"Sofia!"
Sabay katok ng malakas sa pinto na parang dumadagundong.
"Aba! itong bata na ito lagi nalang ganyan kelangan ba gigisingin pa kita? Sofia, Ano bumangon kana jan.
Sigaw ng Lola nito na si Mamita Cely.
"Eto na, eto na po Mamita! nag bibihis na po ako, susunduin po ako ni Bea ngayon kaya maaga ako bumangon.
Pagsagot nito galing sa loob ng kwarto.
"O'sya sige! bumaba kana agad para maka kain ka muna bago pumasok nag gawa ako ng tinapay na paborito mo.
"Cge po, Mamita susunod na din ako".
Tumunog ang cellphone nito.
Calling..... "Bff Bea"
"Hello bhest nasan kana? Patapos nako mag ayos, bababa nako bago kakain lang saglit pinag gawa ako ni Mamita ng tinapay, antayin kita dito sa bahay..
"Ok, otw nako bhest. baunan mo din ako ng ginawa ni Mamita namiss ko na mga luto niya.
Ocge cge.. ingat bhest! pag putol nito sa pag uusap sa cellphone.. at kinuha na ang bag at bumaba na ito ng kwarto, dumaretso hanggang kusina.
"Mamita, madami ka bang ginawang sandwich? kasi dalhan ko din daw po si Bea, namiss niya daw ang luto niyo.
O siya sige apo, gagawaan ko din si Bea.. yang batang yan napaka busy naman kasi ayaw pumasyal dito ng makakain ng luto ko.
"Sige Mamita sasabihin ko po! sagot nito habang puno ang bibig ng pagkain.
Hay nako sofia! ano ba yan lunukin mo muna yan bago ka mag salita batang to.. kaya di ka mag kaboyfriend boyfriend masyado kang isip bata.
Aalis na po ako Mamita, tama na po ang sermon wala pa po akong balak na mag boyfriend.. Ay tama at ipapakilala pa kita sa apo nung kaibigan ko.. Nako apo! dapat yun ang pakasalan mo dahil nag kasundo na kami ng kaibigan ko jan.
Mamita tlaga palagi kang nag bibiro, cge na bye na sabay halik sa noo at sabing I love you Mamita. Thank you sa masarap na Almusal.
May bumusina na sa harap ng kanilang bahay, anjan na si Bea Mamita alis na po kami.. see you later..
O cge mag ingat kayo, umuwi ng maaga.. pahabol na sabi nito sa apo.
Wow bhest., bagong sasakyan? sabay pasok sa loob nito.
Alam mo nman bhest! suhol to ni Daddy kasi gusto niya after ko mag aral ako na mag patakbo ng Restaurant namin, dapat talaga hindi ako nag Culinary nakakapikon. ".naka ngusong kwento nito.
"Magaling talaga si Tito manuyo alam na alam paano ka lalambot. O heto yung tinapay na gawa ni Mamita.
"Wow! Thank you bhest! the best talaga yan si Mamita, yung luto niya hirap lamangan siya padin talaga ang The Best Chef na Idol ko.. swerte mo nga at nag mana ka sa kanya, habang kumakain ng tinapay at focus sa pag mamaneho.
"Nako wala talaga akong masabi sa luto niyan ni Mamita hirap tumbasan.
"Ano bang balak mo nga pala, pupunta ka na ba sa Amerika pag kaGraduate natin? o mag tatrabaho ka muna dito? kunin kitang Chef.. sabay tawa nito..
"Hindi ko alam Bhest alam mo naman na gusto ko na makita sila Mommy at Daddy, ang tagal na nila hindi umuuwi sobrang busy makapag tapos lang ako.. Hirap na din si Mamita sa pag aalaga sakin.
"Jusko naman kasi Sofia Mendoza! ang laki mo na nag papa baby kapa maige kay Mamita, maging matured ka naman 17 na tayo next year 18 na at nasa legal age na, kaya sila Daddy kinukulit nako na mag patakbo ng Restaurant kainis bakit kasi wala akong kapatid. kulot noong sambit nito.
"Bhest matured naman ako minsan diko maiwasan mag pa baby kay Mamita kasi naman wala siyang tigil sa pag sabi ng ipapakasal niya daw ako sa Apo ng kaibigan niya. Knowing na hindi ko kilala yon at hindi na niya nakikita yon matagal ng panahon.
