Chapter 33 Adelia Sabay-sabay kaming kumain sa harap ng lamesa. Gising pa ang mga bata. Subalit hindi ako makatingin kay Nathan. Naiinis ako sa kaniya ng bigla niya akong halikan kanina. Natatakot kasi ako na baka matangay ako at hindi ko mapigilan ang nagbubugso kong damdamin para sa kaniya at baka saan pa mauwi ang lahat. Nakahiga sa kona ang mga bata, habang kami kumakain. "Nathan, hindi mo pa rin ba papakasalan si Adelia? Ang dami kayang mga lalaki ang mga tumitingin sa kaniya. Tapos nakita niya pa 'yong kababata niya," pangungulit na tanong ni Misis Castillo sa anak niyang bastos. "Mom, hindi naman mahalaga ang kasal. Ang mahalaga ay nagsasama kami kasama ng mga bata," sagot ni Nathan sa kaniyang. Halata sa mukha niya ang pagkainis. "Hon, huwag mo na kasing pakialaman ang