Chapter 12 Tinawagan ni Rafaela ang lalaki dahil gusto niyang matapos na ang gulo nilang dalawa. ayaw niyang magalit sa kaniya ang boyfriend niya. Sinabihan siya ng lalaking kausap niya na puntahan niya ito sa condo at binigay sa kaniya ang address nito. Pinuntahan niya agad para makauwi siya ng maaga, dahil alam niyang naghihintay na ang kaniyang lola sa kaniya. Iniisip niya rin si Zabrina kailangan lang niyang magpakita sa lalaki para hindi mawala si Diego sa kaniya. Pagdating niya sa condo ay kumatok siya agad nang bumukas ang pinto ay dali dali siyang pumasok sa loob dahil natatakot siya na baka meron makakita sa kaniya. “Mabuti namang sumipot ka. Akala ko balewalain mo ako eh.” “Huwag kang mag-assume hindi mo ako girlfriend! Nandito ako para matapos na ‘to! Anong kailangan mo sa a