Napatigil sila sa pag kukwentuhan dahil sa isang malakas na busina nag narinig nila sa kabilang kalsada humaharurot ng isang van at muntik nito masagasaan ang matanda..
"Nako bhest! tigil mo muna dun kay lola tulungan natin siya baka mamaya nasangi siya at tinakbuhan na siya ng siraulong nakadali sa kanya.
Tumigil naman si Bea sa pag mamaneho at bumaba na sila.
" Lola ano po ang nangyari ayos lang po ba kayo? walang pinag aralan ata yung nag mamaneho na yon. gusto niyo po ba dalahin namin kayo sa Hospital? saad ni Bea
Oo nga po Lola wala ba natamaan sa inyo nakita namin na masyado mabilis ang pang yayari.
"Ayos lang ako mga iha, napaluhod lang ako sa impact ng sasakyan, pero ayos lang ako. sige na lumakad na kayo mukang papasok pa kayo sa School.
Cgurado po ba kayo Lola? yung tuhod niyo po? Puwede naman po namin kayo ihatid sa Hospital ng matingnan kayo.
Biglang may tumigil na sasakyan.
"Lola?" Sigaw ng isang Binatang nag mamadali bumaba sa magandang sasakyan.
Lola saan po ba kayo pupunta? kanina ko pa kayo hinahanap, nag aalala na sila Mommy sa inyo.
"Napatulala si Bea at napatingin si Sofia sa binata dahil sa angkin nitong kagwapuhan, kakisigan at katangkaran,.tingin nila ay laki itong Amerika dahil sa tono ng pananalita nito na medjo slang.
"Apo pupunta nga ako sa kaibigan ko, namimiss ko na siya. ang tagal na namin hindi nag kita simula ng umalis tayo papunta sa Amerika. Aba tanghali kana kasi gumising.
"E Sino sila Lola?
"Hello Sir bali tinanung lang po namin ang lola mo kung maayos siya kanina po kasi ay napaluhod siya sa gilid dahil sa bilis ng isang sasakyan na dumaan siraulong driver kasi yon.. Kayo na po bahala kay Lola niyo papasok na po kami. "sabi ni Sofia, dahil si bea ay tuloy padin ang pag katulala.
"Oo apo kabait nitong dalawang ito tumigil pa. para dalhin daw nila ko sa Hospital. Sige na mga iha ay teka ano pala ang pangalan niyo, Lorenz kunin mo ang mga number nila at imbitahan mo mag hapunan bibihira na ang mga tulad nila nag aalala sa di kakilalang tao.
"Sige po Lola, Miss anong pangalan niyo.
"Ako pala si Beatriz at siya si Sofia. Eto yung number ko nag mamadaling nakipag palitan ng Number si Bea at si Sofia ay tahimik lamang sa tabi.
"Tara na Bea mahuhuli na tayo sa Klase. yaya nito sa kaibigan.
"Teka yung number mo Sofia kunin ko na din,
Oo nga iha para maimbitahan ka namin.
Lola, kay Bea nalang po kayo tumawag lagi naman din po kaming mag kasama. Cge po Lola aalis na kami. Ingat po kayo lagi wag na kayo lalabas ng walang kasama iba kasi talaga dito sa Pinas kaysa sa Amerika.
"O siya sige iha ingat kayo. Nice to meet you.
Sabay hila ni Sofia kay Bea papunta sa sasakyan at bulong "Bea ano ba nangyayari sayo para kang timang natutulala ka jan maige.
Ano kaba Bhest mala angel na mukha bumaba sa lupa yon! habang kinikilig padin ito..
Kaya mo ba mag drive? kasi baka dahil sa kabaliwan mo tayo ang ma disgrasiya.. tama na yan, inis na sabi nito sa kaibigan.
Kaya ko tara na! malapit na tayong malate..
Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na sila sa Parking ng University na pinapasukan nila.
"Bea inaabangan kana ng boyfriend mong hearthrob pinapaligiran nanaman ng mga babae.
Oo nga kanina pa yan nanjan. Pero hindi ko makalimutan ung lalaki kanina. mas bagay kami di ba?
Ewan ko sayo! kung kiligin ka kanina para kang walang boyfriend.
Ewan ko din sayo bakit ang bitter mo sa mga lalaki mag boyfriend kana kasi. tuksuhan ng dalawa.
Papasok nako. see you later!
Okay sige see you!
Habang nag lalakad ako papunta sa loob ng classroom ko., Ramdam ko na may sumusunod sakin, ramdam ko ang mga matatalim nito tingin