"Sorry kasalanan ko 'tong lahat. Sorry dahil nahihirapan ka. Sorry, love," paulit-ulit na sabi ni Kade, umiiyak habang nakadikit ang kanyang nuo sa nuo ni Oly. Nanatili namang tahimik ang dalaga. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman ngayon. Ang tagal kasi ng doctor at hindi siya makapag-isip ng tuwid dahil ang tanging laman lang ng isip niya ay ang baby nilang dalawa. "Maiintindihan ko kung galit ka ngayon sa akin. Hindi ko kayo naprotektahan at dahil din sa akin kaya ka nasaktan nang ganyan. Ako yata ang pahirap sa buhay mo, love. Sorry, sorry.." "Ano ba 'yang mga lumalabas sa bibig mo? Bakit sinisisi mo ang sarili mo, love? 'Wag kang umiyak." Dali-daling hinawakan ni Oly ang mukha ni Kade. Hinaplos niya ang pisngi ng nobyo para punasan ang bawat luha na tumutulo mula sa mga mata