"You have to be presentable at all times, Ms. Amelia. 'Yan ang kailangan naming ituro sa'yo utos ni Chairman Yang. No hurt feelings but sabi po niya pangit daw kayong manamit at palpak kung kumilos." "Hindi rin eleganteng tingnan." "Pangit?" hindi makapaniwalang pag-ulit ni Oly sa sinabi ng babae. "Palpak? Hindi elegante?" dagdag niya bago tumingin kay Kade para magpatulong. Hindi siya makapaniwalang sasabihin 'yon ng kanyang lola sa harap ng ibang tao. "No, she just means that the clothes you wear are out of date. Ganito kasi, love. Magiging soon to be CEO ka ng isang empire na nagha-handle rin ng fashion company. Gusto ni Chairman Yang na matuto kang manamit na naaayon sa estado mo sa buhay." "Pero siya naman ang nagsabing magpaka-low profile muna ko," nakalabing sagot ni Oly. "Nap