chapter 2 galit sa ama

1305 Words
Arthur pov “Yun na, nga ‘eh! Makinig muna kasi, kayo sa sinasabi ko?” Naiinis na turan ni Jake. “Paano tayo matatapos kung bawat salita ko ay may mga tanong agad kayo!” Napapa Kamot sa ulo sambit pa ni Jake. “Hay, ewan sa'yo Jake!” Untag ng mga ito. “Ganito kasi, bibigyan ko kayo isa-isa ng married certificate. Kung sino ang babae makumbinsi ninyo na pumirma. Dito sa certificate ay bibigyan ko ng isang milyon pesos at pati na rin ang babae na pumirma dito." saad pa ni Jake habang nilalabas ang married certificate sa dala nitong bag. "kalokohan mo, Jake." saad ni Elvo. "Huwag kayo mag alala hindi naman natin iparehistro. ang certificate na ito?" Katuwaan lang naman ang gawin natin!” Nakangisi turan ni Jake habang isa-isa kaming binibigyan ng papel. “Ano, sinong may gusto.” Untag pa ni Jake at isa isa kaming tiningnan. “Ikaw, Martin.” “Pass, ako!” Sagot ni Martin. "kinakabahan ako sa plano mo?" dagdag na wika pa nito. “Mas gusto kong hanapin ang mapapangasawa ko sa sarili kong paraan.” Ani nito. “Ako, rin!” Segunda naman ni Carlos. “Ayaw, ko rin! Kalokohan ‘yan gusto mong mangyari.” Saad naman ni Vince. “Oh, akala ko ba gusto ninyo magkaroon ng asawa?!” aniya ni Jake. habang nakatingin sa amin. “Oo, gusto namin. At ‘yung totoo asawa!” Sabay-sabay na sagot ng iba kong kaibigan kay Jake. "Pati, wala kaming tiwala sa kalokohan mo?" usal pa ni Martin. "Noong nagpa games ka ay napahamak kami?!" ani pa nito. “Haist, bahala nga kayo.” Naiirita turan naman ni Jake sabay kamot sa ulo nito. "ayaw, ninyo ba ng isang milyon?!" ani saad pa nito. "Ayaw!" sabay-sabay na sagot nina Martin. Tanging kami lang ni Elvo ang tahimik na nakatitig sa papel na inabot nito sa amin. “Malay ninyo naman, baka sa ganito paraan matagpuan 'nyo ang magiging asawa at magiging ina ng mga anak 'nyo?!” Pagkunbinse pa ni Jake. Ngunit sunod-sunod na naman umiling ang tatlo. "Hindi, na!" usal pa ng mga kaibigan ko. “Ikaw ba, Arthur? Gusto mo bang ang games na naisip ko?!” Nakangisi turan ni Jake sa akin. Napapaisip naman ako sa games ni Jake, bakit hindi ko subukan 'Di namab siguro masama patulan ang laro na sinasabi ni Jake. “Okay, sige payag ako.” Sagot ko. “Ayon, oh!” Nakangisi tugon ng kaibigan nila at bumaling naman ito kay Elvo. “Ikaw, Elvo gusto mo rin ba ang ganito challenge na games?” Saad ni Jake. “Why, not!” Tipid na sagot ni Elvo. “Support na lang kami. Sa inyong dalawa.” Anas ni Carlos. “Kayo na ang bahala, mag hanap ng babae. Na papayag na pumirma sa married certificate tapos, kapag nakapirma na siya. Babayaran natin ng kalahating milyon pesos.” natatawa wika ni Jake. Napapailing na lang kaming lahat sa naisip na kalukohan ng kanilang kaibigan. Analyn pov “Wow Analyn, kakaiba ang ayos natin ‘ah!? Nakasimangot na saad ni Rica. “Kaya nga, anong pumasok sa isip mo. At bakit ganyan ang get up mo?” Segunda naman ni Yolly. “Baka sa itsura mo lang ay hindi tayo papasukin sa loob ng Bar.” Nakataas kilay na wika ni Rica sa akin. Hindi ko naman pinansin ang sinasabi ng dalawa kong kaibigan. “Paalala ko lang sa'yo, tapos na ang undas at December na ngayon? Pero ang itsura mo parang pupunta ka sa Halloween party?” Nakangiwi saad pa nito habang pinasadahan ako ng tingin nito. mula ulo hangan paa. At napapailing na lamang. “Oh, Bakit wala naman masama sa suot ko’ah!” Nakangisi turan ko habang ngumunguya ng bubble gum. Nakasuot lang naman ako ng itim na crop top at maong na palda na tenernuhan ko pa ng boots na black