"Ignored by the person you love? there will be a person who will saved you that you did'nt expect."
CHAPTER 15
-IRISH P.O.V-
"Wow?!! Ang laki ng bahay?!!Ang gaganda ng mga dumadating na sasakyan! OMG! Talaga bang invited ka sa ganitong ka gandang party ha Tanya?!"
Pilit kong pinapakalma si Mel sa nagiging reaksyon nya sa mga nakikita nya, hinihigit ko na ang braso nya para tumigil na sya kaya lang talaga knowing of Mel talagang hindi matitigil ang pagsasalita nya lalo na at namamangha sya sa mga nakikita nya. Nakakahiya dahil pinagtitinginan kami ng mga taong dumadating sa bahay nina Taz. Nag commute lang kami papunta dito sa village nina Gail dahil ayoko rin naman maabala pa si Demon dahil lang sa pagsundo sa amin.
Hindi talaga maipagkakaila na kilalang business magnet ang asawa ni Gail dahil sa dami ng bisita na nila na sa tingin ko ay nasa business world din. Nakakahiyang pumasok lalo na at nakikita namim kung gaano kagaganda ang mga suot nila, simpleng dress lang naman kasi ang suot namin ni Mel.
"Tanya hindi mo ko jino-joke time nung sabihin mo sa akin kahapon na narito din sa party na ito si Tenth diba?" na eexcite na tanong sa akin ni Mel na niyuyugyog pa ako.
Si Tenth talaga ang dahilan kung bakit napapayag ko syang samahan ako dito sa party nina Gail, at ito rin ang dahilan para hindi ako isumbong ni Mel kay Kuya Orlin na nasa Nueva Ecija ngayon.
"Paghanga lang ba talaga ang meron ka kay Tenth ng Eastern o iba na yan?Paano si Kuya Orlin?" pagbibirong akusa ko kay Mel na ikinabitaw nya sa akin at bahagya nyang ikinanguso.
"Huwag mo naman pagdudahan ang pagmamahal ko sa Kuya mo Tanya, mababaw lang ang nararamdaman ko kay Tenth kumpara sa nararamdaman ko sa Kuya mo."
Bahagya akong natawa sa pagtatanggol ni Mel sa feelings nya kay Kuya, alam ko naman 'yun pero ang cute lang talagang asarin ni Mel. Bigla ko tuloy naisip ang rason na sinabi ni Kuya sa akin kung bakit hindi nya pwedeng mahalin si Mel. May nararamdaman sila sa isa't-isa at si Kuya pinipigilan nya lang ang kanyang sarili.
"Teka maiba tayo ng usapan Tanya, paano mo nakilala ang kilalang mayaman na business man na si Mr.Westaria at naimbitahan ka pa dito sa baby shower ng anak nya at kakanta ka pa talaga." pahayag ni Mel na ikinasukbit ko aa braso nya at matamis syang nginitian.
"Si Demon ang nagpakilala sa akin sa mga kaibigan nya, mababait sila kahit kilala sa lipunan. Makikilala mo din sila and i'm sure magugustuhan mo si Gail."
"Sino naman ang Gail na tinutukoy mo?"
Hindi ko nasagot ang tanong ni Mel ng may bumusina sa amin na agad naming ikinagilid ni Mel. Tumigil sa tabi namin ang isang itim na kotse na binusinahan kami at lumabas doon ang isang lalaking sinamaan agad kami ng tingin.
"Don't you know na daanan ng sasakyan ang kinatatayuan nyo?Hindi naman siguro kayo bisita ni Mr. Westaria dahil, well. . " sambit nito bago kami tiningnan ng parang minamaliit kami ni Mel.
". . .both of you looks normal and plain woman. Namamalimos ba kayo?"
"Tanya pigilan mo ko baka bigyan ko ng isang sapak ang mayabang na 'yan." nagpipigil na inis na bulong sa akin ni Mel na ikinalingon ko sa lalaking deretsuhan kung maliitin kami.
Hindi talaga mawawala sa mga mayayaman ang pagiging matapobre, na kinukutya ang tulad naming normal na tao lang. Ayoko rin sa ganitong tao pero baka isa sya sa bisita ni Taz at ayoko namang masira ko ang party na inihanda nila para sa anak nila ni Gail .
