ANAIS / ATARA P.O.V "Nagkakagulo ang ibat-ibang emperyo ngayon, dahil sa nangyayari." Narinig kong saad ng isang opisyal. Nasa pagpupulong kaming lahat ngayon, tahimik lang akong nakikinig at nakikiramdam sa kanila. "Wala tayong alam kung anong nangyayari, kakaiba ang mga sumalakay kanina," talagang kakaiba at alam kong hindi matatahimik ang boung emperyo at ang mundong 'to habang may mga nilalang na nakakalat sa buong paligid. "Nakita ng mismong mata ko kung paano kagatin ang isang nilalang na 'yun ang lalaki kanina, pagkatapos nu'n ay naging katulad din ng nilalang na 'yun ang kanyang nakagat." Ramdam ko ang takot sa boses ng nag salitang 'yun. "All we need to do is to be carefull, kung maaari wag n'yung palabasin muna ang mga pamilya n'nyo." The former empress said. "Someone might