"Sasama sana kami ng Daddy ninyo kaso walang kasama ang Lola n'yo sa kabila. Pupunta kami roon mamaya lalo at nakaalis na si Lewis Roy. Mayroon siyang business meeting outside the country. Kung hindi ako nagkakamali ay sa Paris kaya't idinaan niya si Theo sa Madrid. Kaya't ipaabot n'yo na lang kay Enrico ang pagbati namin sa kaniya ng Daddy n'yo," pahayag ni Marga nang paalis na papuntang airport ang mag-asawang Christine Joy at Garrette Shane. "Makakarating, Mama. Saka may ibang pagkakataon pa naman na makasama n'yo siya. And in God's will ma-approve na ang papeles niya para makauwi na siya dito sa Baguio at siya na ang hahawak sa clinic n'yo ni Toblerone," sagot ni Garrette. Malakas pa naman ang kapatid niya at may apo na rin. Kaso parang may aagaw dito kung ituring ng bayaw niya. Gust