"You will never notice that the beat of your heart may change when you hold hands and you feel that you don't want to let it go, but still you're mind win." -Rhen A. CHAPTER 17 -IRISH P.O.V- Nakatayo kami ngayon ni Paxton sa tapat ng Manila Zoo habang karga-karga nya si Knight at tinitingnan namin lahat ng mga taong pumapasok sa loob ng Zoo. Pagkababa ko nga sa kotse nya at makita ang gate ng Zoo ay napatunganga ako sa gulat dahil sa dami ng mga taong nakapila para makapasok sa Zoo kasama ang mga anak nila, yung iba magkakaibigan at magkakapamilya. Hindi ko akalain na matao ngayon ang Manila Zoo at talagang dinumog ngayon. Sa dami ng nakapila baka hindi agad kami makapasok sa loob. "Too crowded kabalyero retreat tayo, may iba ka pa bang gustong puntahan?" rinig kong tanong ni Paxton ka