KINABUKASAN, dati-rati namang maagang gumigising si Rizza dahil bukod sa nakasanayan na niya ay marami pa siyang ihinahandang gamit niya sa pagpasok sa trabaho. Kaso sa umagang iyon ay mas maaga pa kaysa sa dati. Magaan ang pakiramdam niya sa pagkakataong iyon. "Mukhang in love ang dalaga namin ah," ani Ginang Mayla nang nadatnan ang anak sa kusina. "Paano mo naman nasabi iyan, Mommy? Ikaw nga po itong araw-araw na in love kay Daddy eh," kakamot-kamot tuloy na tugon ng dalaga. "Yes it is, Hija. Kaya nga kami nagkaroon ng tatlong anak sa katauhan ninyo ng mga Kuya mo. Dahil mahal na mahal namin ang isa't isa. Kidding aside, iba kasi ang glow ng mga mata mo." Tinig na nagmula sa pintuan. Kaya naman ay sabay silang mag-inang napatingin sa pinanggalingan ng tinig. Nandoon at nakasandig ang