Chapter 43 Adelia Katatapos lang namin ni Manang Menda, mag-prepare ng almusal sa lamisa rito sa rest house nila Mr. And Mrs. Castillo, nang lumabas ang mag-asawa sa kanilang silid. Alas-siete y media na ng umaga. "Nasaan ang mga ako namin?" tanong ni Mrs. Castillo, sa akin. "Naroon po kay Nathan. Pinapaarawan niya po sa labas," nakangiti kong sagot kay Mrs. Castillo. Hindi mapagsidlan ang saya na nararamdaman ko ngayon. Bukod sa in love ako sa anak nila. Pinatunayan kagabi ni Nathan, kung gaano niya ako nirerespeto. Hanggang halik lang kami kagabi at walang nangyari sa amin. Lalo pa akong humanga sa ipinakitang respeto sa akin ni Nathan. Kung ibang lalaki lang siguro ang katabi ko kagabi baka nasira na naman ang kipay ko. "Mukha nga ang sarap ng mga inihanda niyo, ah?" nakangit