Episode 15 Part II

3515 Words
Bakit ba nakakatuwang panuorin sina Demon at ang mga kaibigan nya pag nag aasaran na sila. Nakikita ko silang naiinis pero halata namang sobrang malalapit sila sa isa't -isa at asaran ang lambingan nila. Nakakatuwa naman at may mga ganitong kaibigan sina Demon. Nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta muna akong restroom na akala ko sasamahan ako ni Mel pero hindi sya matinag sa pagtitig kay Tenth na nakikipag usap kay Mattias kaya naiiling na hinayaan ko nalang muna sya. Hindi na ako magugulat kung pagbalik ko ay nakalapit na sa lamesa ng Eastern si Mel at nagpapakilala na sa Idol nya. Papunta palang ako sa dereksyon ng restroom nina Gail na mapahinto ako ng makasalubong ko si Paxton na bahagya kong ikinatunganga dahil sa ayos nya. Mas lalo syang gumwapo sa ayos nya and assusual dahil ako ang kaharap nya ay walang emosyong tingin ang ibinigay nya sa akin. Nagreak na naman ang puso ko dahil sa kanya pero kailangan kong lakasan ang loob ko pag nakakaharap ko na sya. "Hi." bati ko sa kanya na wala man lang akong nakuhang sagot mula sa kanya. "Kilala mo ba sya Kuya Paxton?Bakit tumigil ka sa paglalakad mo?" tanong ng isang gwapong lalaking nasa likuran ni Paxton na may katabi pang dalawang gwapo ding lalaki na ang isa dito ay wala ding emosyon akong makita sa mga mata nito. Blanko. Hindi ko agad napansin na may kasama pala si Paxton, masyado akong napatutok sa kanya. "Do you know her Igancio?" ulit na tanong nung lalaking naka harry potter na salamin na mas nakadagdag sa kagwapuhan nito. "Sort off, new found friend ng isa sa anak ni Lucifer. " malamig na sagot ni Paxton na bahagyang lumapit sa akin na parang ikinatigil ng paghinga ko. "Her name is Tanya, she's proud to introduce her first name though hindi ko nakikita na bagay 'yun sa kanya. Isang babae lang naman ang kilala ko sa pangalan na 'yan." walang emosyong pahayag nya na ikinaalis nya sa harapan ko. Nakatitig lang naman sa akin 'yung tatlong gwapong lalaki na kasama ni Paxton ng ilang minuto bago sila sumunod kay Paxton na ikinabuntong hininga ko. Pinilit kong kinalma ang sarili ko dahil sa mga sinabi ni Paxton na aaminin ko, naaapektuhan ako sa mga sinabi nya. Alam ko naman ang tinutukoy nya hindi ko lang talaga maiwasan na masaktan. "That's a harsh words right?" Agad akong napabaling sa may ari ng boses na nagsalita sa likuran ko na unti-unting ikinalaki ng mga mata ko dahil sa lalaking may malawak na ngiting nakatayo sa harapan ko. "N-noah?" tawag ko sa pangalan nya na mas ikinalawak ng ngiti nya. "Well that's my name, it's nice to meet you again Irish." Te-teka anong ginagawa nya dito tsaka bakit ganyan ang ayos nya? He's not wearing a formal suit like the others, naka pants lang sya at t-shirt na white with matching brown leather jacket na bumagay naman sa kagwapuhan nya. "Anong ginagawa mo dito tsaka what's with your outfit?" "Well, i'm invited i guess and i hate formal attire, did i answered your two questions?" ngiting sagot nya sa akin. Invited sya so, ibig sabihin business man din sya at kilala sya ng asawa ni Gail, bakit nagtaka pa ako eh mayaman naman sya at hindi talaga malabong nasa business world din sya. Nagulat lang siguro ako dahil hindi ko inaasahan na makikita ko sya dito. "I was right, maliit lang ang mundo at hindi