Chapter 31 Adelia Naglalakad na kami dito sa loob ng mall. Tulak-tulak ko ang stroller ni Amero, habang si Mommy, naman ang tumutulak sa stroller ni Amera. Nakaka-miss din gumala sa mall. Una kaming pumunta sa mga pambata. Naalala ko na naman ang kambal na isinilang ko nang makita ang kulay pink na damit. Kumusta na kaya sila? Minsan bilang isang ina hindi talaga maiiwasan na hindi ko sila maalala. Kahit pa nariyan ang kambal na inaalagaan ko, hindi pa rin maiiwasan na hindi ko maalala ang mga anak ko. Pero umaasa pa rin ako na sana balang araw maalagaan ko rin sila, mayakap, at mahagkan. Na sana balang araw mapaghandaan ko rin sila ng paborito nilang pagkain. Kahit alam ko na suntok sa buwan iyon mangyari subalit hindi ako nawawalan ng pag-asa. Tinitingnan ko ang mga damit. "Bagay