"Pasensy----"
"That's not the good way to treat a woman Mr. Dimaano, baka nakakalimutan mo na galing ka lang din sa putikan na nakahaon ng kaunti kaya wag kang magmayabang."
Sabay sabay kaming napalingon kay Demon na sa tingin ko ay kalalabas lang ng kotse nya at masamang tingin ang pinupukol sa lalaking tinawag nyang Mr. Dimaano. Napalingon naman ako kay Devil na lumabas din ito sa kotse ni Demon at walang emosyon na nilingon ang lalaking mayabang na sinungitan kami.
"We can ruin your company Mr. Dimaano if we want, you got a wrong person to show off your f*cking attitude." malamig na banta ni Devil na ikinatikhim nung mayabang na lalaki na inayos ang sarili at akmang sasakay na muli sa kotse nya ng mabilis na naglakad palapit sa kanya si Demon at hinawakan ito sa balikat nito na ikinatigil nito sa pagsakay sa kotse nito.
"Mr. Mondra----"
"You awe an apologize this two lady Mr.Dimaano, hindi naman nakakabawas ng kaunting yaman mo kung hihingi ka ng sorry sa kanila diba?" seryosong pahayag ni Demon na mukhang natakot sa banta nung kambal kaya yung mayabang na awra na pinakita nya sa amin ni Mel ay nawala.Humarap ito sa amin ni Mel at agad na yumuko na bahagya kong ikinagulat.
"So-sorry for being rude, again i'm sorry." sambit nito na agad sumakay sa kotse nya at ipinasok na ito sa loob ng gate nina Gail.
"Hindi nyo na dapat tinakot 'yung mayabang na lalaking 'yun." sambit ko kina Demon na nakasimangot na ikinaharap ni Mel sa akin.
"Ano ka ba Tanya, tama lang 'yun sa mayabang na 'yun noh! Akala mo kung sinong mang alipusta!"
"Kanina pa ba kayo dito?Bakit hindi pa kayo pumasok sa loob, i'm sure kanina ka pa hinihintay ni Gail." ngiting sambit ni Demon sa akin na bahagya kong ikinahiya.
"Nakakahiya kasing pumasok sa loob Demon, ang gaganda ng mga dumadating sa loob samantalang kami. . ."
"Simplicity is more beautiful than those women who makes their look so pathetic. Your looks are more than okay than them." seryosong pahayag ni Devil sa akin na sa totoo lang ay ikinasaya ng puso ko.
"See, si kambal na ang nagsabi kaya hindi mo dapat ikahiya ang ganda mo lil'sis. Minsan lang magsalita ng encouraging words si Devil kaya--Damn!Twinnie hindi ko nairecord 'yun!" nanghihinayang na sambit ni Demon na nilingon si Devil na binigyan lang ang kambal nya ng poker face look.
"f*ck you Denver!" mura ni Devil kay Demon bago ito pumasok sa loob ng kotse na rinig kong bahagyang ikinatawa ni Demon.
"Oy Tanya, huwag mong kalimutan na kasama mo ako at nasa tabi mo lang ako." bulong sa akin ni Mel na ngiting ikinalingon ko sa kanya.
"Anyway, sumabay na kayo sa amin ni Kambal sa pagpasok sa loob. We don't mind don't worry." ngiting suhestiyon ni Demon na hindi ko na tinanggihan dahil knowing of this man, hindi sya papayag na hindi magawa ang gusto niya.
Sumakay na kami ni Mel sa bandang likuran ng kotse ni Demon at pinaandar na nya ito papasok sa loob ng gate ng mansyon nina Gail. Ang dami na palang tao, hindi ko mapigilang mahiya sa ayos ko pero pag naiisip ko ang mga sinabi ni Devil sa akin lumalakas ang loob ko.
"Let's enjoy this party Tanya and you too Tanya's friend right?" sambit ni Demon na sa rear mirror nakatingin sa amin na agad ikinatango ni Mel.
"O-oo tama, e-enjoy lang hehehehe"
Gusto kong matawa sa itsura ni Mel kaya lang ayokong mahampas nya dahil sa pinagtatawanan ko sya.
