ANAIS / ATARA P.O.V Pagakatapos ng walang awa kong pag patay sa assassin na 'yon ay sinundan ko ang alingawngaw ng tigre. Hinanap ko ang ingay ng tigre at dinala ako nito sa isang parte ng gubat. Nakita ko ang malaking tiger na nakatalikod sa'kin. Tiningnan ko kung ano ang ginagawa niya at ganon na lang ang pag-ngiwi ko ng makita ko kung paano niya kainin ang walang buhay na babae. Kung hindi ako nag kakamali isa 'to sa manlalaro. Ang suot nitung damit ay napuno ng dugo at walang awang pinapapak ng tigre. Now I realize, This wasn't a game anymore. This was life or death. Naramdaman ata ng Tigre na may naunuod sa kanya dahil humarap 'to sa'kin at puno ng dugo ang bibig nito. Tiningnan ko ang hitsura ng babae at kalunos lunos ang sinapit nito. Hindi ako nakaramdam ng pagsusuka dahil san