Chapter 19 Adelia Kain, tulog, lang ang ginagawa ko sa pagbubuntis kong ito. Minsan nakaka-miss rin pala ang magtrabaho. Nakaka-miss ang mga dati kong ginagawa. Magligpit ng mga silid ng mga costumer sa hotel at magpalit ng bed sheet. Nakaka-miss makikipag-kwentuhan sa mga katrabaho ko. Panay nga ang chat sa akin ni Thelma. Tinatanong niya ako kung may balak pa ba ako bumalik sa apartment at magtrabaho sa hotel? Hanggang ngayon hindi niya pa alam ang sideline na sinasabi ko sa kaniya noon. Kasalukuyan nakaupo ako sa sofa nanonood ng tv nang makaramdam ako ng pananakit ng aking tiyan. Kabuwanan ko na rin ngayon, subalit hindi ko iniisip na baka manganganak ako. Tumayo ako sa aking inuupuan at pumunta sa banyo. Para kasi akong natatae. Pagdating ko naman sa banyo napatingin ako sa akin