at ang kulay itim na lipstick at makapal na eyeliner, tapos nag hikaw na rin ako ng bilog. Kulang na nga lang sa akin ay walis tingting para na akong mankukulam sa Halloween party. “Saan Halloween party ka ba, pumunta?” “Sira, hindi Halloween party ang pinuntahan ko. Kundi sa birthday party ng aking ama!” walang gana sagot ko. Habang papasok kami sa loob ng bar. “Saka malabo hindi tayo, papasukin rito ‘no!” Matagal na tayong kilala ng mga staff.” Komento ko pa at tama nga ang sinabi ko tuloy tuloy lamang kami makapasok sa loob sa araw-araw ba naman sila pumunta dito ay kilala na silang tatlo. “What / Ano!” sabay na sagot ng dalawa kong kaibigan. At humarap sa akin. “Talaga bang. Sira na ang ulo mo?” Usal ni Yolly sa akin. Tumaas lamang isang kilay ko habang nakatingin sa aking kaibigan. "Oh, Bakit? anas ko. “Talaga nagawa mong pumunta, sa party ng Daddy mo na. Ganyan ang ayos, sigurado galit na galit naman ang daddy mo?!” Hindi makapaniwala tanong pa ng mga ito. Tumango-tango naman ako. “Yes, ang saya nga eh!” Dahil nagawa ko na naman pataasin ang dugo ng matandang ‘yun.” Balewalang saad ko pa. Bumuntong-hininga muna ang dalawa at napapailing na tumingin sa akin. “Tila, proud ka pang. Makita galit na galit ang Daddy mo sa'yo.” Malungkot na tugon naman ni Yolly. “kaya nga, hanggang ngayon hindi mo pa rin napapatawad Ama mo?!” Singit na wika naman ni Rica. “Hindi!” Madiin kong sagot sa mga ito. “Kulang pa nga ang mga pinaggagawa ko. Sa laki ng kasalanan nila sa amin ng aking Ina.” Nagngingitngit sa galit ang kalooban ko sa tuwing naaalala ko ang nakaraan. “Kaya, wala akong balak na patawarin ang mga taong mayroong atraso sa akin.” Walang gana kong sabi sa mga ito. Hindi na lamang nagsalita pa ang dalawa kung kaibigan. Kahit kailan hindi ko mapapatawad ang mga taong dahilan kung bakit namatay ang aking ina. Saad ko sa aking isipan. “Pwede ba, huwag na natin silang pag-usapan pa masisira lang ang gabi ko dapat mag enjoy tayo dahil nagawa ko naman galitin ang aking ama. At wala akong panahon para sa mga ganyang usapan!” Mataray kong saad sa mga ito. Tuluyan na kaming pumasok sa loob ng exclusive na bar. Upang mag unwind Gusto kung uminom ng uminom. Para mawala ang sakit at pagkamuhi na aking nararamdaman para sa aking ama. Pati na rin sa naging kaganapan sa birthday party nito. Ako si Analyn Zabrina Acosta. Ang ama ko si Senator Sancho Acosta. Noong bata pa ako idol na idol ko ang aking ama. Ngunit lahat ng paghanga ko ay napalitan ng galit nang mamatay ang mommy ko. Nalaman ko na matagal na pala niya kami niloloko ng aking ina. May dating pamilya ito at hindi lang pala ako ang anak. Meron pa itong dalawang anak sa dating kinakasama bago makilala ng Daddy ko ang aking mommy. At ilang buwan pa lang namatay ang mommy ko nagpakasal na ito sa unang naging asawa. Kaya parang ako ang naging anak sa labas. Kaya hindi ko masisi ang aking sarili kung abot hanggang langit ang galit ko sa sarili kong ama. Napukaw lang ang aking pag iisip ng kalabitin ako ni Rica sa tagiliran ko. Kaya wala sa loob na tumingin ako rito. “Anong problema, mo!” Nakataas kilay na sambit ko pa. “Girl, may lalapit na sa atin gwapo!” Bulong nito sa aking tainga. At parang kinikilig. Napatingin naman ako kung saan ito tumitingin. Totoo nga may lalapit na dalawang lalaki sa amin. “Hi, girls!” Nakangiti saad ni Jake sa tatlong kababaihan. “Yes!” Mataray na wika ko sa mga ito sabay taas ng isang kilay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD