. Humiwalay ako kay Mel tapos nakaramdam na akong paninikip ng dibdib ko.
Tapos ang alam ko nahabol ako ng mga hoodlum na yun tapos may narinig akong ibang mga boses at parang umangat ako sa ere bago mawalan ng malay.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko at agad iniikot ang paningin ko sa lugar na kinalalagyan ko ngayon. OMG! Don't tell me nakuha nila ako at ito ang hide out nila?Agad kong chineck ang sarili ko at kahit papaano ay suot ko parin naman ang mga damit ko at pinakiramdaman ko ang aking sarili lalo na ang pinakaiingatan naming mga babae kung may sakit akong nararamdaman pero wala na mas ikinahinga ko ng maluwag dahil dalagang pilipina parin ako.
Pero nasaan ako?
Sa isang malawak na sofa lang nila ako inihiga pero halata namang mamahalin ang sofa na ito. Isa pa mukhang malaki ang bahay na kinalalagyan ko, mayayaman ba ang mga hoodlum na yun?
Pero sandali lang, parang may mali eh. Sa natatandaan ko sa kalsada palang kung saan wala masyadong nadaan na tao eh gusto na ako pagsamantalahan nung nakahabol sa akin. Ibang tao ba ang nagdala sa akin dito?
Napatingin ako sa isang wall clock na mukhang mamahalin din, ilang oras ba ako walang malay? it's already in 3 in the afternoon, at sa pagkakaalala ko mga 10am kami nagmeet ni Mel so ibig sabihin limang oras akong walang malay.
LIMANG ORAS AKONG WALANG MALAY?!?!
Agad na hindi napakali ang katawan ko sa kinauupuan ko kaya pinilit kong tumayo pero ramdam ko parin ang bigat ng katawan ko. Im sure kanina pa ako hinahanap ni Mel at malamang hinahanap na din ako ni Kuya. Shookt! what will you do Tanya!
Agad kong kinapa ang cellphone ko pero mas lalo akong nagpanic ng hindi ko makapa ang cellphone ko sa kahit saang bulsa meron ang pantalon ko. Geez! saan napunta ang cellphone?
Yare ako sa Kuya ko nito, malamang nakakailang tawag na yun sa akin at pag tumawag yun kay Mel at nalaman nya ang nangyari sigurado ako na hindi na naman nya ako palalabasin ng bahay. Wag naman sana masabi ni Mel ang nangyari sa amin, bumibigay pa naman agad yun pag si Kuya ang nagtatanong.
Tatayo na sana ako ng matigilan ako ng makita ko ang dalawang nag gagwapuhang lalaking umaakyat sa hagdanan na napalingon naman agad sa akin.
"Oh!gising ka na pala." ngiting pahayag ng lalaking may asul na buhok na parang nakita ko na kung saan.
Bakit ba pamilyar sa akin ang lalaking may asul na buhok na ito?
"Kamusta na ang pakiramdam mo Miss?Sobrang putla mo kanina nung dinala ka namin dito." sambit naman ng isa pang gwapong lalaki na agad kong napansin ng tattoo nitong letter D sa kaliwang leeg nito.
Pero infairness pakiramdam ko mabait ang dalawang ito lalo na sa lalaking may tattoo sa leeg and i'm sure hindi nila kasamahan ang mga hoodlum na humabol sa akin dahil mga maling hulmang mukha meron ang mga yun.
"O-okay na ako, te-teka nasaan ako?tsaka sino kayo?" sunod sunod na tanong ko sa kanila na sabay ikinaupo nung dalawa sa tig- isahang sofa
"Nasa barn tayo ng isa naming kaibigan, hindi ka na namin dinala sa Ospital dahil sa itsura mo kanina baka mas lalo kang mapasama kung ibabyahe ka, may pagkamalayo pa naman ang Ospital sa lugar kung saan ka namin nakita. Mabuti nalang umayos na ang lagay mo pero para masigurado kami pinapunta namin dito ang isa pa naming kaibigan na doktor para suriin ka." ngiting paliwanag nang lalaking may asul na buhok
"A-anong sabi ng kaibigan mong doktor?"