imposibleng magkita ulit tayo and here it is." ngiting pahayag nito na bahagya kong ikinangiti. "Oo nga, hindi ko inaasahan na dito kita makikita, ulit." "So, is he the man you were referring to me? The guy that you like pero hindi makalimot sa babaeng mahal nya?" tanong ni Noah na bahagyang lumapit sa akin pero sa pwesto ni Paxton nakatingin Hindi ko inaasahan na matatandaan nya 'yung sinabi ko na 'yun. "Sya nga." "I understand that he can't forget her dead girl but showing you that rude attitude, hindi yata maganda 'yun." kumentong pahayag ni Noah na nakatingin na sa akin at wala na ang ngiti sa mga labi nya. "Ayos lang naman sa akin 'yun, kapangalan ko kasi ang babaeng mahal nya kaya sa tingin ko 'yun ang dahilan kung bakit ganun ang pakikitungo nya sa akin. Hindi ko naman man sya masisisi." ngiting pahayag ko na ikinabuntong hininga nya "Still, you don't deserve that attitude. Anyway you look beautiful in your dress now." may ngiti ng kumento nya sa ayos ko na bahagya kong ikinahiya dahil kumpara sa mga bisitang babae na naririto, wala akong panama sa kanila. "Anong maganda sa simpleng suot ko?Mas magaganda kaya sila." turo ko sa tatlong magagandang babae na nagtatawanan di kalayuan sa amin. Nakita ko ang paglingon ni Noah sa tatlong babaeng tinuro ko na bahagya nyang ikinibit balikat. "Sure they are, pero mas aangat ang ganda ng isang babaeng gusto lang maging simple." sambit nya bago binaling ang tingin sa akin. "So i must say na mas maganda ka sa kanila." Napatitig lang ako kay Noah dahil sa mga sinabi nya, pangalawang beses ko palang sya nakita, hindi ko sya ganun kakilala maliban sa dinala nya ako sa ospital at niligtas ang buhay ko. Hindi dapat ako magtiwala sa kahit na sino maliban kina Demon pero si Noah, kahit wala akong ibang alam maliban sa sya ang nagligtas at nagbayad sa bill ko sa Ospital masasabi kong mabait sya at hindi mahirap pakibagayan. "Dapat siguro magsuot ka ng salamin Noah." biro ko na bahagya nya lang ikinatawa. "I will just said that again kahit magsuot ako ng salamin, and i think you are far better that the dead one." pahayag nito na ikinakunot ng noo ko. "Tanya!!" Mabilis akong napalingon kay Blue na palapit sa pwesto ko, tumigil sya sa harapan ko at binigyan ako ng isang ngiti na hindi naman nya binibigay sa akin noon. "Andito ka lang pala, kung hindi pa sinabi ni Ruhk na nakita ka nila hindi kita mahahanap.Sa dami ng bisita nina Boss Taz mahihirapan akong mahanap ka." "Mag c-cr lang sana ako, kaya lang nakasalubong ko sina Paxton kaya nawala sa isip ko ang gagawin ko. Isa pa nakausap ko pa si No---eh? Nasaan 'yun?" Nilingon ko ang buong paligid dahil nawala bigla si Noah, hindi ko man lang naramdaman o nakita na umalis na sya. Hindi man lang sya nagsabi na umalis sya. Binalik ko ang tingin ko kay Blue para tanungin kung napansin nya si Noah pero natigilan ako dahil nakatitig lang sya sa akin. "Blue. . ." "Sa totoo lang mahihirapan ka sa gusto mong mangyari. Saksi ako kung gaano kamahal ni Paxton si Erza, pero napaisip ako sa mga sinabi mo sa bahay ko. Tama ka, gusto kong makatulog si Paxton na hindi na binabalikan ang masamang nakaraan na 'yun. Gusto ko, naming lahat na makapagsimula ng bago si Paxton. Kung sa palagay mo magagawa mo 'yun at malaki ang tiwala ni Demon na matutulungan mo si Paxton, kung