L O R R A I N E Tumungo na ako sa itaas para puntahan ang tumatawag kong asawa. "Paul bakit?" utas ko pagpasok. "Ayusin mo ang kama... pati na rin ang ibang mga kwarto dito sila matutulog." walang emosyon nitong sabi. Bakit ba kung maka asta siya ay parang katulong niya lang ako? "Hoy! Nakikinig ka ba?" bulyaw nito sa akin. "Ah... oo Paul, gagawin ko na." sagot ko na natataranta. "Tss..." Tinalikuran niya ako at marahas na sinarado ang pinto. Nagulat na lang ako sa inasta niya. Lagi nalang! Kailan ba siya mawawalan ng inis saakin? Hanggang kailan ba niya ako tatratuhin ng ganito? Umiling na lamang ako tinignan ang kabuuan ng aming silid. To where we both sleep. To where we make love. To where... Sinimulan ko ng ayusin ang kwarto namin... noon. Napapaluha nalang ako habang hi