Baka nalaman nila na may CHD ako, ayoko pa naman malaman yun ng ibang to dahil ayokong kaawaan nila ako dahil sa sakit na meron ako.
"Tad told us na naglack ka ng hangin para makahinga ng maayos kaya nawalan ka ng malay, He asked us na pag nagising ka itanong namin agad sayo kung may problema ka sa heart mo. Umalis din kasi agad ang kaibigan namin dahil nagka emergency sa Ospital nya. So back to my question, may problem ba sa heart mo or sa. . ."
"Wala!Im a healthy woman mabilis lang talaga ako mapagod kaya siguro naubusan ako ng hangin dahil ang layo din ng itinakbo ko para makalayo sa mga hoodlum na humahabol sa akin." mabilis at walang putol na sagot ko sa kanya na ikinatitig nya lang sa akin.
"Hahahaha! marunong ka palang mag-rap Miss. Galing mo dun, wala man lang period sa mga binitawan mong salita." natatawang puna sa akin nung lalaking may tattoo na napapahiyang ikinangiti ko sa kanila.
"Okay if you say so, pero para maging sure ka magpa check up ka na din." sambit ng lalaking may asul na buhok na nakabawi sa reaksyon nya sa mabilisan na pagsasalita ko.
"Ms. Rapper ako nga pala si Demon, you ask who we are kaya ako na ang unang nagpakilala. Were nice, cool and yeah charming kaya safe ka sa amin." ngising sagot ng nagpakilalang Demon.
Magaan ang loob ko sa kanya hindi ko alam kung bakit.
"And i'm Blue kita naman sa buhok ko ang ibedensya diba?" ngiting pagpapakilala naman nito sa akin na ikinasalubong ng kilay ko dahil sa pangalan nya
Blue? Parang narinig ko na ang pangalan na yan, saan ko nga ba narinig ang pangalang Blue?
"Matanong ko lang Ms. Rapper bakit pala hinahabol ka ng mga lalaking yun?May atraso ka sa kanila?" agad na tanong ni Blue sa akin dahilan para mawala ang pagiisip ko kung saan ko ba narinig ang pangalan nya.
"Wala akong atraso sa mga lalaking yun, basta nalang silang humarang sa daraanan namin ng kaibigan ko tapos bigla na nila kaming hinabol." paliwanag ko sa sabay ikinatango nung dalawa.
"Salamat pala sa pagkakaligtas nyo sa akin, siguro kung hindi kayo dumating baka nawala na ang pagkadalagang pilipina ko."
"It's just an accident na nakita ka naming hinahabol ng mga yun, mabuti nalang sinundan namin kayo." ngiting sagot ni Blue ng may maalala ako.
"S-sino nga pala sa inyo ang kumarga sa akin kanina?" tanong ko dahil feeling ko wala sa kanilang dalawa ang bumuhat sa akin dahil iba ang boses nila sa boses ng bumuhat sa akin.
"Yung isa pa naming kaibigan ang bumuhat sayo, actually pinilit ko lang talaga na buhatin ka nya dahil abala pa kami sa pakikipagbugbugan sa mga humahabol sayo. Wala syang choice kasi sa aming tatlo sya ang ayaw magpapawis kaya sya na ang pinabuhat ko sayo. Sya ang may sabing dito ka nalang dalhin sa barn na ito." pahayag ni Blue na ikinatahimik ko.
So tatlo silang nagligtas sa akin, kung ganun nasaan yung isang bumuhat sa akin?
"Pagkadala ni Paxton sayo dito umalis na din agad ang isang yun at iniwan ka sa amin ni Blue. Na cancel ang celebration party namin kaya baka umuwi na yun sa bahay nya o inasikaso ang business nya. Kita ko sa mukha mo na yun ang sunod mong itatanong kaya sinagot ko na." pahayag ni Demon na di makapaniwalang ikinatitig ko lang sa kanya.
