ANAIS / ATARA P.O.V Anim na buwan ang lumipas, pero pagala-gala ako sa buong lugar, kung saan saan ako napadpad. Madami akong na-encounter na mga Zombie halos hindi ako ina-ataki. Lagi akong may takip sa mukha upang walang makakilala sa'kin na galing sa emperyo ng Goryo at Joseon dahil alam konh madidihado ako. Ngayon balak kong pasukin ang emperyo ng Goryo, simula ng umalis ako wala na akong naging balita sa kanila. Ni hindi ko alam kung kumuha ba sila ng bagong Empress. Nakasuot ako ng pang katulong na damit habang may manipis na puting tela ang naka takip sa'king kalahating mukha. Agad akong sumabay sa mga bagong katulong na magiging bagong katulong ng emperyo ng Goryo. "Totoo ba malupit daw ang bagong Empress? kaya maraming katulong ang natatanggal?" narinig kong tanong ng isang