BB:2

1031 Words
"Buo na ba talaga ang pasya mo anak?" naiiyak na tanong ng ina niya sa kaniya. "Mama ayokong ito na naman ang dahilan ng pag-iyak mo. Akala ko ba okay na?" naiiyak naman na aniya sa ina. "Eh kasi anak eh," kontra nito at suminghot. Hinarap niya ang kaniyang ina at hinaplos ang mukha nitong hilam ng luha. "Ma, hindi ba napag-usapan na natin ito? Pagtatalunan na naman ba natin ito?" mahinahong ani niya sa ina. Suminghot lamang ang ina niya't ito naman ang humaplos sa mukha niya. "Oh sige, basta dadalawin ka namin doon ha. Naku! talaga anakblalo oqng akong naiiyak. Iiwan mo na kami ng, Papa mo," ani ng ina niyang niyayakap na siya nang mahigpit. "Thank you, Ma," naiiyak na sambit niya at niyakap ang ina. Maging siya ay hindi sanay na mawalay sa kaniyang mga magulang. Hindi siya sanay na wala ang mga izo upang gabayan siya. Subalit alam niya sa sarili niyang kaya niya dahil ito ang nakalaan para sa kaniya. ♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧♧ Madaling lumipas ang panahon para kay MA or Merian kasalukuyan na siyang nasa ikaapat na taon sa kursong pagma-madre. Sobrang saya niya sa desisyon. Sa wakas ay malapit na siyang aalis para makapunta ng Rome. Nakakauwi naman siya sa kanilang bahay minsan dahil pinakiusapan siya ng ama niya. Proud na proud siya habang suot ang lubos puti niyang damit at belo. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa Marian College medyo may kalayuan ito sa LSU na kasalukuyang pinag-aaralan ng kaibigan niyang si Alexis. Si Sandira naman ay kasalukuyang nag-aaral sa ibang bansa. Nabalitaan niya kasing broken hearted daw ito. "Ma?" tawag niya ng pansin sa mama niya habang nagluluto. Hindi ito magkandaugaga sa ginagawa. Ang mga kasambahay din nila ay paroon at parito kung kumilos. Kaagada na napakunot ang noo niya sa nakikita. Parang may espesyal silang bisita. "Oh anak bakit?" nakangiting tanong ng mama niya habang tinitkman ang luto nito. "Sino po ang bisita natin? Ba't sobrang dami naman ng niluto niyo puro pa masasarap," tanong niya sa ina habang nakangiting tiningnan si Inday. Ang katulong nila. "'Yung kaibigan ng Papa mo. 'Yung pamangkin ni Donya Isabela si ano nga ba 'yun? Ay tama si Akastreu Abbas. Dumating daw kasi kahapon tsaka naisipan yatang dumaan dito sa farm ng Papa mo. Matalik na kaibigan kasi 'yun ng Papa mo tsaka mabait din ang asawa't anak niya. Teka nakalimutan mo na yata eh, 'yung pumunta rito? Ilang taon na rin kasi ang nakararaan baka nakalimutan mo na," sambit ng ina niya. Napakibit balikat lamang siya sa sinabi ng ina. "Baka nga po," ani niya at ngumiti. "Hindi mo ba naalala? May anak silang sobrang guwapong binata. Noong nanalo sa eleksiyon si, Papa mo?" samhit ng ina niya. Kaagad na natigilan siya at napaisip. She knows too well, it's Reuchi Abbas. Ayaw man niyang alalahanin ang binata subalit alam niya sa sarili niyang mahirap iyon kalimutan. Ilang saglit lang ay narinig niyang may nag-doorbell sa labas ng bahay nila. Nagkatinginan sila ng ina niya. "Naku! Anak baka sila na iyan. Halika't si, Inday na ang bahalang maghain diyan," ani ng ina niya. Nagmamadali talaga ito at hinila siya ng ina at sumama naman siya rito. Papalapit sila nang papalapit sa pinto ay hindi niya mawari kung bakit lumalakas din ang kabog ng dibdib niya. Nakangiting binuksan ng ina niya ang pinto. "Masaa' alkhayr, Mrs. Contuillo," nakangiting bati ng isang napaka-gandang Ginang. Sa tingin niya'y nasa fifties na ito subalit napaka-sopistikada nito. "Oh! and to you dear," nakangiting ani ng Ginang at bineso-beso sila. Maaliwalas na winelcome nila ang bisita at dinala ng ina niya sa loob. Isasara niya na sana ang pinto at nappaiksi siya nang biglang may nagsalita sa gilid. "I'm still here," ani ng isang baritonong boses. Nakatayo ito at seryoso ang bakas ng mukha. "Jesus name!" sambit niya sa gulat. Huminga siya at napahawak sa dibdib niya. Hindi niya alam bakit parang may kuryenteng dumaloy sa katawan niya nang masagi ng binata ang kamay niya. "I-i'm sorry, please come in," ani niya mahinahong boses at nginitian ang bisita. Hindi niya maipagkakailang sobrang guwapo nito. Bagay na bagay ang suot nitong suit sa katawan. "Staring is rude, Sister," mapaglarong ani ng binata sa kaniya. She composed herself and looked at the gorgeous man standing next to her. "I'm sorry, Mr. but I'm just looking not staring," pangongorek niya at tinalikuran ang binata. Na-conscious naman agad siya sa ikinilos parang ang bastos niya kaya imbis na magpatuloy sa paglalakad ay nilingon niya ang binata. "Mr. Abbas, please don't just stand there. My family and your family's waiting in the diner. Dinners ready shall we?" nakangiting aniya sa bisitang kitang-kita ang amusement sa mukha nito. Tatlong hakbang lang ay nasa tabi na niya ito. Mataas kasi talaga ang biyas nito kaya ganu'n. "How are you?" tanong nito sa kaniya habang naglalakad sila papasok sa kusina. "I am fine," sagot niya rito. Pilit na iniiwas ang tingin sa binata. She felt uncomfortable with his presence. "Are you a Nun now?" tanong ulit nito. Nilingon niya ito at inilingan na pinagsisihan niya dahil lalo niya lang natitigan ang napaka-guwapong mukha nito. "Malapit na," sagot niya at naglakad na ulit. Kaagad na napatango ang binata. "Still beautiful as the first time I laid my eyes on you, MA," mahinang ani ng binata sa dalaga. Kaagad na natigilan ang dalaga. "T-thank you?" patanong niyang sagot sa binata. Huminto si Reuchi sa paglalakad kaya napatingin siya rito at napahinto na rin. "Kung naaalala mo pa ang sinabi ko sa'yo noon...I am serious about it. I have my own empire now. I am still hoping that you will reconsider it," ani ng binata sa kaniya at tuloyang naglakad una sa kaniya. She can feel her heart thumping so fast. She closed her eyes and uttered silently. "I can remember you fully, I just can't stay holding on to your words, not now not ever Reuchi," ani niya at sumunod na rito. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD