Cassie “Nag kamali ba ako ng napasukang opisina?" Bigla ang pagtaas ng ulo ko ng mabosesan ko si Amanda with her mocking eyes on me while holding a big bunch of flowers. "Yeah. Sa susunod flower shop naman ang i-ne-negosyo ko." patol ko naman sa asar ni Amanda sa akin saka tinawanan lang niya ako. "Mukhang alam ko na kung kanino galing itong magagandang mga bulaklak na ito." pagkasabi ni Amanda ay saka ipinatong ang isa namang flower vase at inilagay doon ang fresh flowers. "Kamusta naman ang masugid mong manliligaw?" "Manliligaw? Wala akong natatandaang may nanliligaw sa akin o nagpaalam na liligawan ako." Tumaas ang isang kilay ko sa itinuran ni Amanda but she returned the gesture sa sinabi ko namang iyon. E sa wala naman akong natatandaang