ganun tutulong din ako." ngiting pahayag ni Blue na ikinatunganga ko sa kanya. "Sa totoo lang, mahirap para sa akin na makitang pinepeke ni Paxton na okay sya sa harapan naming lahat pero pagdating sa gabi ay sinasarili nya ang sakit at lungkot dahil sa nangyari sa nakaraan. Ako lang ang may alam sa pinagdadaanan nya dahil ayaw nyang maging isipin ng iba. Kung mapapalaya mo sya sa nakaraan susuportahan kita." pahayag pa nya na hindi ko mapigilang bahagyang mapaluha dahil sa narinig ko sa kanya. "Oi bakit ka naman naiiyak dyan? Wa-wala namang kaiyak-iyak sa sinabi ko ah?" natatarantang sambit ni Blue na malawak kong ikinangiti sa kanya. "Masaya lang ako dahil sa mga sinabi mo, huwag kang mag alala. Kahit alam kong mahihirapan ako sa kaibigan mo simula ngayon ay hindi ko sya susukuan. Gagawin ko lahat para mapangiti sya na hindi na naaalala ang masakit dala ng nakaraan." pahayag ko na bahagyang ikinangiti ni Blue. "Balik na tayo sa mga pwesto natin, magsisimula na ang party ni baby light tsaka kailangan mo pang mag ready sa performance natin." pahayag ni Blue na iniwas na ang tingin sa akin bago naunang naglakad. Kahit papaano ay mas lumakas ang kagustuhan ko na makapasok sa buhay ni Paxton at tulungan sya dahil narin sa sinabi ni Blue. Masaya ako na tulad ni Demon ay susuportahan ako ni Blue kay Paxton. Mabilis kong sinabayan si Blue sa paglalakad at hindi pa kami nakakalapit sa lamesa namin ng marinig ko ang boses ni Demon na may bahid ng inis at makita kong nakatayo sya sa kinauupuan ni Paxton na hindi pinapansin ang naiinis na si Demon. May ibang mga bisita na nakatingin sa kanila pero dahil sa tugtugan ay hindi sila napapansin ng iba pero sa nakikita namin ni Blue may nagaganap na problema sa pagitan ni Demon at Paxton. "Seryoso ka ba Paxton? Pagkatapos ng pagpapraktis nyo kahapon bigla ka nalang magsasabi dyan na hindi ka kakanta?!" inis na reklamo ni Demon na ikinahinto ko sa paglalakad ganun din si Blue. Nakatingin ang lahat ng nasa lamesa namin sa kanilang dalawa ganun din yung mga katabi ni Ribal at ang mga kabanda ni Blue na hindi naman nalalayo sa lamesa namin. "Hindi ka naman bingi Mondragon para hindi mo marinig ang sinabi ko diba?Wala ako sa mood kumanta at isa pa labag naman talaga sa loob ko ang gawin ang special number na 'yan." pahayag ni Paxton na prente lang na nakaupo sa kinauupuan nya. "Hindi na ako nagtataka sa ugaling 'yan ni Paxton, ano bang bago." sambit ni Sora na ikinasang ayon ng iba. "Tangna Ignacio! So ano iiwan mo sa ere si Tanya at hahayaang kumanta mag isa?Nag iisip ka ba?" may bahid ng galit sa boses ni Demon na ikinatayo ni LAY sa kinauupuan nya at tinapik si Demon. "Keep your cool Demon, hindi magugustuhan ni Boss Taz kung mag aaway kayo ni Paxton sa mismong party ni baby Light." Kahit ako ay hindi nagustuhan ang narinig ko kay Paxton, ako talaga ang dahilan kung bakit ginagawa ito ni Paxton. Ayaw nya sa akin, ayaw nya sa presensya ko. "Keep my cool LAY?! Ngayon lang ako nakakaramdam ng galit sa tangnang Ignacio na ito dahil sa rason nya. Kung ayaw mo pala nito bakit nagpraktis ka pa kahapon!" hindi mapigil na galit ni Demon kay Paxton. Gusto kong awatin si Demon pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. "Don't cuss him Mondragon or i'll beat you up!" walang emosyong banta nung lalaking