Did he read my face expression?
Napaisip naman ako bigla sa pangalan ng lalaking bumuhat sa akin, Paxton. Parang may kakaiba sa pangalan na yun na maganda sa pandinig ko. Sayang at hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya kahit napilitan lang sya.
"Anyway here. . ."
Napatingin ako sa inabot sa akin ni Blue at nanlaki ang mga mata kong mabilis kong kinuha ang cellphone kong inabot nya sa akin. Mabuti naman nakuha din nila ang cellphone ko.
"Kanina pa tumutunog yan, pinababayaan lang namin dahil hindi naman kami nangingielam sa gamit na di naman amin. Siguro importante ang tumatawag sayo kasi kanina pa yan tunog ng tunog." pahayag ni Blue na mas ikinalaki ng mga mata ko at agad binuksan ang cellphone ko at bumungad ang 32 missed calls ni Mel sa akin at ang pinakakinatuunan ng mga mata ko ay ang nag iisang missed call ni Kuya Orlin sa akin.
"Okay ka lang Ms. Rapper? Bigla kang namutla." sambit ni Demon na lihim kong ikinalunok at ngiwi kong ikinalingon sa kanila bago isinuksok sa bulsa ng pants ko ang phone ko at dahan-dahang tumayo na ikinasunod nila ng tingin sa akin. Mabuti nalang kahit papaano bumabalik na ang lakas ko.
"Mukhang kailangan ko nang umalis, salamat sa tulong at pagliligtas nyo sa akin." sambit ko bago akmang aalis ng may makalimutan akong itanong sa kanila.
"Uhmmmm. .pagba binaba ko ang hagdanan na yan makikita ko ba ang pintuan palabas?" ngiwing tanong ko na malawak na ikinangiti ni Demon.
"Yeah! mabilis mo agad makikita ang pinto palabas, hindi ka maliligaw dito hindi naman ito bahay ni Yo barn palang nya 'to kaya yeah makakalabas ka."
Napatango nalang ako sa sinabi ni Demon bago mabilis na yumuko sa kanila at agad na bumaba at iniwan silang dalawa. Tumawag si Kuya malamang nadulas na si Mel sa nangyari sa amin, kailangan ko na bang maghanda na magi-stay na naman ako sa bahay dahil sa nangyari. Aish!! kasalanan 'to ng mga panget na hoodlum na mga yun eh!
Nang makababa ako ay namangha pa ako sa ganda meron ang kinalalagyan ko ngayon, nakakamangha na nga meron sa taas pero di ko akalain na mas maganda ang nasa baba nito. Dere-deretso akong lumabas sa pintuang nakita ko at ng tumama ang liwanag ng araw sa mukha ko ay natigilan naman ako ng may isang matangkad na lalaki ang humarang sa unahan ko upang matakpan ang liwanag ng ara na tumatama sa akin.
Nakatingin lang ako sa lalaking nasa harapan ko na wala akong emosyong makita sa mga mata nito, matangkad at masasabi kong kasing gwapo nina Demon. Nakatingin lang sya sa akin gamit ang mga mata nyang walang emosyon.
"Who are you?"
Geeez! pati boses nya walang emosyon kasing lamig pa ng yelo sa antartica.
"Ahmmm. ."
Teka ano bang isasagot ko sa kanya?Sasabihin ko ba ang pangalan ko?
"A-ako si Ta--"
"Oh?YoRi anong ginagawa mo dito?"
Nawala ang tingin sa akin ng lalaking nasa harapan ko at nakatuon na ito sa likuran ko dahil mukhang naabutan pa ako nina Demon dito.
"It's my f*cking barn Mondragon II what do you think im doing here?" malamig na pahayag nito na rinig kong ikinatawa lang ni Demon at ramdam ko ang yabag nilang papalapit sa amin ng lalaking nasa harapan ko.
