Naguguluhang tinitigan ni Irish ang cellphone nya matapo mawala sa kabilang linya si Noah. Hindi nya lubusang maintindihan kung anong gustong sabihin ng binata sa kanya. Nagkibit balikat na lamang sya sa mga sinabi ni Noah nang maalala nyang tawagan si Mel na baka nag aalala na sa kanya dahil gabi na ay di pa sya umuuwi at may bagyo pang darating. Agad dinial ni Irish ang numero ng kaibigan habang naririnig nya ang pagtatalo nina Maki at Ruhk. "Ang lakas mong ipusta ang town house mo sa Maldives pero wala kang pambili ng kutson? Kahit singko ba talaga wala ka ng madudukot dyan sa bulsa mo ha?" "Nagtitipid ako Laochecko, im saving my money for my future with Liana." "Huh! Langya Verchez, barya lang sayo ang pagbili ng kutson kukuriputan mo pa ako?Alangan namang magtiyaga tayong matulog d