Niligpit muna namin ang higaan bago kami bababa upang kumain. Pinauna ko lang muna sila dahil gagawin ko pa pala ang morning routine ko bago lumabas ng room. Nauna na silang bumaba kaya pumasok na ako sa banyo tapos dumeritso na sa lababo upang maghilamos at magsipilyo. Sinimulan ko na maghilamos, binasa ko na ang mukha ko bago inilapat ang facial wash sa mukha ko. Yumuko ako upang banlawan na ang mukha ko. Nang matapos na kong magbanlaw iniangat ko na ang ulo ko upang repasuhin ang aking mukha. Napatili ako sa sobrang gulat ko at takot nang makita ko si Brad mula sa salamin na nasa likuran ko na pala. "Aaaaahhhhhhhhh!!!!!!!!" tili ko at nanginginig na ngayon sa takot. "Sis, ako lang to hahahahahha" grabeng tawa ni Efra kahit hindi talaga nakakatawa ang ginawa niya. Hinarap ko siya