Cassie Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang mangyayari ngayong araw. Si Jasz at ang aksidente, si Jed at ang maluwag na pagtanggap niya sa anak namin. Akala ko magiging mahirap ang part na makikita niya ang bata at sasabihin kong anak niya ito. Ihinanda ko na ang sarili ko sa lahat ng posible kong marinig na masasamang salita galing sa kanya pero nagkamali ako. Na sa lahat ng masasamang bagay na alam ko kay Jed, may mahaba din pala siyang pangunawa sa katawan nito. "N-nung…araw na umalis ako at iniwan ka, h-hindi ko alam na magbabago pala ng tuluyan ang takbo ng buhay ko." panimula kong kuwento. "Cassie," Nakaupo lamang siya sa couch nakapatong ang mga siko sa hita at parang mabigat ang kalooban. Ako naman ay nasa gilid niya at nakatanaw kay Jaz na natutulog
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books