kasama ni Paxton na ikinalingon ni Demon dito at akmang sasagot ng tumayo si Devil at hawakan ang kanang balikat nung kasama ni Paxton. "You don't warn my twin like that De leon not when im around." wala ding emosyong sambit ni Devil na sabay sabay ng ikinatayo ng mga kaibigan nila. "Oi oi, wag kayo dito gumawa ng kalokohan, wag dito sa espesyal na araw ni Taz." awat na sita ni Travis sa kanila "Kumalma kayo dahil nasa maling lugar kayo para mag away." awat din ni Balance "Para silang mga bata." naiiling na kumento ni Lunova "Sigurado akong mayayare tayo kay Boss Taz dahil gumagawa sila ng eksena dito, malamang damay tayo." Sergio said na ikinasang ayon ni Tad sa kanya "Pigilan nyo na ang mga 'yan hanggat may oras pa." sambit naman ni Ford sa kanila "Nakakahiya kayo, pinagtitinginan na tayo." sambit naman ni ToV na bumalik sa pagkakaupo nya at uminom ng alak sa baso nya. "Bumalik ka na sa upuan mo Trace, huwag kang mangielam dito." sambit ni Paxton sa kasama nya na inalis ang pagkakahawak ni Devil sa balikat nya at walang imik na bumalik sa isang lamesa kung nasaan nakaupo ang dalawa pa niyang kasama. "Masyado kang protective Trace pagdating kay Kuya Paxton, kalma ka lang mga kaibigan nya 'yan." "Your action is kinda OA De leon." Dahil sa akin kung bakit nagagalit si Demon kay Paxton, dahil sa akin kung bakit nagkakagulo silang magkaibigan. Tumayo si Paxton sa kinauupuan nya at hinarap si Demon na hindi parin naalis ang galit sa ekspresyon nya. Gusto ko ng pumagitna pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. "Masanay ka na, sa aming pagkakaibigan hindi maiiwasan ang ganyang pagtatalo. Magiging ayos din 'yan pag nabatukan na ang dalawang 'yan ni Boss Taz." rinig kong sambit ni Blue sa akin. "Listen Mondragon II, unang una ikaw ang nagtaas ng kamay ko para gawin ang bagay na ito na from the first place ay hindi naman ako sang ayon. Pangalawa, wala akong balak sumulpot sa praktis nyo kahapon kung hindi lang ako binitbit ng dalawang butler nina Fritz at Amadeus. Pangatlo, may batas ang pilipinas na hindi mo kailangang pwersahin ang isang tao na gawin ang ayaw naman nyang gawin tama ba, Attorney Valenzuela?" pahayag ni Paxton at baling na tanong nya kay ToV na natigil sa pag inom na nilingon si Paxton. "Somehow, he's correct." sagot ni ToV na ikinangisi ni Paxton na nilingon ulit si Demon. "See, hindi mo dapat ako pinipilit sa ayaw ko Mondragon II. It's against the law." Kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Demon na bago pa nya gawin ang naiisip ko ay pinilit kong ihakbang ang mga paa ko at agad tinungo ang pwesto ni Demon at hinawakan ang kanang braso nya na ikinalingon nilang lahat sa akin, na ikinalingon nya sa akin. "It's okay Demon, kaya ko namang kantahin 'yun ng ako lang." pahayag ko kay Demon na ikinalingon,nya sa akin. "Alam kong kaya mong kantahin 'yun ng ikaw lang at alam kong gusto mo ang tangnang kaibigan ko kaya hinahayaan mo na gawin nya ito sayo pero Tanya wala sa lugar ang gagong 'to para gawin ang bagay na 'to." galit na sambit sa akin ni Demon na ikinangiti ko nalang sa kanya na bahagya nyang ikinatigil. "Alam ko Demon, alam ko na ginagawa lang nya ito dahil ayaw nya sa akin. Hayaan nalang natin sya tutal naman hindi ito ang magiging dahilan para pigilan nya kung anong nararamdaman ko sa