"Akala kasi namin Ospital haha sya pa nga unang pasyente natin." natatawang pahayag ni Demon na nagawa pang tapikin ang balikat ko.
Ang lalaking ito pala ang may ari ng barn na ito, mukhang wala pa atang alam na dinala ako dito ng mga kaibigan nya
"Malayo kasi ang Ospital kung dadalhin pa namin sya doon kaya dinala na namin sya dito at pinasunod namin si Tad dito para tingnan sya. Nakatulong tayo sa kapwa Yo!" rinig ko namang sambit ni Blue na bahagya kong ikinagulat ng bumalik ang tingin sa akin ng lalaking nasa harapa ko.
"0567-558-24157-000. ." malamig na sambit nya bago kami lagpasan at pumasok sa loob na sunod-sunod kong ikinakurap dahil natameme ako sa sinabi nya.
Did he just gave me some numbers?
"Did Yo gave us his bank account number Demon?" sambit ni Blue ikinalingon ko sa kanilang dalawa.
"I think Yo wants us to pay the bill for using his barn. Damn! i have a feeling na mababawasan ng malaki ang ipon ko." pahayag ni Demon na kita kong ikinalaki ng mga mata ni Blue.
"F*ck! don't tell me. . ."
"Yeah!Mukhang magbabayad tayo ng malaki since walang paalam nating ginamit ang barn nya. Paki remind nga ako Ynarez next time na malulugi ako once na ginamit natin ang barn nya ng walang paalam." pahayag ni Demon na parang ikinalugi nilang dalawa.
Mukhang nagkaproblema sina Blue dahil sa pagdala sa akin dito,Nakakahiya.
"Ahmm kailangan ko din bang magbayad?" sambit ko na sabay nilang ikinangiti sa akin.
"Nah! leave the p*****t to us tutal naman barya lang kay Blue ang sisingilin ni Yo kaya wag kang mag alala." sambit ni Demon na bahagyang ikinatulak ni Blue sa kanya.
"Gago ka Mondragon! Bakit sa akin mo lang iiwan ang bayarin? Alam mo naman kung paano maningil si Yo diba?Half a million for using his barn Mondragon, uulitin ko Half a million. Tangna ka! maghati tayo." singhal ni Blue kay Demon na tinawanan lang ito at ako naman ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa narinig ko.
Kalahating milyon ang babayaran nila para sa pagdala sa akin nina Demon dito?Seryoso?
"Excuse me pero diba sabi nyo kaibigan nyo naman sya, baka makahingi kayo ng discount hehehe." suhestiyon ko na sabay nilang ikinabuntong hininga.
"Walang kaibi-kaibigan pagdating sa bayarin, ang sabi ng mga kuripot naming kaibigan paghiwalayin ang pagkakaibigan sa pera dahil wala ng libre ngayon. Naalala ko si Kiosk noong dinala sya ni Amadeus sa Ospital ni Tad dahil sa pambubugbog ng tiyuhin ni Sari. Hanggang ngayon kinikilabutan ako sa laki ng binayaran ni Kiosk, mag iisang milyon din yun." pahayag na kwento ni Demon na sinundan pa ng kwento ni Blue
"Speaking of that, kupal din si Ford pagdating sa singilan. Nanlambot si Sergio noong ibigay ni Ford ang bill sa kanya. Magkakalahating milyon ang nagastos nya dahil narin sa mga nagmamahirap nating mga kaibigan."
Napatunganga lang ako sa mga naririnig kong kwento sa kanila, bakit pakiramdam ko parang barya lang sa kanila ang perang nawawala sa kanila dahil kung magkwento ang dalawang ito parang wala lang sa kanila ang ganung halaga.
Sabay-sabay nalang kaming napatingin ng lumabas sa isang kwarto ang kaibigan nilang walang emosyon na sa pagkakatanda ko ay tinawag nina Blue sa pangalan nitong Yo.
"Yo!wala bang discount?" ngitong tanong ni Demon na poker face with no emotion na ikinatitig nito kay Demon.
"Discount?Do i f*cking know that word?Is it even existed in our group?" pahayag nito na sabay lang na ikinatawa nina Blue.
Sa totoo lang parang nawiwirduhan ako sa pagkakaibigan meron sila. Parang ibang pagkakaibigan ang nakikita ko.
"Umaasenso ka na Yo! dami ng words na lumalabas sayo ah! Keep it up bro." pahayag naman ni Blue mukhang hindi sya pinansin nito dahil nagderetso ito sa bar counter na nakita ko kanina at kumuha ng bote ng wine at baso.
"Teka Ms. Rapper akala ko ba kailangan mo ng umalis?" balik tinging tanong ni Demon sa akin.
Sh*t! oo nga pala! nawala sa isipa ko dahil sa kaibigan nilang yun eh!
"Oo nga pala! Si-sige salamat ulit sa tulong nyo." akmang aalis na ako ng hawakan ako ni Blue sa kanang braso ko na takang ikinatingin ko sa kanya.
"Oiii. .don't tell me Ynarez ito yung part na hihingin mo ang number ni Ms. Rapper tapos kukulitin mo na, tapos liligawan mo tapos---"
". . .tapos lalagyan ko ng tape yang bibig mo Mondragon. Layo ng narating ng imahinasyon mong gago ka!" putol na sambit ni Blue kay Demon na ikinangisi lang nito.
"A-ano ba yun?May sasabihin ka ba?" tanong ko kay Blue na inalis naman nya ang pagkakahawak sa akin.
"Itatanong ko lang ang pangalan mo since kami ang mamumulubi sa pagdala namin sayo dito. Just your name then were quits." sambit ni Blue na ikinatunganga ko lang sa kanya
Hinihingi ni Blue ang pangalan ko?
"Ahmmm pangalan ko?"
"Sige na Ms. Rapper pagbigyan mo na ang hiling ng kaibigan kong ito na mukhang tinamaan ni kupido." ngising sambit ni Demon na halata ko namang inaasar lang si Blue.
"Kahit kailan hindi tatamaan ni kupido ang puso ko Mondragon. Kupal kang anak ni Lucifer huwag ka ngang mag isip ng malabo namang mangyari. Hinihingi ko lang ang pangalan nya yun lang." pahayag ni Blue na ikinibit balikat lang ni Demon.
Halata namang inaasar lang ni Demon si Blue, isa pa mukhang gusto lang talaga malaman ni Blue ang pangalan ko at wala naman akong nakikitang iba dun. Wala naman sigurong masama dahil niligtas naman nila ako. Isa pa nagpakilala din naman sila sa akin.
"Tanya ang pangalan ko, Tanya Irish Petrovic pero i prefered kung sa first name nyo ko tatawagin." ngiting pagpapakilala ko na pansing kong sabay nilang ikinatigil sa kinatatayuan nila.
Kahit yung kaibigan nilang Yo ang pangalan natigilan sa pagpasok sa kwartong nilabasan nya kanina at walang emosyon parin na lumingon sa kinatatayuan ko.
Okay?! may dumaan bang kakaiba kaya nagsitahimikan silang dalawa?
Tatanungin ko na sana sila kung bakit sila natigilan ng tumunog ang cellphone ko at ng mabilis ko itong kunin sa bulsa ay ako naman ang natulos sa kinatatayuan ko ng makita kong si Kuya ang tumatawag sa akin.
Patay kang Tanya ka!
"Mukhang kailangan ko na talagang umalis. Sige mauna na ako." paalam ko bago mabilis na umalis sa lugar na yun at ng may taxi akong makita ay agad ko itong pinara at agad sumakay ng tumigil ito sa harapan ko.
Huminga naman ako ng malalim bago sinagot ang tawag ni Kuya
"Kuya. . ."
