THIRD PERSON P.O.V Nagmamadaling bumalik sa bulwagan si Atara habang ina-alalayan siya ni Chad, ang lalaking tumulong sa kanya kanina. "Where the f**k did you go?! I have been looking for you for 2 hours and I'm almost f*****g worried!" Ang mga salitang 'yan ang unang bumungad sa kanya. Halos lahat ng mga maid ay takot na nasa isang sulok lamang dahil sa galit ng Emperor. , Nakita rin ni Atara lahat ng mga kalat, basag na mga plato at mga lamesang naka taob. Ang emperor at mga maid lang ang naabutan ni Atara do'n. "I'm sorry my Emperor, hindi ko namalayan ang oras at nakatulog ako bigla sa likod ng isang puno kaya marahil hindi n'yo ako nahanap agad." Nakayukong paumanhin ni Atara. "Talaga?" Sarcastic na bulalas ng emperor, habang nakatingin sa kanyang katulong na hawak ng ibang la