"Uso ngayon ang pahabaan ng listahan ng mga naging jowa kaya maraming tao ang naiinggit at napapasana all na lang."
'Heto na naman po kami.. Haayy.. Love Topic na naman ang uungkatin ng mga bruhildang 'to!'
"Oo, sabihin na nating wala kang jowa pero h'wag kang ma-pressure at malungkot sa estado ng lovelife mo. Mas mabuti nang maging single kaysa mapunta sa maling tao."
"Talaga lang Claire ha! La kang jowa ha?" Di nakatiis nyang singit sa litanya nung dalawa.
"Crush lang yung sa'kin nuh! Wag kang anu dyan!"
"Crush na pinagnanasaan kamu! Diba b***h, truelaloo ako? Hahaha.."
"Mismo!" Napa apir pa sya sa katabing si Roselia.
"Mabel oh! Pinagkakaisahan na naman nila ako!" Naglalambing na humilig si Claire sa kabatak naman nitong nagsusulat sa diary nito.
"Teka lang! Makinig muna kayo sa sasabihin ko!" Nag angat ito ng tingin saka isa isang pinasadahan sila ng seryosong tingin ni Mabel na ikinatahimik nilang lima.
"Proverbs 21:19, "It is better to live in a desert land than with a quarrelsome fretful woman." And yes it is a blessing. In our culture, kapag tumanda kang dalaga o walang asawa,, minalas sa pag-ibig ang tingin sayo ng mga tao but no! You got the RAREST gift from God! Only few people received this gift, and if you are one of them, you are blessed!"
Umarkong kilay nya sa narinig, gusto nyang matawa sa sinabi ni Mabel pero nagpigil sya.. Dahil alam nyang bawat sabihin at bawat ishare nito sa kanila ay may sense. Kaya kagaya ng kanyang mga kasamahan sa table na inuukupa nila parati sa loob ng campus nila, ipinagpatuloy na lang din nyang pagkain ng meryendang nakahain sa harapan nila.
"#1 Corinthians 7:32, "I want you to be free from the concerns of this life. An unmarried man can spend his time doing the Lord's work and thinking how to please him."
Because you are single, you can spend more time with God than to people who are committed. And having a late night talk with God is better than having a late night talk with your jowa."
'See.. my sense ang kanyang sinabi, aminin mo? Hmm.. Continue please!'
"Always remember, being single is a blessing. Kaya kapag may nagtanong sayo ng, "Ba't single ka pa?", then say this four words:...
"Because I am blessed."
Seek Jesus first before anything else. And trust me, the loneliness of being single will never bother you."
Nagkatinginan silang lima, nag usap usap ang kanilang mga mata, at sa pagkindat ni R'joy Queen.. Sabay sabay nilang sinabi ang...
"Seek Jesus not seek jowa!"
"Yeah! Ganyan dapat! Bad Girls!" Napapalakpak pa sa tuwa si Mabel sa sinabi nila.
"Pero, lam nyu? maswerte ka kapag nakahanap ka ng lalakeng ganito.... "
"Lalakeng ano yun b***h? Sige, ilathala mo ng speech mo!" Sabay tapik nya sa pisnge ni Roselia.
"Speech! Talaga? Napaka supportive mo naman sa'kin hahah.."
"Miss Perfect Writer! Hmm.. Pa humble kapa dyan, eh kapapanalo mo nga lang sa writing competition nyo ni Ym diba?"
"Ay oo nga! Hoy, b***h! Dika pa nanlilibre samin ha!"
"Oo nga nuh! Kala mo nakalimutan na namin ang pustahan ha? Hindi kami kailanman makakalimot b***h! Kala mo ha!"
"Ano? Kelan ka manlilibre ha?"
Natahimik bigla si Roselia kaya para bumalik ang sigla ng kaibigan sinagip nya ito sa paniningil ng kanilang mga katropa.
"Atat lang? Di makapaghintay? Kayo talaga! Wag nyung i pressure si b***h! Bumu bwelo lang yan.. Diba Roselia, may plano kana, pero sabi mo secret lang muna?"
Siniko nyang kaibigan. "Oo naman! Akopa ba di manlilibre? Syempre diko kayo matitiis eh! Kaya kapag okay ng venue inform ko kayo kaagad ha!"
"Yeheeyy... Yun naman pala eh! Kala kasi namin forget mo na, kaya pina alala lang namin."
"Ang takaw mo Claire ha! Mag dyeta ka kaya, panu ka mapapansin nung crush mo kung ganyan kalusog ang pangangatawan mo! Haizzt.. Baka maturn off na yun sa'yo, sige ka, baka iba pang makinabang dun."
"Grabe! sya sakin.. Nakaka hurt kana ha!"
"Hep! Tama na yan! Nagkaka personalan na kayo eh! Balik na lang tayo sa topic natin.." Awat ni Ashley kay Rowena at Claire..
"Anong klaseng lalake ba yun b***h?" Baling nya sa kaibigan na nakangiti sa kanya. Napasimangot tuloy sya dito.
"Yung lalakeng kayang intindihin ang babae. Kaya ka niyang intindihin kahit na magulo yung pag iisip mo. Yung lalakeng kayang intindihin ang isang babae na nagtatampo at gagawan niya agad ng paraan para hindi na magtampo at lalambingin niya hanggang sa makita niya ulit yung ngiti ng taong mahal niya. Kaya ka niyang intindihin kahit may monthly periods ka at handa siyang bumili ng napkin para sayo, kung ano man ang mangyari ay aalagaan ka pa, kasi alam niyang mainit ang ulo mo at masakit yung puson mo kaya magpapakabait siya at babantayan ka niya hanggang sa maging okey ka. Kaya ka niyang intindihin sa mga bagay na kahit naguguluhan ka eh nandiyan pa din siya sa tabi mo sinasamahan ka. Kaya niyang intindihin yung mga bagay na hindi mo masabi at ginagawan niya agad ng paraan. Yung lalakeng handang samahan ka kahit saan at kayang respetohin ang mga desisyon mo."
"Dreaming!" Pinitik nyang noo ni Roselia na nakatingin sa kanya. "Wala ng lalakeng ganun, b***h!"
"Meron!" Sagot naman nitong titig na titig sa kanya.. Pero may napansin lang sya sa klase ng pagkakatingin nito.. Parang hindi naman sya ang tinitingnan.. Parang lampas lampas ang tingin nito eh. Kinaway kaway pa nyang kamay sa harap ng mukha ni Roselia, nagtaka sya kung bakit ni hindi man lang ito kumurap. Napasunod na lang tuloy sya kung saan nakatingin ngayon ang kaibigan. Awang ang kanyang labi ng makita si Ym, ang Mr. Perfect Writer ng Ayana Publishing. Higit syang namangha ng makita ang dalawa pang lalakeng naggagwapuhan na nasa likuran nito.
'Hala! Sila yung nasa magazine ng 'The Ayana Writer Gentlemen's'! Woww.. Unbelievable! Magkakaibigan ngang mga 'to.'
Lalo pa syang naglaway ng mapasulyap sa isang lalakeng tadtad ng tattoo ang katawan na nakalabas sa suot nitong damit. Di nya sukat akalain na ganito ka gwapo sa personal ang lalakeng pinapantasya na nya simula ng makita at mabasa nyang documentary tungkol dito.
"Yung babaeng sasamahan ka sa kalokohan mo. Siya yung babaeng sumasakay sa kalokohan mo at nakikipag kulitan. Naiintindihan niya kung bakit nagtatampo ka minsan at kung bakit ka nagseselos. Siya yung babaeng kukulitin ka kapag nagtatampo ka at hahalikan ng walang pasabi. Siya yung babaeng kayang sakyan lahat ng gusto mong gawin, kung naglalaro ka ng online games ay maglalaro din siya para samahan ka. Yung babaeng hindi maarte kahit san mo siya dalhin ay okey lang sa kanya. Siya yung babaeng naiintindihan ang mga ginagawa mo at sinasamahan ka sa lahat ng kalokohan mo.
Para kayong magtropa na sobrang nagkakaintindihan dahil ginagawa niyo yung mga bagay na ginagawa ng isa sa inyo at sinusubukan niyong matutunan yun." Kumakaway pa itong nakangiti kay Roselia. "Hi, mahal! Miss kita!"
"Ym! Ba't kayo nandito? Kala ko ba may lalakarin kayong importante?"
Naramdaman nyang pagtayo ni Roselia, pero di man lang sya nag abalang tingnan ang kaibigan. Mas busy kasi sya sa pakikipagtitigan sa lalakeng nakangisi na ngayon sa kanya. At ng kumindat pa ito. 'Oh my! Di lang yata mata at panga nyang nalaglag, kundi mas lalo ng kanyang panty na tila napigtas ng garter nito sa sobrang kilig na kanyang nararamdaman sa mga oras na yun. Pumintig ng mabilis ang kanyang puso ng makitang naglakad palapit sa kinauupuan nya yung lalake.
'Shet! Self kalma!'
"Hi! I'm Paolo." Sabay abot nito sa kanyang kamay at masuyong hinalikan yun.
Hindi lang puso nyang mabilis na pumipintig ng dumampi ang labi nito sa kanyang kamay. Mas malakas pang pintig ng kanyang mani ng dilaan pa ni Paolo ang kanyang balat bago ito binitawan.
'Hahh... Nakakauhaw!! Letseng lalake 'to ang landiii... Matsalap 'to dumila lalo na sumisid.. sigurado ako dyan.. eeee....!!'
"Burdado! layuan mong kaibigan ko... wag mong landiin yan! Tatamaan ka sa'kin." Sigaw ni Queen.
"Ikaw naman Queen, kala ko ba friends na tayo! Anu ba yung celebrasyon natin sa 'Whistle' , yung sinasabi mong 'sign of our friendship' usapang lasing lang ba yun?"
"Gago! Tunay yun, pero labas ang mga katropa ko sa usapang yun! Gets mo?"
"Hehe.. Gets na Gets ko!" Sabay akbay ni Paolo kay Rowena na napaigtad sa pagkagulat sa bilis ng kamay nito.
"Mabuti naman kung ganun! Tanggalin mo na yang braso mo sa balikat ni Rowena kung ayaw mong ihiwalay ko yan sa katawan mo."
"Hahaha... Bilis uminit ng ulo mo ah! Kala ko pa naman kalmado kana mula ng maging kayo ni Tol Mc.."
Naiiling na namulsa na lang sya sa suot na pantalon, mas maigi ngang ganitong gawin nya para kahit papanu mapigilan nyang kanyang sarili sa paghawak kay Rowena na tila magnet syang hinihigop padikit dito.
"Malinaw na hindi napaamo ang Dragon Tol Pao! Kaya alam mo ng susunod na kabanata nito sa'ting kaibigan.. hahaha." Pabulong na sabi sa kanya ni Reighn.
"Good luck na lang sa kanya kung ganun Tol Reighn... Kakawawain lang sya ni Queen pag nagkataon." Pabulong ding sagot nya dito.
"Kaya nga! Walang puso pa naman ang babaetang 'yan!"
"Sinabi mo pa! Tapos tinularan pa nung isa.."
Sabay inginuso ni Reighn si Ym na masayang nakikipag usap sa girlfriend nitong si Roselia, na katropa rin ni Queen.
'At baka pati ako mapasali sa club ng mga ito ah! Tangna! Wag naman sana!' Pero ng masulyapan nya si Rowena biglang nag huramentadong puson este puso nya. 'f**k! Mukhang tinamaan na yata ako!" Iiling iling na lang syang nag iwas ng tingin ng makitang paglingon ng dalaga sa kanyang dereksyon.
