Cassie NAKAKAPAGTAKA ang ka busy-han ngayon sa opisina. Mukha yata silang mga bangaw na binugaw para kung saan–saan mo sila nakikita at talaga namang maitutulad mo sa palengke ang kaingayan ng paligid. Muli ko pa silang pinag masdan lahat, para kasing hindi nila napansin ang pagdating ko. Hindi ko na lang sila pinansin kaya dumeretso na lang ako sa opisina ko. "May, anung balita habang wala ako?" pagkatapos kong inilapag yung bag ko ay diretso na akong umupo para alamin ang nag hihintay sa aking schedule. Ganon naman ako palagi, sanay na sila. Nag browse pa ako ng mga magazines na patungkol sa modeling school namin. The publicity was good for the business kaya kahit mailap na ako ngayon sa kamera, napipilitan ako para na rin sa negosyo. This couple of days had been