Itinigil na ni Demon ang kotse nya ng makapasok na ito sa loob ng gate nina Gail, sabay silang lumabas ni Devil sa kotse at akmang susunod kami ng hilahin ako palapit ni Mel sa kanya.
"Alam mo bang nagulat ako dahil may kambal pala ang Demon na naghatid sayo sa amin ni Kuya Tomi nung nasa Sky Garden tayo. Ngayong parehas na mukha ang nakikita ko mas napapansin ko ang napansin ko sa kanya noon." pahayag ni Mel na ikinakunot ng noo ko.
"Ano bang napansin mo ang sinasabi mo?"
"Kasi Tan----"
Hindi natuloy ni Mel ang sasabihin nya ng magbukas ang pintuan malapit sa kanya at bahagya nyang ikinagitla ng sumilip si Demon sa amin.
"Hindi pa ba kayo bababa?Papasok na tayo sa loob." pahayag ni Demon na walang salitang agad na ikinalabas ni Mel sa kotse na bahagya kong ikinatawa, Si Mel talaga. Lumabas na din ako sa kotse at huminga ng malalim bago kami sumunod ni Mel kina Demon at Devil na naglalakad na papasok sa loob ng malaking mansyon nina Gail.
Bigla akong kinabahan, nasa loob na kaya si Paxton? Hindi ko alam kung magagawa kong makakanta ng ayos mamaya hindi dahil sa madami ang tao dahil kahit papaano ay nasanay ako na may nanonood sa akin pag kumakanta ako kundi dahil mapapalapit na naman ako kay Paxton. Hindi ko alam kung makokontrol ko pa ang kaba ko tulad kahapon sa praktis namin. Isa pa, kagabi bago ako matulog sa mga sinabi ko kay Blue, may nabuo akong desisyon sa isipan ko na paninindigan ko.
Napalingon ako kay Mel ng hinawakan nya ang kamay ko habang lumilingon sa paligid ng mansyon nina Gail.
"Grabe! hindi lang sa labas malaki ang bahay na ito pati sa loob malawak din at malaki." humahangang kumento ni Mel na hindi ko na lang pinansin.
"Naandon na pala silang lahat sa pupwestuhan natin Tanya, pero may isa pang kulang." pahayag ni Demon sa akin na ikinalingon ko sa isang malaking mesa malapit sa maliit na stage.
Nakita ko doon ang mga kaibigan ni Demon at ilan dito ay ang mga asawa ng ilan sa mga kaibigan ni Demon na nakikaka ko na. I think mga anak nila ang kasama nila at kalong kalong nila.Nasa lamesang 'yun ang lahat ng kaibigan ni Demon maliban kay Blue at sya. Wala pa ba sya dito?
Nakalapit na kami sa mga kaibigan ni Demon na binati ako at si Mel na mukhang na star struck sa mga gwapong kaibigan ni Demon. Ang gwapo kasi nilang lahat sa suot nila. Magkatabi kaming naupo ni Mel at nakatabi ko si Lunova na tinanguan ako na ginantihan ko ng ngiti. Si Demon at Devil naman ay naupo malapit sa tabi nina Tad at ToV na inalok agad ng alak yung kambal na hindi naman tinanggihan ni Demon.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid ng mansyon, sobrang dami ng bisita nina Gail at hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa isang malaking lamesa di kalayuan sa amin kung saan may nakaupong anim na mga lalaking hindi nalalayo ng kagwapuhan kina Demon at natatandaan ko ang isa sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali Ribal ang pangalan nya. Mukhang hindi nya kasama ang nobya nya na si Yshara.
"Gusto kong lapitan ang mga tang'nang 'yun sa kabilang mesa pero naalala ko na makikita ko din naman sila next week so dedmahin ko muna sila." rinig kong sambit ni Demon na ikinalingon ko sa kanya.
Mukhang kilala nya ang mga kasamahan ni Ribal sa kabilang lamesa.
Napabaling nalang ako kay Mel ng kuhitin nya ako at bahagya pang lumapit sa akin habang ang mga mata nya ay nakatingin sa mag-asawang sina Sergio at Therice.
