"Amelia ang pangalan ko, ikaw?" "Kade." Nakangiting nilahad ni Amelia ang kanyang kamay sa batang lalaking kaharap. "Bakit ang sungit mo? Kaya wala sa 'yong nakikipaglaro." Bumusangot siya nang hindi kamayan ng batang lalaki. "Kaya ko rin maglaro niyan. Bola lang 'yan. Marami ko niyan sa bahay namin." "Hindi ako nakikipaglaro sa mga babae. Maaarte kasi kayo." Tumalikod na ito kaya napabusangot siya. "Akala mo naman magaling siya. Lagi namang nadadapa." "Amelia! Kanina pa kita hinahanap! Saan ka ba nagpupupunta?" "Yaya, I'm just playing." "Naku, delikado sa panahon ngayon. Dapat nagpapaalam ka. Nagagalit na tuloy si Madam." "Ayoko munang umuwi, yaya. Gusto ko pang maglaro dito." "Naku kang bata ka, hindi na nga pwede. Pinapagalitan na ko." ***** Kanina pa tahimik sa pagitan ni