-THIRD PERSON P.O.V-
"TANYA!!"
Hinihingal at may namumuong mga pawis ang makikita sa mukha ni Paxton matapos syang mapabangon sa kanyang pagkakahiga. Sunod sunod na mura ang inilabas ng kanyang mga labi bago mabilis na umalis ng kanyang kama at agad dumeretso sa kanyang banyo at naghilamos.
"DAMN! F*CK IT!"
Gabi-gabi nalang dinadalaw ng masamang panaginip si Paxton, masamang panaginip kung saan dinadala sya nito sa panahon kung saan nakikita nya kung paano saktan, pahirapan at babuyin ang babaeng pinakamamahal nya. Gabi gabi syang dinadalaw ni Tanya sa kanyang panaginip na humihingi ng tulong at umiiyak na kahit matagal ng nangyari ay dumudurog parin sa puso ni Paxton.
Walang emosyong tinitigan ni Paxton ang kanyang sarili sa salamin habang inaalala ang mga napanaginipan nya. Ikinuyom ni Paxton ang dalawa nyang kamay habang binabalikan ang panaginip nya kung saan nakikita nya ang mukha ng kanyang mahal na nahihirapan at nasasaktan. His dreams of her beloved Tanya reminds him na hindi pa nya nakukuha ang hustisya para sa nobya. Yes, Siderio Natividad was long gone and all the man's that raped her Tanya pero hindi lahat. Tandang-tanda parin ni Paxton ang natitirang lalaki na lumapastangan sa mahal nya na hanggang ngayon ay hindi nya mahanap. Napatay nya lahat ng mga lalaking naging dahilan para mawala si Tanya sa kanya pero hindi lahat. Kahit nahihirapan si Paxton na panuorin ang video na nakuha nina Levi noon ay kinaya nya para tandaang mabuti ang natitirang lalaki na nagpahirap sa Tanya nya na malayang nakakagalaw sa labas at hindi ponagbabayaran ang ginawa sa mahal nya.
"I will hunt you down!Kahit saang sulok ka ng mundong ito magtago, hahanapin at hahanapin kita. I will kill you mercilessly, hinid ako titigil hanggat hindi kita napapatay." walang emosyon na pahayag ni Paxton pero visible sa tinig nya ang sobra nyang galit para sa natitirang lalaking gumahasa sa nobya nya.
Hindi pinapaalam ni Paxton sa mga kaibigan nya ang gabi gabi nyang pananaginip kay Tanya, ayaw nyang ipalaam sa mga ito na hindi parin sya bumibitaw sa nangyari ilang taon na ang nakalipas. Gusto nya ang makuha ang hustisya sa sarili nyang kamay ng hindi malalaman ng Phantoms lalo na ni Taz na alam nyang unang tututol sa gusto nyang mangyari.
Natigilan si Paxton at napalingon sa labas ng kanyang banyo ng may sunod-sunod na busina syang narinig mula sa bahay nya na ikinasalubong ng kilay nya. Lumabas sya ng banyo at naglakad sa bintana ng kwarto nya para silipin ang taong alam nyang iistorbo na naman sa kanya.
Nang makita ang istorbo sa mga gabi nya ay napapailing sya sa kanyang sarili habang iniwawagayway ng bisita nya ang dala nitong alak dahil nakita agad sya nitong nakasilip sa bintana nya.
"Kahit kailan istorbo ang isang 'to!" naiiling na lumabas si Paxton sa kwarto nya at dumeretso sya palabas ng bahay nya para puntahan ang maingay nyang bisita na buti nalang ay hindi sinisigawan ng mga kapitbahay nya dahil gabi-gabi itong bumubusina sa harapan ng bahay nya.
"Gago ka talaga kahit kailan Ynarez!Baka hindi ka marunong tumungin ng orasan at ang kapal ng mukha mong mag iingay sa harapan ng bahay ko." sita ni Paxton kay Blue na nakangiting nakasandal sa kotse nya.
"Grabe ka Paxton hindi ka na nasanay sa ganitong oras na waking up call ko sayo. Goodmorning pala."
"Gago!"
Nakisandal si Paxton sa kotse ni Blue ng ilang minuto silang walang imik sa isa't'isa bago basagin ni Blue ang katahimikan na namamayani sa pagitan nila.
"Napanaginipan mo na naman noh?"
"Ano bang bago?Parang wala kang alam na tangna ka." pahayag lang ni Paxton na ikinalingon ni Blue sa kanya.
Sa lahat ng Phantoms tanging si Blue lang ang nakakaalam ng gabi-gabi nyang pananaginip kay Tanya at sa nangyari dito. Alam ni Blue na nagigising sya sa ganitong oras at hindi na nakakatulog kaya gabi-gabi itong bumubusina sa harapan ng bahay nya. Hindi naman expected ni Paxton na malalaman ni Blue na lagi syang nananaginip sa nangyari noon kay Tanya kaya nakiusap sya dito na ilihim sa iba ang nalaman lalo na kay Taz.
"Nahanap mo na ba sya?" tanong ni Blue na na naging dahilan para magtagis ang bagang ni Paxton at muling mawalan ng emosyon ang mga mata nito.
"Not yet pero hindi ako tumitigil hanggat hindi ko nakikita ang p**ng **a lalaking yun na malayang nakakagalaw matapos ng nagawa nya kay Tanya." sagot ni Paxton na naiiling na ikinaalis ng tingin ni Blue sa kanya.
"Kaya ka hindi nakakatulog ng ayos dahil hinahawakan mo parin ang nakaraan eh. Patahimikin mo na si Tanya dude." pahayag ni Blue na ikinayuko ni Paxton
"How can i forgot her Ynarez?Kung tuwing gabi ang umiiyak nyang mukha ang nakikita ko. Kung sa tuwing pipikit ako ang nangyari sa kanya ang naalala ko. Na sa tuwing gigising ako nararamdaman ko agad ang pangungulila ko sa mahal ko. F*ck Ynarez! i missed her so much, i missed my Tanya sa damn much!" paglalabas ng nararamdaman ni Paxton na ikinabuntong hininga ni Blue
Nararamdaman ni Blue ang sakit na nararamdaman ni Paxton, Alam nya na kahit matagal ng nangyari ang mga panaginip ni Paxton ay nahihirapan parin itong bitawan ang nakaraan lalo na si Tanya. Saksi si Blue noon sa kung paano mahalin at ingatan ni Paxton si Tanya ng nabubuhay pa ito.
"Pakawalan mo na kasi si Tanya para maka moved on ka din." payo ni Blue na ikinatunghay ni Paxton kasabay ng pag iling nito sa kaibigan
"I can't do that! Pagawa mo na lahat Ynarez pero ang sabihin mong kalimutan ko si Tanya hindi ko gagawin yan. Kahit wala na si Tanya buhay parin sya sa puso at isipan ko kaya huwag mo na ulit sasabihin sa akin na pakawalan sya. Papahabol kita sa bala ng mga baril ko." pahayag ni Paxton na ikinabuntong hininga ni Blue
"Tsk! Isa pa Asul pwede ba tigil tigilan mo na ang pagbusina sa harapan ng bahay ko dis oras ng gabi!Langya ka pag nagreklamo sa akin ang mga kapitbahay ko ipapadisband ko ang banda mong tangna ka." sita ni Paxton sa kaibigan na ikinalingon nito sa kanya.
"Gago!Titigil ako sa pagbusina sa harapan ng bahay mo kung titigil ka na din sa pananaginip mo tungkol sa kanya. Aba napupuyat din ako, may mga gigs pa ako at practice pero dahil love kita pinupuntaha kita dito at baka bigla mo nalang maisipan na sundan si Tanya." pahayag ni Blue na ikinatahimik ni Paxton.
Inialis ni Paxton ang tingin sa kaibigan at tumingala sa kalangitan na ginaya naman ni Blue.
"There are times Ynarez na gusto kong gawin ang naiisip mo. I want to hang myself para makita at makasama ko na ulit si Tanya. God knows how much i wanted to be with her again." sambit ni Paxton na agad ibinaba ang tingin kay Blue na tinatapik ang balikat nya.
"Isa kang malaking G! kung gagawin mo yan. Baka sa lamay mo palang hindi ka na tantanan ni Bossing Taz ng mga mura."
"I know that kaya nga napipigilan ko pa ang sarili ko na sundan si Tanya besides hindi ko pa magagawa yun hanggat hindi ko pa nahahanap ang hayop na yun." sagot ni Paxton na ikinaalis ni Blue sa pagkakasandal sa kotse nya at itinaas ang hawak nyang alak sa harapan ni Paxton.
"So much for that lover boy!Tara sa loob ng bahay mo ng maumpisahan pa ito." pag aya ni Blue na ikinangisi ni Paxton.
"Baka nakakalimutan mo ding tangna ka na kasal ni Sergio bukas tapos aayain mo kong mag inom?Inistorbo na nga tayo kanina ng adik na yun dahil sa rush wedding nya tapos lalasingin mo pa ako."
Bahagyang natawa si Blue sa sinabi ni Paxton, ilang oras palang silang nakakauwi matapos silang tawagan ni Sergio sa rush wedding nito tapos ngayon andito sya sa harapan ng bahay ni Paxton para ito naman ang damayan. Hindi alam ni Blue kung isasama na nya ang pagpunta nya gabi-gabi sa bahay ni Paxton sa routine nya na mukhang nakasanayan nya na.
"Masayang umattend sa kasal ng isang kaibigan na bangag Paxton. Minsan lang natin subukan ito tsaka isa pa mukhang kailangan mong maglabas ng kaunting steam sa katawan." pahayag ni Blue na inakbayan si Paxton
"Ano simulan na natin?"
"Istorbo kang tangna ka!" naiiling na sambit ni Paxton bago inalis ang pagkakaakbay ni Blue bago naunang naglakad pabalik sa bahay nya na ngiting ikinasunod ni Blue sa kanya.
Isa sa lihim na ipinagpapasalamat ni Paxton ay may mga kaibigan syang pinagtutunan ng oras hindi lang ang business nya. Dahil kahit papaano sa tuwing sasapit ang umaga bahagya nyang nakakalimutan ang masamang panaginip nya pero natatakot na din syang pumikit sa gabi dahil torture para sa kanya ang gabi-gabing pag alala sa namayapa nyang nobya.
Paxton loved Tanya so much at hanggang nabububay sya at ang huling taong naging dahilan ng pagkawala ng babaeng mahal nya sa kanya ay hahanapin at pagbabayarin nya ito para sa mahal nya.
He swore to Tanya's grave na dadalhin nya sa harap ng puntod nito ang huling tao na lumapastangan sa kanya.
#Prologue palang yan!See yah sa episode 1!