Chapter 7 Cuddle

1073 Words
Efra Nauna na ako sa kwarto ng mga magulang namin upang eoperate na yung TV at ng DVD player. Hinahanda ko na ang panonoorin naming palabas ang XMen na inayunan naming lahat. Napansin ko rin na pumasok na si Ezra na nakapantulog na kulay avocado green, nakapony tail ang kanyang buhok. Napakalinis niyang tignan at nakaemphasized ang maputi at maganda niyang mukha. 5'5 feet tall siya kaya maganda talaga siyang tingnan. Lahat ng naisusuot niya ay suited well talaga sa kanya. Para siyang modelo, sa tingin ko nga eh mas maganda pa siya sa mga nakilala kong mga artista at mga modelo. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang kalaki ang paghanga ko sa kambal ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko para sa kapatid ko. Siguro nga dahil hindi kami magkamukha kaya feeling ko hindi kami magkapatid. Karga niya ang malaking bowl na puno ng popcorn, nakasunod naman si Samuel bitbit ang isang tray na may lamang 2 liters of fresh milk 2 liters din na chocolate milk, isang pitsel na may lamang tubig at mga baso. Nang mailapag ni Ezra ang kanyang bitbit na popcorn ay lumakad siya papunta sa kinaroroonan ng aircon upang eadjust ang lamig nito saka naman pagpasok ni Gabriela. Nauna na si Ezra pumwesto sa higaan nakasandal na siya ngayon sa headboard habang yakap2x niya pa rin ang malaking bowl ng popcorn. Sumunod naman akong pumwesto sa tabi niya sa bandang gitna ng kama. Si Sam naman inihahanda ang mga inumin sa paanan namin bago tumabi sa akin sa kaliwang side. Si Gab naman nauna ng mag-ipis ng chocolate drink niya na nilagay niya sa ibabaw ng side table na malapit sa kanya. Nagsimula na kaming manood, maya-maya pa ay nagsimula na si Gabriela na mag-ingay. "So macho talaga ni Wolverine ate noh?", Gab. "Oo nga eh, bakat na bakat pa yung dibdib niya kahit nakasuot na ng damit. hehe" Ezra. Tahimik lang ako nakikinig sa dalawang babae. Anong mga pinagsasabi nila? Gusto pala ng mga girls ang ganoong katawan ni Wolverine? Yumuko ako at tinignan ang sarili kong dibdib, napakalaking kulang talaga. Naramdaman ko nalang ang likot na ng dalawa sa tabi ko. "Ate, nakikiliti ako... hahaha" tili ni Gabriela. "Ate ang ingay niyo! Nanonood kami ni kuya." Saway ni Samuel na nakatingin na sa kanila at nakita ko sa Samuel na inirapan ang dalawa. "Ehem!" kaya tumikhim nalang ako upang sawayin sila. "Sorry boys" then nagpeace sign naman si Ezra at bumalik ulit sa panonood. "Ate?" Gabriela. "Hmmm?" sagot ni Ezra habang sumseryoso na sa panonood. "Yung professor X nila kahawig ni Mang Ramon hahaha" oo nga naman, kaya pa la mukhang pamilyar. Natawa naman akong naisip din si Mang Ramon. "hala? Kailan pa sumikat si Mang Ramon? hahaha" napansin din ni Samuel. Nagtawanan na lang kaming apat. Sa bandang estorya na nina Wolverine at Jane nagsimula na ulit mag-ingay si Gab. "Ayy? Bakit si Wolverine ko pa? Kakainis naman!" inis ni Gabriela. "Hala? Selosa ka pa la Gab? Hahaha Wala ka ng pag-asa nun kasi wala kang powers. Super astig kaya ni Jane. Hanap nalang tayo ng iba hehe"singit naman ni Ezra. "Nakakainis naman ate eh, tignan mo sa kanya na nga si Wolverine inaakit pa niya pati si Cyclopes. So landi nga niya talaga.... ayoko ng manood hmmp!" malakas niyang pagkakasabi. Talagang affected ang bata haha. "Gab, nakakainis ka rin kita mong nanonood pa kami ang ingay mo. Hindi ka talaga papansinin ni Wolverine mo kasi bata ka pa at lalong mas maganda ka pa kay Jane" Sam "Talaga?"Gab. "Oo, yung Wolverine mo walang kataste taste mahilig sa pangit at malandi. Ikaw little one deserves the better one kaya wag ka ng maingay" "Ano? Saan galing yun? May nalalaman pa ang isang to pa better one better one pa. Pero tama nga naman si Sam. "Okay. Thank you kuya" huling tinig ni Gab hanggang natapos na rin ang palabas Kaya pala natahimik na ang bunso namin dahil nakatulog na pala siya. Ginising ni Ezra si Gab upang makapaglinis ng sarili bago makatulog ulit. Na una ako sa banyo upang magtoothbrush sumunod naman ang tatlo. Nauna na rin akong bumalik sa silid para ayusin na ang kama namin. Magkakatabi kaming matutulog ngayong apat at sa mga susunod pa ng mga gabi. Magkasunod na lumabas sa banyo ang tatlo nauna si Ezra, sumunod naman si Sam tapos si Gab. Naggo-goodnight hugs and kisses na si Ezra kay Sam, pagkatapos ay naglakad na palapit sa kin si Sam para sa Goodnight hugs and kiss. Hinalikan ko siya sa noo, gumanti rin ng halik sa pisngi ko si Sam tapos ginulo ko ang buhok niya. Lumapit din sa min si Gab para sa goodnight Hugs and kisses sa amin ni Sam. Inuna ni Gab si Sam. Napansin ko si Ezra bumalik ulit sa banyo, anong problema niya? Hindi pa siya naggoodnight hug and kiss sa akin. These past weeks napapansin ko na parang naiilang siya sa kin. Kami nga ang pinakamalapit sa isa't-isa pero naninibago ako sa mga ikinikilos niya. Parang hindi na siya komportable sa kin sa tuwing nilalambing ko siya na normal lang naman sa min yun dati pa. Sabagay kahit naman ako may iba na ring nararamdaman para sa kanya, mas nagiging overprotective ako, at gusto ko na palagi kaming magkasama. Masarap sa pakiramdam na nilalambing ko siya at feeling ko nagiging madamot ako. Ayokong may kalambingan siyang iba bukod sa aming magkakapatid at sa mga magulang namin. Ayokong ibahagi siya sa iba kaya nga nabatukan ko siya bigla ng sinabi niya ni mommy na gusto niya ng boyfriend. Napansin ko rin na madalas na siyang natutulala kapag magkasama kami na pinag-aalala ko, wala naman siyang sakit. Nauna ng humiga si Gab sa gitna. Hinintay ko si Sam na tumabi kay Gab dahil sila naman talaga palaging magkatabi. "Kuya, pedi bang kayo nalang ni Gab magkatabi? Ang likot niya kasi, ilang beses na niya akong natuhod sa ano ko...ikaw naman kuya" napakamot siya sa kanyang ulo at umiiling iling pa. Nagbuntong hininga muna ako bago tumabi kay Gab, sumunod naman kaagad si Sam. "Tumalikod ka sa kin kuya, ayoko sa hilik mo.. hehehe" at tumalikod na rin siya sa kin. Nakatagilid na ko ngayon kaharap si Gab at pinikit ko na ang mga mata ko dahil nararamdaman ko na ang pagod. Bumukas na rin ang banyo na nasa loob lang naman ng silid. Naririnig ko ang mga hakbang ni Ezra papalapit sa higaan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD