"Hi!" she faked a smile as she turned to them. "Kanina ka pa diyan, Rebs? Ah, pasensya ka na ha? Nagkakulitan lang kami ni Raphael. Ito kasi!" sinaway at hinampas pa nito ang katabi. "Anong ako lang? Gumanti ka rin naman ah!" natatawa pang sagot ni Raphael. "Ah, hindi naman. Medyo lang." naiilang niyang sagot. "Lika rito, maghapunan ka na. Gutom ka na panigurado." ani Lily at inakay siya papasok sa loob. Pumasok siya at nagsimulang kumuha ng plato at kubyertos saka naglagay ng kanin at ulam. "Kain tayo." awkward pa niyang niyaya ang dalawa nang naupo na siya. "Sige, Rebs, tapos na kami. Kanina pa kasi kami kumain, hindi ka na nga namin ginising pa kasi ang ganda ng tulog mo kanina." "Ah, gano'n ba?" walang gana niyang sinabi habang tigtitingi ang isinusubong pagkain sa bibig. "You