(Where are you Irish?Mag aalas kwatro na ng hapon hindi ka pa nakakauwi. Saan ba kayo nagkita ni Mel, i told you na kailangan mong umuwi ng maaga dahil sa treatment mo. You still need to drink your medicine, asan ba kayo ni Mel at susunduin ko kayo.)
Bahagya naman akong nakahinga ng maayos dahil mukhang wala pang alam si Kuya. Akala ko talaga bibigay si Mel kay Kuya Orlin eh.
"Actually kuya pauwi na ako, sorry kasi nakalimutan ko na ang oras eh! namiss ko si Mel."
Sorry Kuya for lying!!
(Tss! Bilisan mong umuwi.)
"Okay Kuya See you."
Nawala na sa kabilang linya si Kuya kaya napasandal ako sa kinauupuan ko. Im glad hindi ako makukulong ulit sa bahay, mabuti naman at mukhang sumang ayon sa pagkakaton si Mel ngayon.
Hindi ko pa naitatago ang phone ko ng muli itong tumunog at si Mel naman ang tumatawag sa akin kaya sinagot ko na din kaagad baka nag hihintay pa sya sa akin eh hindi ko na sya mapupuntahan dahil kailangan ko ng umuwi.
"Hello Mel so---"
(ASAN KA BA?MY GOODNESS TANYA SOBRA AKONG NAG AALALA SAYO! ANO?! NAHABOL KA BA NILA?NASAKTAN KA BA?ASAN KA BA NG MAPUNTAHAN KITA?)
"Melrose Guevara pwede ba kalma ka lang."
(Paano ako kakalma Tanya ha?Ilang beses na kitang tinatawagan pero hindi mo sinasagot kaya hindi ko napigilang mag alala. Bakit kasi naisipan mo pang maghiwalay tayo para matakasan ang mga unggoy na yun eh.)
"Okay naman ako eh! walang nangyari sa akin, muntik lang nila akong gawan ng masama pero may mga nagligtas naman sa akin kaya huwag ka ng mag alala okay." assurance kong pahayag sa kanya para di na sya mag alala pero mukhang wala paring epekto dahil ramdam ko ang pagka frustrate ng boses nya.
(See muntik ng may gawin silang masama sayo?Hindi ka ba inatake ng sakit mo?Tanya tell me dahil hindi ako maniniwala na walang nangyari sayo noong hinahabol ka nila.)
"Wala naman kasi talaga! See maayos mo kong nakakausap kaya drop the concern okay?Nasaan ka ba?"
Ayokong aminin sa kanya na muntik na akong mamatay dahil sa pagatake ng sakit ko dahil sa sobrang pagod na naramdaman ko dahil sa pagtakbo ko makalayo lang sa mga hoodloom na yun. Mas lalo lang syang mag aalala pag kinuwento ko yun kaya mabuti pang wag kong sabihin sa kanya.
(Naandito ako sa tapat ng JEYA at hinihintay ka!Alam mo bang tumatawag si Orlin sa akin at alam kong itatanong ka nya sa akin. Alam mo bang hindi ko sinagot ang mga tawag nya dahil pag ginawa ko yun baka masabi ko lang sa kanya ang nangyari.)
"I'm so proud of you Mel! Napigilan mong maging marupok sa Kuya ko." asar na sambit ko sa kanya na kung nasa harapan nya lang ako ay alam kong tatapunan nya ako ng masamang tingin.
(Hindi nakakaproud yun Tanya!Malamang nabawasan na ang pag asa ko sa kanya.)
Gusto kong tawanan si Mel pero pinigilan ko nalang dahil baka mas lalong madispress 'to dahil hindi nya sinagot ang tawag ni kuya.
(Asan ka na ba kasi?)
"Ayun na nga ang sasabihin ko Mel eh! Tumwag din sa akin si Kuya at sinabi ko sa kanya na pauwi na ako. Hindi na kita mapupuntahan dyan sa JEYA siguro bukas nalang natin puntahan si Kuya Tommy. Sorry Mel."
(Mabuti na nga siguro na umuwi ka muna, sige uuwi na rin muna ako. Mag ingat ka sa pag uwi mo.)
