Kung ano ang buhay mayroon sina Rizza at Enrico bago sila maging mag-asawa ay ganoon din noong nakabalik sa Madrid ang huli. Minsan pa nga kahit nasa trabaho ito kapag may oras ay bigla na lang itong napapatawag sa asawa para lang masabi na I LOVE YOU at I MISS YOU bagay na nalingid sa pamilya ng una. Kagaya ng araw na iyon. "May tawag ka anak, bakit hindi mo sagutin?" sabi ni Xander sa anak na pag-aayos ng mga gamit lalo at pabalik na sa trabaho kinabukasan. Napangiti si Rizza dahil dito. Alam naman niyang may tawag siya pero dahil gusto niyang asarin ang asawa ay nagbingibingihan kaso narindi yata ang taenga ng ama kaya't tinawag na siya. "Hello, baby loves ko," agad niyang sagot. "I love you, baby ko beautiful," tugon naman ng nasa kabilang linya. Kahit pa hindi naka-loud speaker