kanya." pahayag ko na ikinalingon ko kay Paxton na walang emosyong nakatingin sa akin. "Ayos lang na pakitaan mo ko ng ganyang pag uugali pero sinasabi ko sayo Paxton kahit ilang beses mong gawin 'yan hindi mo ko mapipigilan na magustuhan ka. Gawin mo lang ang gusto mo at gagawin ko ang gusto ko." pahayag ko sa kanya na ikinaungos nya lang at walang imik na bumalik sa pagkakaupo nya. Nakatingin lang sa akin ang ibang mga kaibigan ni Paxton ganun din sina Sora na kita kong ikinangiti nalang nila. Bumalik na din sila sa pagkakaupo nila ganun din si Devil samantalang si Demon ay pilit kinakalma ang sarili. "Masyado mong iniispoil ang gago kong kaibigan Tanya." mahinang sambit ni Demon sa akin na ikinangiti ko nalang sa kanya. "As i told you, ayos lang 'yun." "Fine, do your way pero pag nakita kong inaabuso ni Paxton ang kabaitan mo, don't blame me pag sinuntok ko ang isang 'yan. Baka sakaling magising pag ginawa ko 'yun." kalmado ng pahayag ni Demon na bumalik na sa upuan nya katabi si Paxton na hindi nito pinansin. Bumalik narin ako sa upuan ko at alam kong nakatingin lang sa akin si Mel, hindi 'yan magtatanong ngayon pero i'm sure pag uwi namin sa bahay marami na 'yang nakaabang na tanong sa lahat ng nasasaksihan nya. "I salute you for what you said, you gain my support back there." sambit sa akin ni Lunova na bahagya kong ikinangiti. Nakuha lang ang atensyon naming lahat ng mawala ang tugtugan at dumating sina Taz at Gail kasama ang isang batang lalaki na hawak hawak ni Gail na makikita talagang kamukha ni Taz at isang baby na karga-karga ni Taz na sabay-sabay na ikinapalakpak ng lahat. "Thank you all for coming to my princess baby shower party that my lovely wife doesn't want to held but i did my best to make her agree with this." seryosong pahayag ni Taz na ikinatawa ng lahat ng makita nilang bahagyang hinampas ni Gail ang kanyang asawa. How cute family. "I hope you do enjoy my Light's party." "Salamat sa lahat ng nagpunta sa espesyal na araw na ito para sa amin ng asawa ko, sa mga nakakasama nya sa negosyo ganun din sa mga kaibigan nya. Maraming salamat sa suporta nyo, at bago ang lahat masaya ako na pinaunlakan ako ng isang bago kong kaibigan na kantahan ang aming prinsesa kasama ng isa sa malapit na kaibigan ni Taz. Bigyan natin ng malakas na palakpakan si Ms. Tanya and Mr. Paxton Ignacio." ngiting pahayag ni Gail bago umalis sa pwesto nila. Pumunta naman na agad ang mga kabanda ni Blue sa platform kung nasaan ang mga instrumento na gagamitin nila at ngayon nga na sinabi ni Paxton na hindi nya gagawin ang pagkanta kasama ko ay huminga ako ng malalim bago tumayo sa kinauupuan ko na alam ko na nasa akin ang tingin ng lahat. Naririnig ko ang mga palakpakan nila kaya humakbang na ako palapit kina Blue at nakita ko ang pagkalito sa mukha ni Gail ng mapansin nyang hindi kumikilos si Paxton sa kinauupuan nya. Ready na sina Blue at bahagyang nagbulungan ang mga bisita dahil ako lang ang nakikita nila sa harapan at wala ang isang pangalan na tinawag ni Gail. Ang totoo nyan nakakaramdam ako ng hiya at lungkot pero dapat kayanin ko at ipakita ko kina Demon na tulad ng sinabi ko kanina ay kaya ko kahit ako lang ang tatayo sa unahan at kakanta. Huminga ako ng malalim ng mag umpisa ng tumugtog sina Blue. Sabi nila Balang araw darating ang iyong tanging hinihiling At nung dumating Dinala ko ang mga mata ko kay Paxton na tanging likod nya lang aking nakikita, hindi man lang sya nag abalang tumingin sa unahan. Mahirap nga ang gusto kong gawin pero dahil sa nararamdaman ko sa kanya, dahil sa pagmamahal na bigla nalang umusbong sa puso ko para sa kanya kahit mahirap sa tingin ko ay kakayanin ko. Kakayanin ko magawa ko lang na alisin ka sa sakit at kalungkutan na ayaw mong bitawan. Pumikit ako at inihanda ang sarili ko dahil itong part na ito ay dapat sa kanya. dapat kasama ko sya dito pero tulad ng sinabi nya kay Demon, hindi dapat pinipilit ang isang bagay na napipilitan lang syang gawin. Magsisimula na sana akong kantahin ang ikalawang stanza ng hindi ko 'yun nagawa ng may isang magandang boses na kumanta na agad kong ikinalingon kay Nicollo na kinanta ang dapat kay Paxton habang tumutugtog ng keyboard. Narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga bisita dahil sa pagkanta ni Nicollo, nakatingin lang ako sa kanya ng ibaling nya ang tingin nya sa akin at bahagya akong ngitian na parang sinasabi nya na, 'I can sing too.' He's trying to saved me by singing with me na ikinalawak ng ngiti ko at hindi ko mapigilan na ma-teary eye sa ginawa nya. Kaya pagdating sa chorus sinabayan ko na sya. Ibinalik ko ang tingin ko sa unahan at hindi ko maiwasan na mapalingon kay Paxton dahil ngayon ay nakaharap na sya sa unahan at may bahagyang gulat na nakatingin kay Nicollo. Ngayon alam ko na, gusto nyang makaramdam ako ng kahihiyan dahil sa pag iwan nya sa akin sa special number na ito at hindi nya inaasahan na si Nicollo ang kukuha ng part nya. Ito ba ang isa sa paraan nya para i-reject ako? Mas malakas na palakpakan ang ibinigay sa amin ng mga bisita ni Gail, matapos bitawan ang mga instrumento ay isa-isang lumapit sa akin sin Blue para samahan ako sa unahan. "That's a kind act Nicollo, nagmukha kang Knight and shinning armor." sambit ni Tenth kay Nicollo na tumabi sa akin. "I feel like singing kaya sinabayan ko na, isa pa, it's not good to see my fan to sing by herself." ngiting sambit ni Nicollo na binalingan ako ng tingin na naluluhang ikinayuko ko ng maramdaman ko ang isa presensya na tumabi din sa akin. "Umpisa palang 'to sa pag reject ni Paxton sa'yo, but i hope hindi ka sumuko." Tuluyan na akong napaluha sa sinabi ni Blue. Sabay-sabay kaming yumuko bago umalis sa platform at palitan kami ng emcee. Hindi muna ako dumeretso sa lamesa namin dahil ayokong makita nila akong umiyak dahil sa nangyari. Dere-deretso akong naglakad para sana pumunta sa restroom ng may biglang humawak sa braso ko at dere-deretso akong hinila palabas ng mansyon nina Taz at tumigil kami sa isang black sedan na kotse. "Mahirap pigilan ang mga luha, they will continue to flow in your eyes kaya this is a good place to cry. Tatalikod ako para hindi ko makita." Dahan-dahan kong nilingon si Noah na nakatalikod na sa akin, at tulad ng sinabi nya hindi ko na napigilan ang mas pagbuhos ng mga luha ko. Umiyak ako sa kanya, ipinatong ko ang noo ko sa likuran nya at doon ko mas ibinuhos lahat ng luha ko. Masakit pero kailangan kong tiisin, kailangan kong lagpasan. Hindi ko alam kung ilang pag iyak ang gagawin ko dahil kay Paxton pero kakayanin ko para lang matulungan sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD