Episode 9 Part II

3805 Words
Tumalikod sya sa dalaga bahagyang lumayo dito at hinintay na sagutin ng tinatawagan nya ang tawa nya habang pabulong na minumura ang sarili. Hindi maintindihan ni Paxton kung bakit nag iiba ang kinikilos nya pag kaharap nya ang dalaga, pansin nya iyon simula ng tulungan nya ito. Pakiramdam nya pagkaharap nya ang dalaga ay nawawala sya sa sarili nya. Kahit isang beses palang silang nagkita at kahit tatlong araw niitong ginambala ang isipan nya pakiramdam nya ay may nagbago sa kanya. (Hello? Kuya Paxton napatawag ka? Hindi pa tumatawag si Don Juaquin.) "Y-yung mga documents ko sa pag transfer sa UDM naiwan ko dyan sa bahay, pakidala dito." Sagot nya sa kausap ng sagutin na nito ang tawag nya (Huh? Anong documents Kuya? Tska bakit ka magta-transfer sa UDM eh diba Kuya matatapos na bakasyon mo dito sa pilipinas at babalik na tayo sa Cranfield University next month.) Nilingon muna ni Paxton si Erza na binigyan sya ng matamis na ngiti na ikinangiwi nya lang bago muling tinalikuran ang dalaga at inis na sinagot ang kausap lalo na at nawala sa isipan nya na malapit nang matapos ang bakasyon nya sa pilipinas ay hindi parin nya naagaw kay Taz ang pwesto nito na bahagya nyang nakalimutan dahil naman kay Erza. "Peste ka Laochecko, gawin mo nalang ang sinasabi ko. If within 30 min. hindi mo nagawa ang pinag uutos ko ibibitin kita patiwarik, naiintindihan mo!" (Te-teka Kuya, paano ko kukunin ang documents mo eh diba nasa cranfield lahat 'yun.) "Gawan mo ng paraan Laochecko!" bulong at mahigpit na bilin ni Paxton sa kausap na walang nagawa kundi ang sumang ayon sa inuutos nya Agad binaba ni Paxton ang c.p nya at muling hnarap si Erza na agad lumapit sa kinatatayuan nya. "Ka-kapatid ko 'yung tinawagan ko, pinadadala ko 'yung mga papers ko." "Dapat hindi mo kinakalimutan ang mga ganung documents, mahalaga kasi 'yun." Sambit ni Erza na ikinatango ni Paxton "Oo nga." "Ano palang course mo Tonton?" "Civil Eng—I mean fine arts." Pagsisinungaling ni Paxton ns kita nyang ikinaliwanag ng mukha ni Erza. "Really?!OMG Tonton, same tayo ng course. Fine arts din ako." Masayang pahayag ni Erza na agad hinawakan ang kamay ni Paxton na ikinatigil at ikinalingon niya sa kamay na ni Erza na nakahawak sa kanya. "Sasamahan na kita sa Dean's office, let's go Tonton." Wala ng nagawa si Paxton ng higitin sya papasok sa UDM ni Erza at nagpadala nalang sa dalaga habang walang tigil na lihim na minumura ang sarili. *END OF FLASHBACK* Dahan-dahang iminulat ni Paxton ang kanyang mga mata at agad lumingon sa tabing bintana ng kinauupuan at agad napaarko ang kilay sa nakikita nya mula sa labas ng bintana. "Nasa byahe parin tayo Ynarez?" reklamo ni Paxton kay Blue na nasa tabi nya at nagmamaneho. "Pasensya na ha, hindi lang kasi ikaw ang puyat. Kailangan kong tumigil-tigil sa byahe natin dahil baka mabangga naman tayo." Angal ni Blue na ikinalingon ni Paxton sa kanya "Sino ba kasing may sabi na makitambay ka sa pamamahay ko?Nakipag tsismisan ka pa sa dalawang gagong nakatambay sa bahay ko." Hindi na umuwi si Blue kagabi sa condo nya at nagpasyang manatili sa bahay ni Paxton, hindi sya masyadong nakatulog dahil sa pakikipagkwentuhan kina Maki at Ruhk na parang hindi mga napuyat gaya nya dahil nagawa pa nilang umalis papuntang Moscow para mag deliver ng mga baril sa costumer nila. Same as Trace na walang ginawa kundi ang tumulong sa laptop nya at si Paxton na dinamay nya sa pagpupuyat. Bahagyang sinilip ni Blue ang mukha nya sa rear mirror nya bago binalik ang tingin sa pagmamaneho. "Baka itakwil ko ng mga fans ko pag nakita nila ang malalaking eyebags ko. Kahit kalian talaga nakakabawas ng kagwapuhan ang mga eyebags na'to!" reklamo ni Blue na ikinangisi nalang ni Paxton "Dapat nga matagal ka na nilang tinakwil, hindi naman kagandahan ang boses mo." Pag-aasar ni Paxton na ikinasimangot ni Blue na mabilis na nagpreno na ikinagulat ni Paxton at mabilis na itinukod ang dalawang kamay sa harapan nya bago binigyan ng masamang tingin ang kaibigan. "Putsa! Bibigyan mo ba ako ng bukol ha Ynarez?" inis na pahayag ni Paxton na patay malisyang ikinalingon ni Blue sa kanya "Pasensya dude! May dumaang manok na pula sa kalsada eh, sayang naman kung sasagasaan ko." "Gago! Saan ka nakakita ng manok na nadaan sa kalagitnaan ng Highway ha?Tsaka kahit di ka pumreno hindi mo mababangga ang tangnang manok na pula na nakita ng tangna mong mata! Ulitin mo pa ang ginawa mo Ynarez, ipagkakalat ko sa mga fans mo na naghahanap ka n first kiss para dumugin kang gago ka." Inis nab anta ni Paxton na ikinatawa lang ni Blue at muling pinaandar ang kotse niya. "Paxton, nakasunod ba si Trace natin ngayon?" biglang tanong ni Blue na ikinaayos ni Paxton sa kinauupuan nya at tumingin sa side mirror sa side nya "Malamang, hindi man natin makitang sumusunod ang isang 'yun I'm sure nakasunod 'yun sa atin. Routine na yata ng lalaking 'yun na sumunod sa akin ng hindi ko nakikita." "Iba ang pagbabantay ng butler mo sayo ah! Ibang-iba sa butler ni Sergio, talagang dedikado sa paglilingkod sayo ah." Pahayag ni Blue na ikinaungos ni Paxton "Sinabi ko na sa kanya na huwag ako ang bantayan nya at tulungan sina Maki sa shipment, matigas ang ulo ng isang 'yun." "Matanong ko lang Paxton ha, nakilala namin si Trace nung may problema si Sergio kay Ben, nagulat kami ng sinabi nyang butler mo sya na hindi mo man lang nabanggit sa amin, kahit sina Maki at Ruhk nito lang naming nakilala. Paano mo ba sila naging kasama?" tanong ni Blue na ikinalingon ni Paxton sa tabing bintana ng kinauupuan nya at naalala kung paano napunta sa poder nya ang tatlo nyang kasama sa negosyo na na kahit hindi nya ipakita sa mga ito ay mahalaga na sa kanya. "Sina Westaria, Amadeus, Rosales at Kiosk, kilala na nila sina Maki at Ruhk, hindi lang nila binabanggit sa inyo dahil ayaw nilang manggaling sa kanila na may dalawa akong baliw na kasama sa negosyo ko. Ayaw din naman nilang magpakilala sa Phantoms dahil trip daw nila kaya pinabayaan ko nalang. Si Maki anak 'yun ng kilalang governor, sa pagkakatanda ko tinulungan ko sya noon nung may nagtatangkang patayin ang ama nya. Kakagaling ko lang nun sa Cranfield para magbakasyon dito sa pilipinas. Si Verchez naman, sabi nya malaki ang utang na loob nya sa akin kahit di ko matandaan kung anong ginawa ko para tulungan sya., mayaman ang isang 'yun pero malakas ang kabaliwan sa ulo dahil nagpapaka pulubi. Silang dalawa ang una kong nakasama bago ko makilala ang grupo, ayaw ko mang aminin pero mahalaga silang dalawa sa akin kasing halaga ng pagkakaibigan meron ang Phantoms." Pahayag ni Paxton na ikinangiti ni Blue "Si De Leon naman, nakilala ko 'yun nung lumayo ako matapos buwagin ni Westaria ang grupo, I saw him crawling in the street with blood in every part of his body, I help him at nalaman ko na gusto pala syang patayin ng mga kalaban nyang mafia. Doon ko lang nalaman na anak sya ng isang mafia leader at anak ng isang mayamang businessman sa Amerika. Simula noon sumunod-sunod na sa akin ang isang 'yun." Pahayag pa ni Paxton na muling nilingon si Blue "May ginintuang puso ka pala Paxton." Kumento ni Blue na ikinailing ni nya "Gago! Matulungin lang ako." "Isa pang tanong about them Paxton, asan sina Maki at Ruhk nang mangyari ang pagpatay sa pamilya ni Boss Taz? Sorry for asking gusto ko lang malaman." Tanong ni Blue na ikinatahimik ni