Chapter 9 Zeus, bakit ang lalim ng iniisip mo? Saka alak na naman hanggang kailan ka ba umiinom ng alak? Wala ka nang oras sa akin at hindi mo na rin ako tinabihan sa kama. Nakakasawa na ang ganito!” “Katrina, wala akong obligasyon sa ‘yo, sa anak natin oo meron akong obligasyon pero sa iyo wala! Kaya kung puwede lang patahimikin mo na ako sabi ko naman sa ‘yo umalis ka na rito.” saad nito sa babae, hindi pa rin siya tumigil sa pag inom ng alak sa galit ni Katrina ay tinapon niya ang alak na nasa mesa. Nagulat si Zeus sa ginawa niya tumayo ito at tinulak siya. “Zeus ano ba? Ayaw mo kasing makinig sa akin eh. Tama na, saka kahit anong sabihin mo hindi ako aalis dito lang ako kasama ka!” singhal niya sa lalaki. “Kung gusto mong manatili rito bahala ka Katrina pero huwag na huwag mo akong