• PAULINE POV • Umahon ako sa pool para kunin ang binake kong cookies. Nag bake kasi ako kanina habang nag-iihaw sila. Pag pasok ko sa kusina ay Nakita kong bukas ang pinto dito sa likod. Papunta ito sa garahe. Kumunot ang noo ko dahil paano nakabukas ito. “Baka nakalimutan lang ng asawa ko o kaya ng mga kaibigan ko,” sabi ko na lang sa isip ko. Pero hndi pa sila nagpupunta dito. Agad akong napatingin sa labas ng garahe ng may napansin akong parang may tao. Paglabas ko ay bumungad ang itim na sobre na nakalagay sa ibabaw ng sasakyan ko at mayroon din isang bouquet ng roses. Kinuha ko ito at binuklat ang sobre tsaka binasa. “Enjoy ka lang muna diyan kasama ng mga kaibigan mo, sa susunod magsasama na tayo, I love you, Pauline.” Napataas naman ang balahibo ko sa laman ng sulat kaya agad