Masaya akong nagluluto ng dinner kasama ko si yaya Martha sa paghahanda ng aming hapunan. Gustong-gusto ko kasing alagaan si Zeus, kaya ako mismo ang naghahanda ng aming hapunan. Nagsimula akong mag-stay na lang sa bahay nang malaki na ang aking tiyan. Kabuwanan ko na kasi, kaya kailangang pumirme na ako sa bahay. Ako kasi ang CEO ng company nina daddy at mommy. Matanda na kasi sila, kaya sa akin na pinagkatiwala. Ngayong nasa bahay na ako ay silang dalawa ni Zeus na lang ang magkasama. Meron kasing sariling business si Katrina, pinagpatuloy niya ang naluluging company ng kaniyang mga magulang, kinuha niya sa Zeus bilang executive assistant. Mahal na mahal ko si Katrina katunayan ay kapatid na ang turing ko sa kaniya. Minsan na ring nagseselos si Zeus sa kaniya dahil lagi ko na lang binibigyan ng oras si Katrina. Napangiti na lang akong binabalikan ang aming mga happy moments. Nakita kong pumasok na si Zeus sa gate, kaya naghain na ako ng hapunan sa misa.
"Hi, honey. I love you." turan niya kay Sofia habang nakayakap at hinalikan pa niya ang tiyan ni Sofia.
"Hi, baby. Kumusta ka na diyan sa tiyan ni mommy? Magpakabait ka, para hindi mahihirapan si mommy." nakamgiting turan niya at hinalikan niya si Sofia sa labi.
"Zeus, late ka na namang umuuwi, lagi mo na lang akong pinag-aalala
sa 'yo eh." Wika ni Sofia habang nakayakap kay Zeus.
"Sofia, honey, I'm sorry. Meron kaming biglaang meeting alam mo naman
best friend mo 'di ba? Wala sa ayos minsan. Hindi sinasabi sa akin ang aking schedule agad para naman matawagan kita upang sa ganoon ay hindi ka na mag-aalala.
"Zeus, okay lang naman sa akin kung mag-overtime ka sa trabaho basta magpaalam ka lang sa akin na late ka nang umuwi, tawagan mo ako sa phone mo, ano ba ang silbi ng cellphone kung hindi mo naman gagamitin para saan ba 'yan?" saad ni Sofia habang nakataas ang nguso.
"Honey na lowbat na rin ako, hindi ako nakapag-charge bukas na tayo mag-uusap please inaatok na ako." turan niya at nagmamadaling umakyat sa kuwarto.
"Yaya, Martha. Halika na tayo na lang ang kakain, tapos na raw siyang kumain sa opisina." wika ko kay yaya, nakataas ang kilay nitong lumapit sa akin.
"Sofia, hindi ka nagalit sa asawa mo? Napapagod ka sa pagluluto tapos hindi man lang niya tikman kahit sabaw?" tanong ni yaya sa akin, alam kong concern siya sa akin lalo na ngayong buntis ako. At kabuwanan ko na.
"Yaya, kahit hindi niya tikman ang niluluto ko okay lang 'yan nandito ka naman, hindi ka lang titikim kakain ka pa." nakangiting turan niya. Nakita ni Martha na malapit nang mahulog ang luha niya, kaya hindi na nagsasalita pa si Martha. Alam niyang nasasaktan ang kaniyang alaga pero magaling lang talaga itong magtago at mahaba ang kaniyang pasensiya. Pagkatapos niyang maghapunan ay umakyat na siya sa taas para magpahinga.
"Yaya, ikaw na ang bahala rito. Matulog na ako yaya."
"Sige, Sofia. Goodnight.
"Good night yaya."
"Pagdating niya sa taas ay humihilik na si Zeus, wala nang nagagawa si Sofia dahil tinulugan na siya nito. Halatang pagod na pagod dahil nakalatag sa sahig ang mga hinubad nitong damit. Kinuha niya ang t-shirt at polo ni Zeus sa sahig, nagulat siya nang kaniyang makita ang kanilang wedding ring na nalaglag sa sahig, pinulot niya ito, at nilagay sa kaniyang drawer. Pumasok sa isip niya kung bakit hindi ito sinuot ni Zeus, tinitigan niya ang mukha ng kaniyang asawa at bumuntong hininga na lamang siya.
"Zeus, hinubad mo na naman ang ating wedding ring wala na ba itong halaga
sa 'yo?" bulong ni Sofia sa sarili. Maagang gumising si Sofia para maglakad-lakad sa labas kailangan niyang mag-excersise para healthy ang baby na nasa kaniyang tiyan, nagpahanda siya ng breakfast kay Martha para sa kanila ni Zeus, pero nagulat siya nang bumaba ito, bitbit ang kaniyang laptop at gamit ng baseball naka-suot na ito ng pang- sport na damit. Lumapit ito kay Sofia at humalik. Saka, agad tumalikod, tumakbo pa itong sumakay sa kotse niya.
"Honey, mauna na ako sa 'yo hindi na kita masamahan mag-breakfast tumawag ang best friend mo magpasama sa akin maglaro ng baseball." saad ni Zeus na nakangiti.
"Zeus, sigurado ka iwanan mo na naman ako? Buntis ako, kabuwanan ko na, anytime puwede na akong manganak. Mas importante pa ba 'yan kesa amin ng anak mo?" Wika na Sofia.
"Sofia may driver tayo, at si Martha, hindi ka niya pabayaan. Kailangan kong samahan ang best friend mo, dahil may sahod din naman ako nito eh, double pay pa, ayaw mo ba na madadagan ang savings natin?"
"Zeus, bakit ba kasi ayaw mong magtrabaho sa company ng daddy ko? Bakit hindi mo maiwan-iwan ang company ni Katrina? Kailangan ka ni daddy. Saka, ilang beses ka na niyang kinakausap at ang laki pa ng offer sa 'yo, pero paulit-ulit mo pa rin siyang tinatanggihan."
"Sofia, heto ka na naman! Pag-aawayan na naman ba natin 'yan? Alam mo namang hindi kami magkasundo ng daddy mo eh, ang liit ng tingin nila sa akin, sana naintindihan mo kung bakit ayoko!" singhal ni Zeus kay Sofia.
"Bakit Zeus, kay Katrina anong tingin niya sa 'yo? Special ka ba sa kaniya? Kaya dumikit ka na parang linta? Kung nasaan siya nandoon ka rin kasama niya? Magseselos na ba ako Zeus?" nagulat si Zeus, sa sinasabi ni Sofia, hindi siya makapaniwala sa salitang lumabas sa bibig ng kaniyang asawa.
"Sofia paano mo nasabi 'yan sa best friend mo? Nagdududa ka bang may relasyon kami ni Katrina?" tanong ni Zeus kay Sofia.
"I'm sorry, Zeus, paranoid lang siguro ako. Sige umalis ka na maligo na ako, mag-ingat kayo ng best-friend ko at pakisabi naman sa kaniya na miss na miss ko na siya. Baka naman kung may time siya bisitahin niya naman ako rito sa bahay." reryosong wika ni Sofia.
Umakyat na si Sofia sa kuwarto niya nagsisimula na siyang magselos kay Katrina, nagdududa na siya sa mga pinakita ni Zeus sa kaniya, madalas na kasi itong late kung umuuwi. At hindi na rin sweet si Zeus sa kaniya tulad ng dati, o baka dahil buntis lang siya kaya kung anu-ano na lang ang pumapasok sa kaniyang isip. Nag-shower siya at pinagmasdan niya ang sarili sa salamin, tumaba na siya, wala na ang katawan na iniingatan niya noon, kaya siguro ayaw na siyang lambingin ni Zeus.