nito kaya bahagya nalang tumawa si Blue dahil alam nyang naalala na naman ni Paxton ang nangyari kay Erza dahil sa tanong nya. "Madaldal na dila, huwag mo nalang pansinin ang tanong ko Paxton. Puyat talaga ata ako." "I told them to help us incase na malamangan tayo ng Orion Gang, silang dalawa ang inatasan ko noon na magbabantay kay Tanya habang hindi nya ako kasama pero dahil sa kagustuhan kong makalaban ang Orion Gang, palihim ko silang pinasunod sa atin at iniwanan si Tanya ng walang nagbabantay kaya nawala sya sa akin. Kung hindi ko sinama sina Verchez at Laochecko baka nailigtas pa nila si Tanya, kung hindi ko inuna ang laban naming noon sa Orion na kasinungalingan lang pala na ginawa ni Natividad baka nailigtas ko sya sa kahayupan na ginawa nila sa mahal ko." Walang emosyong pahayag ni Paxton na ikinabuntong hininga ni Blue Aminado si Blue na kasalanan nya kung bakit napag usapan nila ang nakaraan na gusto nilang malimutan ni Paxton. Hindi nya akalain na ang tanong nya tungkol sa ibang mga kaibigan ni Paxton ay hahantong sa nangyari sa nakaraan kaya nakikita nya ngayon ang pagsisisi sa mukha ng kaibigan. "Sa tingin mo Paxton, may matino kayang meeting ang mangyayari mamaya kina Boss Taz?" pag-iiba na ng usapan ni Blue na buntong hiningang ikinasandal ni Paxton sa kinauupuan nya. "Kailan ba tayo nag meeting ng matino? Malamang 'yung mga asawa ng mga married nating kaibigan ang mag aayos ng plano para sa binyag ni Light." Sagot ni Paxton na ikinahinga ng maluwag ni Blue dahil nawala na ang malamig na emosyon sa mga mata ng kaibigan. "Sabagay, kaya siguro binilin ni Gail na isama sa kanila ang mga asawa ng mga loverboy nating kaibigan dahil alam nyang walang matinong meeting ang magaganap pagtayo ang mga nag usap." "Sadyang kilala lang tayo ni Gail." Ngiting sambit na ni Paxton na ngiting ikinatango na din ni Blue "Oo nga pala, papunta na sina Sergio sa bahay ni Boss Taz. Kakauwi lang daw nila ng asawa nya at doon na dederetso kina Boss." Pagbibigay alam ni Blue sa kaibigan na ikinalingon ni Paxton sa kanya. "Habang tulog ka nag message si Tad sa akin, sabi daw ni Sergio sa kanila sapat na daw ang dalawang araw para makabuo sya ng jr nya." Pahayag ni Blue na ikinaungos ni Paxton "Ngayon palang naaawa na ako sa magiging anak ni Fritz dahil may madadatnan syang tatay na fan na fan ng yakult." Natawa nalang si Blue sa sinabi ni Paxton, binilisan nalang ni Blue ang pagmamaneho nya para makarating na sa bahay ni Taz. Ilag oras pa ang ginugol nina Blue sa byahe ng makarating na din sila sa pupuntahan nila at makita ang mga magagarang kotse na nakaparada sa harapan ng malaking bahay ni Taz. "Mukhang nagtipon-tipon na ang mga gago ah." Kumento ni Paxton na ikinangiti ni Blue habang pinaparada ang sasakyan nya. "Huwag kang mag alala Paxton, makukumpleto na sila dahil paparating na ang dalwang gagong gwapo." Pahayag ni Blue na ikinailing nalang ni Paxton bago lumabas ng kotse at sinundan na din ni Blue. Sabay na naglakad sina Blue ng bahagyang tumigil si Paxton sa paglalakad dahil sa isang itim na kotse na napukaw ang atensyon nya na napansin naman ni Blue. "Bakit tumigil ka?" "Mukhang may ibang bisita si Westaria." Pahayag ni Paxton na ikinalingon ni Blue sa itim na kotse na tinititigan ni Paxton "Black Ferrari? Teka, isa lang naman ang fan ng Ferrari ang naiisip ko." "Mukhang may lumabas ng Underground Society ah!" ngising sambit ni Paxton na mabilis na naglakad papasok sa bahay ni Taz na. Pag apak palang ng dalawang paa ni Paxton sa loob ng bahay ni Taz ay agad napalingon sa pagdating nya ang mga kaibigan nya at agad lumanding ang paningin nya sa isang lalaking matagl-tagal din nyang hindi nakita dahil madalang ng nakakababa ng Underground Society ang Phantoms dahil sa limang problemang sama-samang sinusolusyunan nila. "Yow! El Diente, long long time no see Prince." Maangas na bati ni Paxton sa bisita nilang seryoso at prenteng nakaupo sa isang sofa. "Nothing changed Ignacio? Maangas ka parin." Seryosong puna ng bisita nila na ngising ikinalapit at agad umupo sa tabi ni Travis "That's me El Diente." "RIBAAAALLL!!!!" Napatingin lahat kay Blue na bakas sa mukha ang saya ng makita si Ribal na nakasama nila sa Underground Society. Patakbong pupuntahan ni Blue si Ribal ng higpitan sya ni Devil at pinaupo sa tabi nito. "He's not interested in greeting Ynarez." Seryosong pahayag ni Devil na ikinanguso lang ni Blue. "Para kang bibe Ynarez, tigilan mo 'yang pag-nguso mo dyan." Sita ni Lu kay Blue na agad tiniklop ang bibig. "Guys, hindi nyo masisisi si Percy, ngayon lang ulit natin nakita si Ribal." Ngiting pahayag ni Balance na ikinangiti ni Blue sa kanya "Kamusta pala ang Underground Society Prince?" tanong ni Ford na ikinatas ng kilay ni Paxton "Ngayon nyo lang tinatanong si El Diente about U.S?" "Kararating nya lang din kasi Paxton, siguro maaga sya ng tatlumpung minuto sa inyo." Sagot ni Tad sa kaibigan na ikinatango nalang nya "So kamusta na nga ang Underground Society?" muling tanong ni Ford "Still Underground Society Rosales." Maikling sagot ni Ribal na sinundan naman ng tanong ni Travis. "Eh ang North Bound? Maayos naman ba habang wala si Emp?" "Yeah! We did everything that Emp asked us to do in our bound." "Eh! Sina Exxon, Mount at Devin kamusta? Si Leroi at Audimus?Bakit di mo isinama." Tanong ni ToV na ikinalingon ni Ribal sa kanya. "They're still alive Velenzuela, they are just busy to visit Emp but you will see them when you go in Undeground Society next week." Pahayag ni Ribal na ikinakunot ng noo ng lahat ng Phantoms. "Next week? What do you mean?" tanong ni LAY na agad namang sinagot ni Ribal "Red Code Phantoms." Natahimik lahat ng nasa sala dahil sa sinabi ni Ribal, hindi nila inaasahan ang red code na binalita nito dahil ngayon lang ito nangyari. Red code means danger kaya nalilito sila kung bakit nasabi ni Ribal na ang Undergrounnd Society ay nasa red code ngayon at wala silang maisip na dahilan kung paano 'yun nangyari. "Red Code means the founders can't handle the situation or they just not interested to fixed the problem or they want the four Emperor do the job of the reason of Red code." Sambit ni Shawn na kalalabas lang ng kusina at may hawak na isang baso ng tubig "TORRES!!!" Mabilis na tumayo sa pagkakaupo nya si Blue at mabilis na nilapitan ang kaibigan at niyakap ito na bahagyang ikinatawa ni Shawn. "I miss you too bro." "Aftre ilang years bumisita ka din." Masayang sambit ni Blue sa kaibigan. "Westaria send his private Airplane to fetch us in Cebu, besides gusto din naman mamasyal ni Ruana sa Manila kaya sinama ko na sila ng anak namin." Sagot ni Shawn na mas lalong ikinatuwa ni Blue "Sinama nyo si Von?Asaan ang gwapo kong inaanak?" "I Think kasama ni Knight ngayon si Von." Sagot ni Shawn na natigil sa pakikipagkwentuhan kay Blue ng magsalita si Yon a nakasandal sa pader "Tell us about the red code El Diente." "The founders called a meeting to all Bosses of four boundaries, this will be happen next week." Sagot ni Ribal sa Phantoms na sabay sabay nilang ikinaisip sa dahilan ng red code ng mga founders. "Ngayon lang nangyari ang pagpapatawag ng meeting ng mga Founders ah." Kumento ni Tad na ikinasang ayon ng lahat. "Anong nakain ng mga founders at naisipan nilang i-meet ang mga Emperor ng bawat bound?Bawal silang makita diba?" pahayag ni Paxton na mas ikinaseryoso ng ekspresyon ni Ribal. "There's an unknown group inside the Underground who give every boundaries a warning letter that they will make Underground Society vanished in History.And the answer for your question Ignacio, the six founders will wear a mask in the meeting." Pahayag ni Ribal na ikinagulat ng lahat "Intruders? So this is crucial because of the warning every bound recieved." Pahayag ni Devil na ikinatango ni Ribal "Teka lang! Paanong may nagbibigay ng warning sa existence ng apat na bound ng Underground Society? Paano sila nakapasok sa security ng Underground at ng anim na founders." Takang tanong ni Blue "Because those f*cking Unknown group are members of Underground Society." Napalingon ang lahat kay Taz na pababa ng hagdanan na ikinatayo ng mga nakaupo at hinintay ang pag lapit ng kanilang Boss sa kanila. "Kung ganun may tumatraydor sa Underground Society?" naguguluhang tanong ni Tad na ikinalingon nalang ni Taz kay Ribal. "For now, stop asking about the red code. We will tackle this after my daughters christening." Utos ni Taz na sabay sabay ikinasang ayon ng lahat kahit marami ng tanong na isipan nila dahil sa nangyayari sa Underground Society. "Where your twin Mondragon?" pag-iibang tanong ni Taz kay Devil "I dunno, he left early in our house." Sagot ni Devil na ikinatango nalang ni Taz "Then let's wait for those two late comers, Demon and Fritz with his wife." Pahayag ni Taz na ikinalapit ni Ribal sa harapan nya. "Where is she Emp?" biglang tanong ni Ribal na ikinalingon ni Taz dito "They're still talking and planning for the special event for my daughter." "Ibig sabihin Bossing mga boss nyo na ang mag uusap para sa binyag ni Light? Kung ganun anong ganap naming dito?" tanong ni Tad na ikinangisi ni Paxton "Dahil ang mga misis na ang nagpa plano at sayang naman ang pagpunta natin dito, bakit hindi nalang tayo mag-inuman?Let's drink people!" ngising sambit ni Paxton na ikinasang ayon nalang ng lahat at ikinailing nalang ni Taz Si Blue,Shawn at Travis ang kumuha ng mga alak at pulutan sa kusina ni Taz, sina LAY, ToV at Lu naman ang naglabas ng malaking mesa at ilang mga bangko sa garden nina Taz. Sumunod nalang sina Tad, Ford at Balance sa kusina para tulungan sina Travis sa pagkuha ng iinumin nila. Nakasandal lang si YoRi sa pader at hindi gumagalaw sa pwesto nito na seryoso lang na nakatingin sa labas ng bintana. Samantalang nakatayo sina Taz, Ribal, Devil at Paxton sa kinatatayuan nya. "Ayokong magtanong Westaria pero gagawin ko parin, anong aksyon ang ginagawa ng apat na founders' maliban sa red code na 'yan? Hindi pumapasok sa isipan ko ang mga sinabi ni Torres kanina." Pahayag na tanong ni Paxton na hinarap ni Ribal "Valdemor were wandering around the four boundaries secretly to gather information to those insects who wants to destroy the Underground Society." Sagot ni Ribal na ikinasalubong ng kilay ni Devil "Valdemor did that? Those five founders let their Head down in four boundaries on itself?" "Don't underestimate the Head founder Mondragon, Valdemor is more smart and ruthless than the other founders, am I right Emp?" pahayag ni Ribal na ikinatapik ni Taz sa balikat nito. "I think this topic is enough, no more questions Ignacio amd Mondragon."utos ni Taz na ikinatango ng dalawa "Isa pang tanong pero this question is for El Diente." Pahabol na ngising pahayag ni Paxton na ikina poker face ni Ribal "What?" "Sinong she ang hinahanap mo kay Westaria?" "My fiancée, happy to know Ignacio?" poker face na pahayag ni Ribal na iniwanan sina Paxton at naglakad patungong garden nina Westaria na bahagya namang ikinatawa ni Paxton. "I might say that Ms. Yshara was been successful in helping Ribal to move on, I can see in his eyes that he loves fiancée more than he loves Aurora." Pahayag ni Devil na ikinaalis sa pagkakasandal ni YoRi sa pader "Ignacio need that too, a woman who can fix the heart of broken man." Walang emosyong sambit ni YoRi na ikinalingon sa kanya nina Paxton bago naglakad narin papuntang garden. "Si Ringfer talaga kung ano-ano ang sinasabi." Naiiling na kumento ni Paxton na natigilan ng maramdaman nya ang pagtapik ni Taz sa balikat nya na ikinalingon nya sa kaibigan. "If I can see that woman who will help you to forget and let go of my sister, I'll help her to have you." "Westaria..." "Yow! Yow! Narito na ak---teka? Nasaan ang iba?" Sabay sabay na napalingon sina Paxton kay Demon na kararating lang at lumanding ang mga mata ni Paxton sa dalagang kasama nito na ang mga mata ay nakatutok din sa kanya. Malaking ngiting hinila ni Demon ang kasama sa mga nadatnan na kaibigan sa sala at tumigil sa harapan nina Taz. "Where's the other Boss Taz?" tanong ni Demon na tinuro ni Taz ang papuntang garden nila na ikinatango ni Demon. "Tapos na agad ang meeting?" tanong pa ni Demon "The wives do the meeting, the others are n the garden to have some drink." Sagot ni Devil na kunot noong naktitig sa kasama ni Demon na bahagyang napalingon sa kanya at bahagya syang nginitian. "Bakit kasama mo sya?" malamig na tanong ni Paxton na nahalata naman ni Taz "Tanya is my friend Ignacio, I invite her here hindi ba pwede?" ngiting sagot ni Demon na mas ikinawalan ng emosyon ni Paxton sa kanyang mga mata "I told you don't call her by that na---" "Tanya? You're name is Tanya?" biglang tanong ni Taz sa kasama ni Demon na ikinatigil ni Paxton sa sasabihin pa nya. "O-oo, Tanya Irish Petrovic ang pangalan ko. He-hello sa inyo." Sagot ni Tanya na ikinalingon ni Taz sa biglang nanahimik at nawalan ng emosyong si Paxton. "Sinama ko si Tanya para magkakilanlan naman sila ng mabuti ni Paxton, you yell at her last night right? You need to apologize to my friend Paxton." Ngising sambit ni Demon na walang emosyong ikinatitig nit okay Demon. "I think I found that woman Paxton, you really loved the name Tanya aren't you?" ngising pahayag ni Taz kay Paxton "Same name but different person, destiny can play well huh!" pahayag ni pa ni Taz na iniwan na sina Paxton at pumunta na ng garden na wala paring emosyong sinundan ni Paxton. "Kakayanin mo ba Tanya? Mukhang mahihirapan ka sa isang 'yun." Pahayag ni Demon kay Tanya na ngumiti dito "Komplikado nga syang kilalanin pero dahil sa komplikadong 'yun mas gusto kong mapalapit sa kanya." "Did we met somewhere?" biglang tanong ni Devil na ikinalingon nina Demona at Tanya sa kanya "Ofcourse not Kambal, ngayon mo lang naman nakilala si Tanya." Sagot ni Demon sa kapatid na hindi maalis ang titig kay Tanya. "Her face is familiar to me Demon." Kunot noo namang tinitigan ni Demon si Tanya na nakaramdam ng hiya dahil sa magkamukhang nakatingin sa kanya. "Bakit naman ako walang makita? Sino bang nakikita mo sa kanya?" takang tanong Demon sa kambal nya na inalis ang tinginkay Tanya. "I know that bringing her here is your intention, if this your way to help Ignacio, so be it. But if you'll see that Ignacio will give her a hard time and hurt her, stop your plan Denver." Seryosong pahayag ni Devil bago iniwan ang dalawa sa sala "Mukhang nakakuha na tayo ng suporta mula sa dalawa kong kaibigan, kapatid ko yung isa. Iba talaga ang charm mo Tanya." Pahayag ni Demon kay Tanya na ikinangiti nito "Sana makita din ni Paxton 'yung charm na 'yan nuh." Pahayag ni Tanya na ikinaakbay ni Demon sa kanya "We will see for that Tanya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD