• 3rd PERSON POV • MAKALIPAS ang halos tatlong oras ay nakarating din sila Jason at Pauline, sa Batangas. “Princess, gising na, nandito na tayo.” Tinapik ni Jason, ang pisngi nito pero hindi pa rin ito nagigising kaya napangiti na lang ito habang pinagmamasdan ang kagandahan ng mukha ng babaeng mahal niya. “Napaka amo talaga ng mukha mo,” sabi nito habang hinahaplos ang mukha nito. Bigla niyang hinalikan ang tungi ng iling nito kaya unti-unting dumilat si Pauline, at pagdilat ng mga mata niya ay nakita niya na malapit ang mukha ni Jason, sa kanya kaya agad itong napabalikwas. Umatras naman si Jason, dahil sa reaksyon nito. “Anong ginagawa mo sa akin?” Tanong niya agad dito. “Nothing, just staring my future,” sabi nito sabay ngiti. Tinaasan naman ng kilay ni Pauline, ito. “Nakatul