"You didn't realize that even you decline that your worried just remember, ACTION SPEAK LOUDER THAN WORDS." -RHEN A. Chapter 22 -THIRD PERSON P.O.V- Ibinaba ni Paxton ang isang basong tubig sa harapan ni Irish bago sya umupo sa mahabang sofa di kalayuan sa dalaga. Buntong hininga syang sumandal sa pagkakaupo nya at tinapunan ng tingin si Irish na nakayuko lang at walang imik mula sa byahe nila pabalik sa bahay nya. Naisip ni Paxton na iuwi nalang si Irish sa bahay nito pero hindi na naman nasunod ang naiisip nya dahil idineretso nya ito pauwi sa bahay nya. Naguguluhan si Paxton sa inaakto nya sa dalaga, noong una nagagawa nya itong ipagtabuyan pero nagtataka na sya sa kanyang sarili kung bakit parang nag iiba na ang gusto nyang ipakita sa dalaga. Nakaramdam talaga ng kaba si Paxton ng