Lahat ay napatingin dahil sa isang boses na umalingawngaw sa bawat sulok ng bulwagan at lahat sila ay bumagsak ang tingin sa isang lalaki mula sa East bound na nakatayo at ginugulo ang buhok nito na parang batang nagmamaktol. "Sinapian ka na naman ng kabaliwan mo Davidson, maupo ka na sa upuan mo kung ayaw mong ipatapon ka ni Emp. sa labas ng bulwagan na ito." rinig nilang sermon ng lalaking katabi ng nagrereklamong lalaki na parang batang ikinalapit nito sa lalaking nasa unahan nila na kung di nagkakamali sina Paxton ay ito ang Emperor ng East bound dahil nakaupo ito sa isang upuan na katulad ng inuupuan ni Taz at ng dalawa pang Emperor. "Emp, pwede ba akong makipag kamustahan sa ibang member ng ibang bound? Wala pa naman ang anim na founders." paalam ng nagrereklamong lalaki sa Emperor