"Ikaw din, alagaan mo ang helmet na binigay ko sayo ah! kukunin ko yan sayo bukas." paalala ko sa kanya bahagya kong ikinatawa ng marinig ko syang umingos
(Oo na! aalagaan ko na)
"Sige see you tomorrow."
Nang mawala na si Mel sa kabilang linya ay itinago ko na ang phone ko sa bulsa ng pants ko.
Kalalabas ko lang ng bahay namin simula ng atakihin ako noon pero ang dami ng nangyari ngayong araw na ito, pero ang hindi ko makakalimutan ay ang muli kong makita ang lalaking yun,Sana makilala ko na sya.
Bigla namang pumasok sa isipan ko ang pangalan ng kaibigan nina Blue na syang bumuhat sa akin.
"Paxton, hindi man lang ako nakapagpasalamat dahil sa pagbuhat nya sa akin kahit napilitan lang sya. Atleast he tried to carry me and help me." mahinang sambit ko sa sarili ko.
"Where to go hija?"
Agad akong napalingon sa driver ng Taxi na sinakyan ko ng magsalita ito. Basta basta ako sumasakay sa taxi ng hindi sinasabi kung ako pupunta. Malala na talaga ikaw Tanya!
"Sa **** St. po unang kanto Manong." sagot na ngiting ikinatango ni Manong.
Mukha namang mabait si Manong isa pa habang tinitingnan ko sya sa rear mirror nya eh kapansin pansin na gwapo si Manong at parang mayaman sa itsura nito.
"Hindi muna kita tinanong kanina dahil may mga kausap ka pa." sambit ni Manong na mas ikinangiti ko.
"Pasensya na po Manong hehehe."
Hindi na ulit nagsalita si Manong pero habang nasa byahe kami ay pansin ko ang paulit-ulit nyang pagtingin sa rear mirror nya which is ako ang tinitingnan nya. Hindi ko na sana papansinin kaya lang talagang nawiwirduhan ako may Manong dahil sa paulit-ulit nyang pagsulyap sa akin.
"May sasabihin po ba kayo Manong kasi kanina ko pa po napapansin na pabalik balik ang tingin nyo po sa akin sa rear mirror nyo?" kalmadong tanong ko may Manong na napangiti sa tanong ko.
"Do you find me creepy Hija?" tanong nito na parang sanay ito sa pagsasalita ng english.
Sosyal si Manong
"Medyo po. ." ngiting pag amin ko na mas lalo nyang ikinangiti.
"Sorry Hija, i just find your face so familiar kaya hindi ko maiwasan na tingnan ka. You look alike with someone i know but she already passed away ten years ago." pahayag nito na agad kong ikinasapo sa magkabila kong pisngi
"Ang ibig nyo pong sabihin may pagkakahawig sa akin ang taong kilala nyo na matagal ng patay?" tanong ko na ikinatango nito.
"Ganun na nga Hija, pasensya na malapit kasi sa akin ang taong yun, she's my closest friend before i got married with my lovely wife." kwento ni Manong sa akin
"Huwag mo nalang pansinin ang sinabi ko Hija, siguro nga maraming tao sa mundo na nagkakahawig but if i will ask him im sure sasang ayon sya sa akin." sambit pa ni Manong na ikinabalik nya na sa pagmamaneho.
Whose Him na sinasabi ni Manong?
Talaga bang maraming tao ang may pagkakahawig?
Nagkibit balikat nalang ako at itinuon ang mga mata ko sa bintana at nag iisip ng mga palusot na kapanipaniwala pag nakauwi na ako at nakaharap ko na si Kuya.
This day was a bit tiring for me but i was happy to meet those people and i hope i can see him again.
Than man with a black peircing on his left ear, that man who react and walked away after hearing the song i sang that day, That man who almost hit me by his motorcycle.
I wished na sana makita ko na ulit sya at pag nangyari yun i will introduce myself to him so he can notice me.