ANAIS/ATARA P.O.V
"Ama, bakit hindi n'yo sinabi na hindi pala kanais-nais ang mukha ng bagong emperador na hahali sa kanyang ama!" Galit at inis na saad ng pangalawang anak ng Duke.
Linagyan ko ng blindfold ang aking mga mata, dahil mas gusto pa 'yon kaysa dilat ang aking mga mata wala namang saysay.
"Hindi na mahalaga 'yon, kailangan natin ng connection sa kanila, hindi kayo pweding umtras!" Galit na saad ng Duke, kung nakikita ko lang ang mukha ng Lilith na ito ay malamang nahampas kuna. Kagabi lang sa hapag kainan ay subra kung mag mayabang na sabihin sigurado siyang mapipili ng bago raw na Emperor. Ngayon na nalaman ang tunay na wangis ng Emperor ay biglang nag reklamo at halos ayaw ng sumama.
Hindi ko alam kung anong kulay na damit ang suot ko sapagkat hindi ko naman makita, basta ang alam ko ay isa itung hanfu na damit, parang dress na makapal na hanggang talampakan ko.
"Hali na kayo, at Atara, wag kang gagawa ng gulo do'n pag karating natin ru'n ay humiwalay ka at pumunta lang sa walang masyadong tao, ayaw kong magkaro'n na naman ng iskandalo," paalala ng Duke na hindi ko naman kinibuan dahil wala akong balak maki-sawsaw sa kung ano man ang pakay nila.
Naramdaman kong inalalayan ako ng isang tagapagsilbi na hinayaan ko lang hanggang sa makasakay kami sa isang karwahe. Hindi ko alam kung sino ang kasama ko, si Lilith ba o si Celine. Hindi ko pa lubos alam kung ano ang pag uugali ng dalawa na kailangan kong bantayan. Sa mundong 'to wala akong dapat pag katiwalaan.
Naramdaman ko ang pag larga ng karwahe, bumuntung hininga na lang ako kung tutuosin para lamang akong naka pikit dahil sa dilim na aking nakikita.
"Tsk, sana ikaw na lang matipuhan niya, bagay naman kayo, parehong may problema sa katawan," kalmado ngunit may pag ka inis at muhi sa kanyang sinabi na alam kong si Prinsesa Lilith 'yon.
"I'm thankful for being blind, as it shields me from worries about others' interest in me. Despite my lack of sight, I'm certain the new Emperor will choose you, dear sister, for your undeniable beauty that captivates even the most unlikely beast." kalmado man ang pagkakasabi ko nu'n pero mababakas ang pang aasar at mapang uyam na boses kong 'yon.
"Are you pissing me off?" Galit niyang tanong subalit hindi ako kumibo, gustong gusto kong may naaasar sa'kin. Tahimik ang karwahe hanggang sa maramdaman ko na lang ang pag tigil nito. Naramdaman ko kong paano bumaba ang babaing 'yon, hindi man lang ako tinulungan. Pero nakaya kong bumaba ng walang tulong.
"Where should I go?" Alam kong hindi pa nakaka alis ang nag mamay-ari ng karwahe dahil ramdam ko ang kanyang presinsya.
"Dumeritso ka lang ng lakad Prinsesa, bukas ang tarangkahan ng Goryo mahal na prinsesa, pag kapasok n'yo ay dadaan pa kayo sa pinaka pintuan ng imperyo, at mararating mo ang bulwagan," paliwanag niya, tahimik akong nag lakad, sinigurado kong wala akong mababanga at makaka pasok ako ng matiwasay. Dala ko ang isang kahoy na nag sisilbing aking paningin sa dilim.
Pinakiramdaman ko ang paligid ko habang nag lalakad ako, at nararamdaman ko sa bawat na dadaanan ko ay may mga nakatayo na kung hindi ako nag kakamali ay mga kawal ng Goryo.
Naramdaman kong may hagdan na kailangan kong daanan, sa tansya ko ay mukang limang hakbang lang 'to. Ng maka hakbang ako ng limang beses ay narinig ko ang pag bukas ng malaking pintuan, agad akong pumasok at do'n ko lang narinig ang mga tao.
Nag lakad ako, hindi ko alam kung saan ako pupuwesto, pero pinili kong dumadaan sa gilid at hanggang sa maramdaman kong may nabangga akong lamesa, hindi naman naka kuha ng attention dahil alam kung s a sulok 'to ng bulwagan. kinapa-kapa ko kung may upuan ba, agad akong umupo ng maramdaman kong may upuan. Nilagay ko sa aking gilid ang hawak kong kahoy na manipis bago pakiramdam ang paligid. Mukang walang naka pansin sa'kin.
Hindi ko alam kung may nakaka kilala ba sa'kin dito, pero mas ginusto kong tumahimik na lang hanggang sa may narinig akong nag salita sa di kalayuan, alam kung nasa unahan ito at mukang nasa entablado.
"Maligayang pag dating sa 'nyung lahat, masaya akong naka dalo kayo sa mahalagang piging na 'to," Boses matanda pero alam kong ito ang Emperador, na hahalilihan ng anak ngayong araw na 'to. Marami ang bumati pabalik sa emperador pero tahimik lang ako sa isang tabi.
"Alam naman nating lahat na ang araw na 'to ang siyang araw kung saan ang nag iisang anak ko ang hahalili sa'kin," Panimula ng hari.
"Ang araw ding 'to ang araw na pipili ang aking anak ng kanyang magiging Empress, at mukang handa na ang mga anak n'yong lahat sapagkat nakikita ko ang nag gagandahan mga dalaga," biro pa niya, alam kong madilim sa parting aking kinaruruonan, kaya hindi ako mapapansin dito.
"Ipapakilala ko na ang aking anak, alam kong ang halos nandidito ay hindi pa nakikilala ang aking anak kaya gusto kong makilala niyo ang magiging Emperor ng buong kaharian ng Goryo at ang sakop nitong ibang kaharian." Saad ng Emperor.
"Nais kong ipakilala ang aking anak na si Cassian Izaak Armendarez," kasabay ng pag anunsyo ng Emperor ay naramdaman kong may tumayo sa aking tabi, bumilis ang t***k ng aking puso, hindi ko man lang naramdaman na may tao pa pala akong kasama sa lamesang aking napiling upuan, tumahimik ang lahat ng makita nilang tumayo ang lalaki, naramdaman ko ang bawat tingin ng mga tao sa kinaruruonan namin.
Tahimik ang lahat hanggang sa naramdaman ko ang yapak palayo sa'kin alam kong nag lakad na ang taong 'yon palayo kasabay ng pag kawala ng mga matang naka tingin kanina sa aking kinaruruonan.
"Damn it, bakit hindi ko man lang naramdaman ang kanyang presinsya simula ng umupo ako rito?" Mahinang tanong ko sa sarili. Hindi ko alam kong alam kong mapanganib ang isang 'yon.
"Ina, gusto ko ng umuwi," rinig kong saad ng isang babae na hindi kalayuan sa'kin, ramdam ko ang takot sa kanyang boses.
"Ama bakit ganyan ang kanyang mukha, nakakakilabot," bulung bulungan ng mga babae, hindi ko alam kung anong nangyayari dahil sa kanilang mga pinag sasabi.
"Ama! Ina! ayaw kong mag pakita baka ako ang kanyang mapiling Empress, hindi ko kayang makita araw-araw ang kanyang mukha na nakakakilabot baka siya ang maging bangungot ko," alam kong nanginginig ang babaing nag salitang 'yon na umabot sa aking pandinig.
Ganon naba ka takot ang mukha ng bagong emperador na gugustuhin pa nilang umuwi, at wag ng mag pakita pa. Napa iling na lang ako at dinukdok ang aking ulo sa lamesa, alam kong hindi ako mapapansin ng bagong emperador na 'yan dahil sa pagiging bulag ko.
"Masaya akong makita n'yo ang nag iisang anak ko!" Rinig kong saad ng Emperor, halos ramdam ko ang katahimikan sa boung bulwagan.
"At dahil nakilala na ninyo ang aking anak, dumako naman tayo sa kanyang pag pili ng kanyang magiging Empress na mananatili sa kanyang tabi hanggang sa pag tanda," hindi ko alam pero nag iba ang boses ng Emperador pero nanatiling naka dukdok ang aking ulo sa lamesa.
"Mga kawal! isara ang bawat lagusan, siguraduhin ninyong walang ni isang babae ang makaka labas hanggat hindi pa nakaka pili ng Empress ang aking anak," dahil sa naging anunsyo ng Emperador ay narinig ko ang bawat iyak ng mga babae at pag mamakaawa nila sa kanilang mga magulang, malamang kasali na ruon ang aking dalawang kapatid. Hindi ko alam pero natutuwa ako dahil mukang ako lang ang walang problema sa loob ng piging na 'to.
"Mag sitahimik muna kayong lahat!" Saad ng Emperador, tumahimik ang lahat pero may naririnig parin akong mga mahihinang hikbi. "Pupunta punta tapos iiyak din hanggang sa huli," saad ko sa aking isipan.
"May natipuhan kana ba anak?" Tanong ng Emperador. Wala akong narinig na sagot sa kanyang anak pero kanina ko pa nararamdaman ang kakaibang tingin sa aking direction. Ramdam ko na nag pipigil ang bawat isa ng hininga habang ina antay ang magiging sagot ng bangong Emperor.
"Nandidito lahat ang mga magandang dalaga anak, nasisiguro ko rin na nadidito ang pangalawang anak ng Duke na si Prinsesa Lilith," saad ng Emperador.
Narinig ko na lang ang isang babasagin na kung hindi ako nag kakamali ay isang baso na nabasag. huhulaan ko alam kong galing 'yon kay Lilith dahil sa sinabi ng Emperador, kung makikita ko lamang 'to ay alam kong namumutla na 'to.
"Hindi maaari Ama!" Narinig kong sigaw ni Prinsesa Lilith.
"Hindi ko alam Duke Santiago na may anak ka palang kay ganda, maaari mo bang dalhin siya rito?" Rinig kong saad ng Emperador.
Alam kong hindi hahadlang ang Duke dahil sa kagustuhan na maging aliansa ang Goryo, kung sabagay maliit lang ang kaharian ng Joseon kaya hindi na ako mag tataka pa.
"Ama," mahina lang 'yon pero umabot sa aking pandinig ang nag mamakaawang boses na 'yon ni Lilith.
"There's no need to force that woman to be here. I have already found my Empress, the girl who captivated my attention—the one in the dark, gracefully wearing a blindfold." Ang boses niya ay subrang lamig at masisuguro kong tatayuan ka ng balahibo, ngunit wala ruon ang aking attention dahil naramdaman ko na lang ang mga matang naka tingin sa aking kinaruruonan. Alam kong lahat sila ay naka tingin sa'kin.
Agad kong inangat ang aking ulo, para akong ligaw na pusa na hindi alam ang gagawin, ang ina akala kong walang makaka pansin sa'kin ay nag laho dahil ako lang naman ang tinutukoy ng bagong Emperador.