"Tama naman ang nakikita ko diba Tanya?Ang top model in Asia na si Sergio Fritz at ang asawa nyang model din na si Therice Carvajal ang kasama nating nakaupo sa lamesang ito diba?" bulong na pahayag nya na hindi makapaniwalang binaling ang tingin sa akin.
"Kasama din natin sa lamesang ito si Ruana Castillione at si Shawn Torres, I can't believe this Tanya."
"Don't worry Mel, ganyan din reaksyon ko nung nakita ko sila." ngiting sambit ko kay Mel
"Were happy to see you again Tanya, and as well sa kaibigan mo. nice to meet you," ngiting bati ni Sora kay Mel na nahihiyang nginitian lang sina Sora.
I'm sure pag uwi namin ay marami ng ibabatong tanong sa akin si Mel.
"Malapit ng mag umpisa ang party ni Light pero bakit wala pa dito ang isa nyong kaibigan na mahilig kidnapin si Knight?" takang tanong ni Sora na ikinaakbay ni Ford sa kanya.
"Naandyan lang si Ignacio wife, miya-miya susulpot na 'yun dito."
"I can't believe that Ignacio will be late at this special event for Boss Taz and Gail. I assume that he will go here first." pahayag ni LAY na ngising tinapik ni ToV na ikinalingon nito dito.
"Nagtatago lang 'yun LAY or he's hiding to Tanya." sambit nito na sabay-sabay nilang ikinalingon sa akin pati si Mel nakilingon din.
"Bakit naman sya magtatago kay Tanya?Para namang kakainin sya ng buhay ni Tanya para pagtaguan nya." pahayag ni Sora na ikinakumento naman ni Balance sa kanya.
"We all know Sora kung anong rason ni Paxton but i'm sure he's not hiding."
Tuloy-tuloy lang na nag usap patungkol kay Paxton ang mga kaibigan ni Demon nang kunin ni Mel ang atensyon ko na mukhang hindi nya na paabutin ng pag uwi sa bahay ang mga tanong nya.
"Sino si Paxton na tinutukoy nila ha Tanya?" bulong na tanong ni Mel sa akin na bahagya kong ikinangiti.
"The guy that i've been searching for a long time, kaibigan sya nina Demon Mel." sagot ko na ikinalaki ng mga mata ni Mel and she even mouthed me the word 'What!' na ikinangiti ko lang sa kanya.
Magtatanong pa sana si Mel sa akin ng makita namin na bahagyang nagtayuan ang ilan sa mga bisita na ikinakuha ng atensyon naming lahat lalo na ng sabay-sabay naming makitang maglakad papasok sina Blue kasama ang mga ka banda nya na kita kong ikinakinang ng mata ni Mel lalo na at nakatuon ang mga mata nya kay Tenth na kumakaway sa mga bisita. Umupo sila sa isang lamesa na para sa banda nila, si Blue ay hindi naman naupo agad sa tabi ng mga kabanda nya dahil naglakad ito palapit sa pwesto namin.
"Hi guys! Huwag nyo muna akong mamiss ha, sa piling muna ako ng mga kabanda ko." ngiting pahayag ni Blue na ikina okay sign ni Demon.
"Huwag kang mag alala Ynarez, kahit isang linggo ka muna sa mga kabanda mo okay lang sa amin."
"Asus ang baby Demon ko, alam ko naman na sinasabi mo lang yan pero deep inside gusto mo kong makatabi same as you baby Dev--Enjoy guys, palakpakan nyo nalang kami mamaya sa performance namin, later Tanya." pahayag ni Blue na mabilis na bumalik sa mga kasama nya na ikinakunot noong ikinalingon ko kay Devil at Demon na may hawak na bread knife na sabay pa nilang ibinaba.
"Minsan lang kayong lambingin ni Ynarez ayaw nyo pang pagbigyan." ngising sambit ni Travis kina Demon na parehas nilang sinamaan ng tingin.
"Okay lang ang mang asar Amadeus pero calling us by that f*cking baby eanderment talaga namang ipadadala ko kay Lucifer ang asul na 'yan!" inis na reklamo ni Demon na lihim kong ikinangiti.
"I'll sure to hit his head later." seryosong banta naman ni Devil na ikinasang ayon naman ni Demon.