Kinaumagahan, maaga nga'ng umalis ng mag-asawang Montgomery. Inihatid nila ni Raphael ang mga magulang nito sa airport. "You take care of Rebecca habang wala kami, ha anak?" anang ina ng binata rito. "I will, mom." "Enjoy your stay while you're here in Manila, okay hija?" baling naman kay Rebecca ng ama ni Raphael. She nodded and smiled. "Opo." "We'll call you immediately 'pag babalik na kami." anang ginang. Tumango sila ni Raphael. "Opo." Hindi nagtagal at tuluyang nakaalis ang dalawa samantalang sila naman ng binata ay bumalik muli sa bahay. Dumiretso siya ng kusina para magkape at si Raphael nama'y tuloy-tuloy na dumiretso sa kwarto nito. Marahil ay babalik ulit sa pagtulog. Nakarating siya sa kusina at tama namang naroon ang katulong si aling Meding na nagluluto ng agahan nila.