"Ikaw ba Tol Reighn, wala ka bang natitipuhan sa mga yan?" Wala sa sariling tanong nya sa katabi.
"Hindi ako pumapatol sa bata Tol Pao, alam mo yan!."
"Wag magsalita ng tapos! Sa ganda ng mga babaeng yan, imposibleng ni isa sa kanila wala kang matipuhan."
Sinulyapan nyang kaibigan, makahulugan syang napangiti ng mahuli nya itong nakasunod ang tingin kay Ashley na abalang ngumunguya ng chichiryang iniabot ni Queen dito. Tinapik nyang braso ni Reighn bago tumalikod at naglakad palayo sa lugar na yun. Nakailang hakbang pa lang sya ng marinig ang pagtawag ni Ym sa pangalan ni Rowena.
"Rowena! Ilag!"
Dina sana sya lilingon kung di lang nahagip ng paningin nya ang bolang patungo sa kinauupuan ng Bad Girls. Sa isang iglap lang, pumihit sya at mabilis nyang tinakbo ang bola at ihinarang ang katawan para di matamaan ang babaeng pinapantasya nya. Ang ending tumama ang bola sa malapad nyang dibdib, nag bounce ito at tumalsik sa malayo. At sya naman ay patihayang lumanding sa nakabukas na mga braso ni Rowena na napayakap pa sa kanya ng mahigpit bago sila sabay na bumagsak sa semento.
"Araayyy... sakit ng likod ko pucha!" daing ni Rowena ng maramdaman ang maliliit na batong tumutusok o bumaon na yata sa kanyang likuran. Di man lang nya tuloy nabigyang pansin ang nakadagan sa kanya na kabaliktaran naman ang nararamdaman nito.
'Woohh! Ke sarap at ke lambot naman ng unan ko! Haayyy... sana for life na ituuu..!! ' tila nakalutang sa alapaap ang nakapikit pa ring si Paolo. Ninanamnam pa nyang kaiga igayang pakiramdam ng may sumipa sa kanyang tagiliran. "Aray!" Napadilat sya bigla.
"Stupido! Bumangon kana nga dyang bakulaw ka't napipi na yang kaibigan namin sa kabigatan mo!" Akmang sisipain pa sya ulit ni R'joy kung di lang ito inawat ni Ym.
"Tangna! Para paraan ka din nuh! Anu masarap ba?" Pabulong namang sabi ni Reighn sa kanya ng makatayo sya't tumabi dito.
"Hehehe... Heaven Tol, sana maulit muli!"
"Ulol! Hahhaha.." At nag tapikan pang dalawa habang nagtatawanan na ikinatingin naman ng lahat sa kanila. Natigil lang ang pagsasaya nila ng marinig ang boses ni Rowena.
"Ouch! Sakit ng katawan ko, parang dinaanan ng pison itong dibdib ko... Lentek ang sakiittt..." Naluluhang namimilipit sya sa sakit ng lumapit sa kanya si Paolo.
"Gusto mo hilutin ko? Marunong ako nun, saka magaling akong magmasahe! Gusto mo subukan?" Di nya napigilang sabihin habang nakatutok ang kanyang mga mata sa malulusog na dibdib ni Rowena.
"Tara na nga Tol Pao! Kahalayan na naman yang nasa utak mo eh! Tsk.."
Hinila na nila Ym at Reighn palayo si Paolo na parang asong naglalaway habang tinitingnan ang banayad na paghimas ni Rowena sa dibdib nito, kung saan bumagsak ang ulo nya kanina.
"Langya! Tol Reighn, tingnan mong betlog na'to oh! Mukhang malakas ang tama ke Rowena."
"Anupa nga ba? Nabubuang na yan kapapantasya sa wankata ng babaeng yun eh! Kaya asahan na natin ang galawang kahalayan ng gagong 'to."
Natawa na lang sya sa usapan ng dalawang kaibigan na kumakaladkad sa kanya palayo sa lugar na yun. Kung pag usapan kasi sya ng dalawa, eh parang di sya kasama ng mga ito.
"Tara mga Tol, samahan nyo akong i celebrate ang bagong yugto ng buhay ko!"
Sabay nyang inakbayan ang dalawang kaibigan na kasabay nyang naglalakad patungo sa mga big bike nilang nasa labas lang ng skwelahan.
"At anu naman yang bagong yugto na yan sa buhay mo?" Kunot nuong tanong ni Ym sa kanya, samantalang si Reighn naman ay natatawa na lang sa usapan nilang dalawa.
"Basta! Secret na lang muna, baka mausog pa eh! Sayang naman kapag di natuloy ang magandang nasimulan na nam - "
Natigil sya ng maalalang syota na pala ni Ym ang sanggang dikit ni Rowena na si Roselia, malamang na kapag nalaman ng kanyang kaibigan ang kanyang mga binabalak, baka sabihin nito sa girlfriend at ito naman ang magdaldal sa babaeng pantasya ng kanyang buhay.
"... Ah!.. Aham! Tara na nga dami pang tanong eh!"
Nauna na syang naglakad at basta na lang iniwan ang dalawang kaibigan. Dina nya tuloy nakita ang makahulugang palitan ng tingin nung dalawa, kasabay pa nun ang pag thumbs down ng mga ito.
"Bilisan nyu na! Tama na yang senyasan nyong dalawa dyan! Mga gagong 'to dina lang manahimik eh! Kalalaking mga Tao, puro chismoso"
Matapos nyang sabihin yun, dun na nya narinig ang hagalpakan ng tawa nung dalawa, na kahit sya natatawa na rin sa kanyang nasabi, ganun na talaga sila umpisa pa lang. Walang ilangan, walang lamangan, pantay pantay lang ang turingan. Sila ang mga kaibigan nyang tapat, tunay at totoo...
Panu nya nasabi yun? Kasi, halos kilalang kilala na sya ng mga ito, lalo na sa larangan ng pag-ibig na kanyang sinasabi palagi na hinding hindi na sya naniniwala dito, pero ang totoo nyan... Natatakot lang syang mabigo at masaktan kagaya ng nangyari sa kanyang mga magulang, higit sa lahat sa kanyang Ama, na magpahanggang ngayon ay nasasaktan pa rin dahil sa pagkakahiwalay nila ng kanyang Ina. Tapos makalipas lang ng dalawang taon nag asawa kaagad ang kanyang Ina, at ang masama pa dun ay ang ipinalit lang sa butihin nyang Ama ay isang walang kwentang tao, na ang alam lang gawin ay pakialaman ang sarili nyang buhay. Hadlangan ang kanyang mga pangarap at kutyain ang mga bagay at taong nagbibigay ng kasiyahan at kaligayahan sa kanya.
Kaya mas minabuti na lang nya ang lumayo kahit na alam nyang magdaramdam ang kanyang pinakamamahal na Ina, umiiwas lang sya sa gulo dahil batid nyang sa oras na mapigtas ang taling inilagay nya sa pagitan nila ng kanyang Amain, hindi nya masisigurong masisilayan pa nito ang pagbukang liwayway. Mabuti syang Tao, pero kapag nasagad na, dun na sya nagiging demonyo. Marespeto din syang Tao, pero dun lang sa mga deserving. Mapagmahal din sya, na kahit sinasaktan o nasasaktan na sya ng mga taong pinapahalagahan nya, benabalewala nya lang yung sakit, kasi ang mas mahalaga sa kanya ay ang makasama ang mga Taong nagbibigay ng kaligayahan sa kanyang buhay. Isa lang ang problema sa kanya.. Yun ay ang ugali nyang magmura.. pero ang palagi nga nyang sinasabi at paalala sa lahat....
Palamura lang AKO,
pero hindi ako masamang TAO.
?MahikaNiAyana