Chapter 41 Adelia Magkahawak kamay kami ni Nathan, habang patungo sa kabilang rest house. Tinawag kasi kami ni Manang Menda at kakain na ng hapunan. Tig-iisa kaming karga sa mga bata. Buhat-buhat ko si Amera, habang buhat-buhat naman ni Nathan si Amero. Ganito pala kapag na-inlove? 'Yong tipong parang nakalutang ka sa ulap? Ganito kasi ang nararamdaman ko ngayon "Hali na kayong dalawa. Masarap ang iniluto namin ni Menda," agad na sabi sa amin ni Mrs. Castillo. Nakaupo na sila sa harap ng lamesa. Hinilahan ako ni Nathan ng upuan. Umupo ako habang kalong-kalong si Amera. Umupo rin si Nathan sa tabi ko, habang kalong-kalong niya rin si Amero. Kinuha ni Nathan, ang aking plato at nilagyan niya ito ng kanin. "Dapat marami kang kain para may panlaban ka sa pagpupuyat," nakangiti niton