Chapter 55 Nathan Agad kong niligpit ang mga gamit ko. Pagkatapos ay tinawagan ko si Miss B. ''Hello, Sir?" sagot sa akin ni Miss B sa kabilang linya. "I-book mo ako ng ticket tingnan mo kung mayroong flight ngayong gabi," agad kong wika sa kaniya. "Hala, Sir. Isang gabi at isang araw ka pa lang nga riyan. Uuwi ka na kaagad?" tanong naman sa akin ni Miss B. "Huwag ng maraming tanong pa Miss B. I-book mo na kaagad ako ng ticket," saad ko sa kaniya. "Okay, Sir pero doble ang mahal ng ticket ngayon," sabi pa nito sa akin. "Wala akong pakialam basta i-book mo ako ngayon. Tawagan mo kaagad ako kung anong oras ang flight ko!" sabi ko kay Miss B at pinatayan ko na siya ng aking cellphone. Muli kong tiningnan ang live ni Mommy. Nagtagisan ang mga ngipin ko nang makita kong nakipagsaya