Chater 29 Nathan Nagkatitigan kami ni Miko. Wala siyang naisagot sa sinabi ko sa kaniya. Malalim pa siyang nagbuntong hininga. "So, ano? Niloko mo lang ang pinsan ko? At ang babaeng ka-date ko noon sinulot mo pa?" sarkastiko nitong tanong sa akin. Ngumisi ako sa tanong niyang iyon. "Sino ba ang pinaasa ng pinsan mo? Hindi ba ako? Sino ba ang umurong sa nalalapit naming kasal noon? Hindi ba, siya dahil sa ambisyon niya? Hindi ako magkakaanak sa iba kung hindi niya ako tinalikuran. Umuwi nga siya, pero nagkaroon ako ng anak sa iba. Kaya, kung ako sa'yo layuan mo si Adelia dahil may anak na kaming dalawa, kung gusto mo pa tumagal sa career mo," sabi ko sa kaniya kahit ang totoo hindi naman talaga si Adelia, ang ina ng aking mga anak. "May karapatan kang utusan ako na iwasan si Adelia,