Nasa tapat lang ako ng gate namin habang kausap si Kuya, marami pa syang binilin na pinakinggan ko bago sya nag paalam dahil may gagawin na daw sya. Tatawag nalang daw ulit sya pag may time sya. Ngayon palang humihingi na ako ng sorry kay Kuya dahil hindi ko masyadong natutupad ang mga ilan sa mga bilin nya. Lumabas na ako sa gate at nag abang ng masasakyan, at ng may dumaan na taxi ay agad ko itong pinara at at sumakay na ako ng tumigil ito. Agad ko sinabi sa driver kung saan ako dadalhin kaya agad na din syang umalis. Kinuha ko ang cellphone ko at naisipan kong idial ang number ni Noah, hindi ako masyado nakahingi ng sorry sa kanya dahil tinawagan ko sya para humingi ng favor na hindi naman natuloy. Nakakahiya kasi baka naabala ko sya nung tinawagan ko, Kaya lang out of reach naman sya