Isaw ang hapunan ni Oly. Huminto siya sa ihaw-ihaw malapit sa apartment at doon nagpalipas oras. Marami siyang barya kaya nakabili siya ng marami. Ayaw niyang umuwi sa apartment dahil alam niyang nakauwi na si Herl. Nahihiya na siya sa kaibigan niya dahil lahat na lang nalalaman nito at sure siyang naaawa na ito ngayon sa kanya. "Pssstt.." Kakagat na si Oly sa huling isaw nang may pumaswit. Agad siyang napalingon sa paligid. "Timmy." Gulat niyang pagtingin. "Anong ginagawa mo dito? Asan si Herl?" "Hindi ba ikaw ang sumundo sa kanya kanina?" takang tanong ni Oly. "May sumusundo na sa kanyang iba?" Pagseseryoso naman ni Timmy kaya agad na napailing nang mabilis si Oly. "Sino 'yung bago niya?" "W-wala!" "Joke lang, ang seryoso mo naman." Tinawanan siya nito saka inagaw ang huling is